4th chapter

33 4 0
                                    

"Welcome sa aming HQ hehe" sabi ni sam. HQ? As in head quarters? May ganon pala sila.

"Omo omo omo" bigla kong narinig ang boses ni zandria kaya napalingon ako sa kanila. "Ang hirap tumakas pag mag isa ka lang huhu kaines" sabi niya tapos umupo siya dun sa nilatag ni ryle na sapin

"Wala pa yung dalawa?" sabi ni zandre

"Parating na din 'yon" sabi naman ni ryle. Hindi ako makapaniwala na may gantong klaseng lugar gosh ang ganda dito.

"Hello ambeeer welcome ditoo" nakangiting sabi mi zandria ngumiti lang ako at pinagmasdan ang kalangitan. Madaming stars ngayon at ang ganda ng liwanag na nagmunula sa buwan ang sarap titigan ^_^

"Yung dalawa pala yung toka sa foods natin ngayon diba?" sabi ni sam na tinanguan lang ni zandria. Tumabi ako kay ryle na nag cecellphone nanaman.

"Woo! Hirap tumakas" dumating na sila sean at liam na may dalang mga junkfoods. San nila nakuha to?

'May mga stock kami ng ganyan' medyo nagulat pa ako ng magsalita nanaman si ryle sa isip ko

'Okay' yan lang ang sinabi ko at kinuha ko yung piatos na malaki. Bali pito ang dala nipang pagkain kaya tigitigisa kami pati na din ng c2.

"Ang ganda ganda dito tanaw ang paborito kong mga bituin at ang sarap sa pakiramdam ng hangin." nakangiting sabi ko tapos pumikit

"Tumpak ka diyan girl kaya nga eto ang napili namin eh" sabi ni sam.

Ilang oras din kaming nag stay don. Nagtawanan, nagpalitan ng mga korning jokes, at nagkwentuhan. Hindi namin namalayang 2:00 am na pala kay sabay sabay kaming bumaba. Ng makarating na kami sa pangatlong palapag ay tinignan muna namin sina sean at zandria bumaba tsaka pumasok sa dorm. Maingat ang mga galaw namin pag akyat at nakahinga lang kami ng maluwag ng nasa loob na kami ng kwarto. Nandito na ako sa kama ko at nagsusuklay ng buhok ko si zandre ay inaayos pa ang higaan niya, si sam naman ay nakahiga na at nakapikit tapos si ryle naman ay nag babasa. Tinakpan ko na ng comforter ang paa at binti ko ng napatingin sa tapat ko. Nakatingin sakin si ryle habang hawak hawak padin ang binabasa niya kaya napakunot ang noo ko..

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kaniya at tila ba nagising siya sa katotohanan.

"W-wala!. Matulog kana madaming mangyayari bukas sa unang araw ng pasukan maagang training ang pagdadaanan mo at ang pagcontroll ng magic at spells gamit ang kamay mo, ang utak mo, ang puso mo, at ang mga magic wands." tumango lang ako sa kaniya at humiga na at unting unti nakatulog.

--------

*TOOOOOOOOOOOOOOT*

Isang malakas na tunog ang nagpagising saming lahat. Minulat ko ang mata ko at kinusot-kusot nakita kong kakabangon lang din nung tatlo at mga inaantok pa. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

O.O

WTF!!! 6:15am?? >>____<< tumingin ako kay sam na nag aayos na ng higaan niya. Si zandre naman ay nakangusong nagkukusot ng mata at si ryle na naghihikab.

"I really hate that alarm" nakangusong sabi ni zandre tapos labas ng kwarto..sumunod si ryle sa kaniya.

ALARM yoooon??!! Takte sobrang lakas naman ata non eh pwede naman kaming mag set ng alarm sa phone.

"Alarm ng lahatan yon. Pag phone kasi ang gamit pwedeng hindi tayo magising agad or kaya patayin 'yon tapos back to sleep ulit. Tsaka 7:00 ang start ng class bawal malate" napatingin naman ako kay sam na nakaupo sa kama niya at nagtatali ng buhok. Natigilan siya sa pagtatali ng walang narinig na sagot mula saakin at nakitang nakakunot ang noo ko sa sinabi niya kani-kanina lang. "Ahh hehe i just read your mind accidentally. I told you minsan ko lang mababasa ang nasa utak mo lalo na ata pag preoccupied ka andami daming tumatakbong tanong diyan hehe" napasimangot ako sa sinabi niya kaya napagdesisyonan kong lumabas na din ng kwarto pero may dala na akong twalya para sa pagligo. Pagkalabas ko ay nanonood yung dalawa ng tv kaya nagderederetso na ako papuntang cr.

The Other WorldWhere stories live. Discover now