9th chapter

12 1 0
                                    

Apat araw na simula nung magkasakit ako at hindi padin tumitigil ang ulan pero may pasok na sila. Oo tama kayo ng basa SILA lang dahil hanggang ngayon nilalagnat padin ako, kainis nga eh wala naman akong magawa dahil hindi kaya ng katawan ko. Pero may isa namang nag babantay sakin syempre. Salitan sila actually pero minsan pinapanalangin ko na sana 'wag na dumating yung araw na turn ni ryle para mag bantay dahil mamamatay ako sa sobrang inis grr.!

Siya kasi yung unang nag bantay sa akin and guess what? Puro bangayan lang ang maririnig niyo dito sa loob ng kwarto, kaya nga pag dating nung dalawa nakakunot na noo nila at rinig na rinig daw yung sigawan namin sa labas palang ng pinto. And i'm very thankful kase sinermonan nila si ryle haha kesyo may sakit daw ako kaya dapat inaalagaan hindi inaaway BWUAHAHAHAHA tawang tawa talaga ako nung time na yun eh pinipigilan ko lang.

Pero ang malas ng araw na ito dahil si ryle na naman ang magbabantay sa akin. Iniisip ko palang naiinis na ako. Speaking of nandito siya sa kama ko at nakaupo chinicheck kung mataas pa din ang lagnat ko, sad to say mataas pa siya :(

"Hoy! May gagawin lang ako dito ka lang ha! Saglit lang ako 'pag dumating ako dito ng wala ka babatukan kita" sumimangot ako sa sinabi niya.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala ka na doon" sabi niya tapos tangkang tatayo sa kama ko pero nahawakan ko ang laylayan ng damit niya.

"T-teka naman ryle" naka nguso kong sabi. Tinignan niya ang kamay kong hawak ang laylayan ng damit niya at nilipat ang tingin sa akin.

"Ano na naman?" Pag susungit niya.

"Nabobored ako eh can i go to library instead to read some books there?" I ask him. Tinaasan niya lang ako ng kilay at lumapit sa may kama niya at may kinuha sa bag niya. Binato niya sa akin yun buti na lang at magaling ako sa pag salo.

"Oh 'yan magbasa ka diyan, 'wag kang lalabas!" Yun ang huli niyang sinabi at lumabas na sa kwarto. Ngumuso ako at tinignan ang librong binigay niya sa akin.

'Her secret' 'yan ang nakalagay na tittle. Maganda ang book cover pang fantasy kaya nae-excite akong mabasa ito.

Pero hindi ngayon, may mga bagay akong kailangan malaman tungkol sa mundo at paaralang ito. Hindi ako kuntento sa mga sinabi ni ms. Layra sa amin nung nakaraan dahil alam kong onti lang iyon kaysa sa totoong history nito.

Tumayo ako sa kama ko kahit mahina pa ang katawan ko. Kinuha ko ang jacket ko dahil malamig pa din kasi nga umuulan pa. Binuksan ko ang pinto para silipin kung nandoon pa si ryle. Tuluyan akong lumabas ng kwarto ng makasiguradong wala na si ryle doon. Pero palabas pa lang ako sa pinto ng may humila sa siko ko.

"Where do you think your going?" Napalunok ako nung unti unti akong humarap sa kaniya.

"R-ryle hehe akala ko ba u-umalis kana?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa palagay mo ba aalis agad ako kung alam kong matigas ang ulo ng binabantayan ko?" Tanong din niya sa akin na ikinasimangot ko.

Saan naman kaya nagtago ito? -_-

'Secret' napasimangot ako nung magsalita siya sa isip ko

"E-eh ryle naman gusto ko lang talagang magbasa eh"

"So my book isn't that enough huh?"

"H-hindi ang ibig kong sabihin ay m-may mga impormasyon lang akong kailangan malaman, ryle please?"

"No"

"Eh ryle naman!"

"Ano?!"

"Gusto ko lang malaman ang history dito yung buo" napakunot ang noo niya sa sinabi ko tapos seryosong nag iwas ng tingin at parang malalim ang iniisip.

The Other WorldWhere stories live. Discover now