14th chapter

8 1 0
                                    

Pagkatapos ng mga pangyayari ay naisipan na naming magpahinga. Natulala na lang si Adriane kanina at kusa nang nagpunta sa guestroom kaya pumasok na rin ako sa kwarto ko. Sino ba namang hindi magugulat kung may apoy na bigla at muntik nang tatama sayo diba. Abnormal talaga iyong si Ryle.

Nakatulog ako ng mahimbing at nagising ako ng 11 oc'lock na. Sobrang napasarap tulog ko kaya malamang ay ako na lang ang hindi pa nag aalmusal, magtatanghalian na din naman e.

"Ate? nasaan po sina Sam?"

"Ay maam bilin po sa akin ni Sir Ryle na pagkatapos mo daw po kumain sabihin sa inyo na umalis sila hindi naman po sinabi kung saan"

"Kasama si Adriane?"

"Opo e"

Hala baka bumalik na sila ng other world tapos iniwan nila ako dito kasi nakakainis ako kasama huhuhu h'wag naman sana.

*Beep!

Samantha:

Gurl, ano gising kana ba? Bilisan mo naman kanina pa ako nag aantay dito sa mall. Remember mag sha-shopping tayo!

Biglang pumasok sa isip ko na oo nga pala shopping day namin ngayon ni Sam.

Me:

Right away, madam.

Pagkatapos kong isend iyon ay nagmadali akong kumain at naligo. Nag ayos lang ako ng napaka simple tapos lumabas na ng bahay. Tinawagan ko si Sam para tanongin kung saang mall ako pupunta.

"Hello?"

"Sam?"

"Ano na, Nasan kana?"

"Paalis na ako kaso saang mall?"

"Pinaka malapit lang na mall dyan sa bahay tara na bilis shopping na shopping na kami ni Dria dito."

"Osige na sige na papunta na ako dyan text mo nalang ako kung nasaan kayo eksakto"

"Oo sige. Ingat"

Pagkababa ko ng tawag ay agad akong pumara ng taxi. Sanay parin naman ako dito sa mortal world no. Nang malapit na ako ay tsaka nag text si sam.

Samantha:

Infront of National Book Store may binili si Dria.

Me:

Yes, madam. Malapit na.

Samantha:

Bilis gurl gusto ko na magshopping kanina pa bili ng bili si Dria, ako wala pa

Me:

Edi dapat bumili kana din kanina pa.

Samantha:

Teh, damit mga gusto ko at ang taste mo ang gusto ko sa pagpili ng damit kaya bilisan mo na.

Me:

Yes!

"Maam nandito na tayo" pagkasabi non ng driver ay nag bayad agad ako at bumaba. Halos takbuhin ko na papunta ng National Book Store kung saan nakatayo sa tapat noon sina Sam at Zandria na masaya sa gamit na binili niya.

"After 10 years, gurl nakarating ka din!" sabi agad ni Samantha ng nakalapit ako sa kanila.

"Oh bakit ka ba natagalan Amber kanina pa naghihimutok tong si Samantha. Hindi daw siya makabili ng damit hanggat wala ka pa" nagkibit balikat pa ito.

"Eh kung ginising niyo na lang kasi ako instead na nauna kayo"

"Hay nako, gurl. Gustong gusto namin kaso si Ryle ang makulit, h'wag ka daw namin gisingin kasi mahimbing pa ang tulog mo"

The Other WorldWhere stories live. Discover now