Naghiyawan ang mga taga red lights warriors family ng malamang sa kanila ako naglakad ako pabalik sa tabi ni sam at nakarinig ako ng bulong bulungan.
'Paanong napunta siya sa RLW samantalang pang GAW ang lakas niya?'
'Hindi ko din alam'
'Ano ba kayo! Hayaan niyo na, eh sa ayon ang ibinigay ni headmaster sa kaniya eh tsaka hindi pa nagkamali si headmasyer no!'
'Siya na nga ba talaga 'yan?'
'Mukhang wala siyang alam sa mundonh ito'
'Paano tayo maliligtas ng babaeng 'yan?'
'Shut up cassy'
Hindi ko na pinakinggan ang iba at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita kong nakakunot ang mga noo ng mga estudyante sa GAW habang tinititigan ako. Parang iniisip nila na may mali sa mga nangyayare. Pinakawalan ko ang malalim kong buntong hininga.
"Omoo ambs! Welcome sa Red lights warriors family yiiiieee nadagdagan nanaman kami" tuwang tuwa na sabi ni sam sakin sabay niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit
"A-ah s-sam aacck!--hindi ako m-makahinga--ackk!" sabi ko kay sam kaya agad naman siyang natauhan at binitawan ako.
"Ay hehehe sorry ^_^v" sabi niya tapos nag peace sign pa. Tumingin ako sa likod ni sam ng may nakita akong papalapit sa amin.
"Welcome sa family ms. Grayson ikinagagalak namin na dito napunta ang aming tagapaglig--"
"A-ah napagod si amber sa byahe shawn baka pwedeng magpahinga na siya alam niyo namang bago hehehe" bago pa man matapos nung tinawag ni sam na shawn ang sasabihin niya ay inunahan na siya ni sam. Taka kong tinignan siya pero nakangiti lang siya sa akin. Yung dalawa naman ay nananahimik lang na nakatingin samin.
"Students! You may now go to your respective room. Mga leader ng bawat family guide your family sa mga room" nakita kong tumango si shawn at ibig sabihin lang non na siya ang leader ng family namin nagsitayuam ang mga estudyante at agad na sumunod sa mga leader na nasa unahan. Sinimulan na naming unakyat sa hagdan ngunit tila bitin iti pero bigla akong namangha ng gumalaw ang hagdan na ito at lumiko sa karugtong na hagdanan.
Astig.
Habang tinutungo namin ang daan ay puro pagkamangha ang lumalabas aa mukha ko dahil na din sa painting na gumagalaw. Nakapanood na ako ng katulad nito sa isang palabas at saktong paborito ko pa ang palabas na iyon. Harry Potter sa palabas na ito gumagalaw din ang mga painting at nagsasalita. Sa pangalawang palapag ay pumasok ang YMW sa isang pinto. Sa di kalayuan ay may isa pang pinto kung saan pumasok ang BRW. Dalawang family nalang ang natitira at umakyat na kami sa pangatlong palapag. Malawak lahat ng dinadaan namin at sa bawat pasilyo ay may mga apoy na nagsisilbing ilaw sa daan. Pumasok na ang GAW sa isang pinto at naglakad pa kami ng kaunti bago pumasok sa isang pinto.
Pagkamangha nanaman ang bumalot sa ekspresyon ko dahil pagpasok sa pintuan tumambad ang malawak na daan, may mga hagdanan din na katulad sa isang dormitoryo. Hindi ko maiwasan ang pagnganga sa nakikita ko. Tulad sa labas ng dorm na ito may mga apoy din na nagsisilbing ilaw dito. Hinila agad ako ni sam sa hagdan sa may isang building at nakita kong nakasunod yung dalawa samin na kanina pa walamg imik.
"Yiee magkakasama tayong apat sa room omoo!" sigaw ni sam. Ang building na ito ay may apat na palapag at papunta na kami ngayon sa pang apat na palapag, nakakalula man ay namamangha padin ako. Katulad dito apat din ang palapag sa pangalawang building.