2nd chapter

22 2 0
                                    

Magtatatlong oras na siguro kaming nandito sa train na sinasakyan namin at gutom nadin ako. Masyado bang malayo ang paaralang iyon?. Nga pala naalala ko na yung dalawang lalaki mga childhood bestfriend ko din sila.

"Nagugutom kana ba amber?" Napatingin ako kay zandre.  Kaming dalawa nalang ang gising sa aming apat

"Medyo" nakasimangot kong sagot.

"May nagtitinda dyan kaso puro sweets eh pero mabigat naman yon sa tyan, sorry hindi kita masasamahang bumili ito kasi eh" natawa naman ako sa reaksyon ni zandre ng tumingin siya kay sam na nakasandal sa kaniya at natutulog.

"Okay lang kaya ko naman" ngumiti ako sakaniya pagkatapos ay lumabas na. Tama nga si zandre puro sweets lang ang mabibili dito. Tumitingin tingin ako ng pwede kong kainin ng biglang may humawak sa braso ko na siyang ikinagulat ko

"Ikaw ba si amber grayson?" Nagulat ako ng itanong iyon ng isang matandang nakabalabal, yung kaliwang mata niya ay kulay puti na at pakiramdam ko ay bulag na. Bakit niya ako kilala?

"Ah o-opo" nakatingin lang ako sakaniya habang ngumingisi siya

"Tama nga ang propesiya ngayon dadating ang magliligtas sa mundong ito at sa kabilang mundo." hindi ko alam kung anong sasabihin dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya

"A-ahm lola mukhang nagkakamali po kayo. Pano ko naman maliligtas ang dalawang mundong sinasabi niyo?" binitawan niya ang braso ko at kumuha ng isang tsokolate sa tinitinda niya.

"Tama ako hija ikaw nga, may tiwala kami sa kakayahan mo kailangan lang gisingin ng kapangyarihan mo, tanggapin mo ito" inabot niya sakin ang tsokolate kaya napatingin ako don. Kinuha ko ito sa kaniya at pagtingin ko'y wala na siya. Mabilis akong nagpalingon lingon sa loob ng sinasakyan ngunit wala na talaga siya. Naglakad ako ng mabilis papunta kung nasaan ang mga kaibigan ko. Hingal na hingal ako ng pumasok ako sa loob

"Are you okay amber? Pinagpapawisan ka" Napatingin ako kay zandre gising parin siya. Nakatitig lang ako sa kaniya habang hinahabol ko ang hininga ko. "Amber?"

"Ah y-yeah" yan lang ang tanging nasagot ko tapos umupo na ulit ako sa tapat ni ryle tulog padin ito. Ako lang ang nakaupo dito sa side na to samantalang tabi tabi silang tatlo.

Tulala ako buong byahe nagising nadin sina ryle at sam at si zandre naman ang tulog. Malapit na daw kami sa school ayon sa pagkaka sabi ng nagsalita sa microphone. Ilang ulit nadin akong kinakausap ni sam pero di ko magawang sumagot sa kaniya.

"Are you really alright amber?  Kanina ka pa tulala" Pag sampung beses na tanong ni sam sakin. Tinitigan ko lang siya at tumango. Naisip ko nanaman ang sinabi nung lola kanina.

'Tama nga ang propesiya, ngayon dadating ang magliligtas sa mundong ito at sa kabilang mundo.'

Paano ko maliligtas ang mundong sinasabi niya kung isa lang naman akong ordinaryong babae na walang ginawa kundi ang magtaray minsan at.. at.. Natutulog na kapangyarihan? Nakakatulog din ba ang kapangyarihan? Okay ang corny ko pero hindi mali talaga yung lolang yon. Pumikit ako at huminga ng malalim

'What's bothering you?' Napadilat ako agad ng magsalita nanaman ang masunget na si ryle sa isip ko. Nakita ko siyang nakapikit din. Huminga ako ng malalim at pumikit ulit.

'Nothing' sagot ko sakniya. Matagal bago siya muling nagsalita sa isip ko.

'I know you'are not okay. I dont know how did you do that.. i can't read your mind.. this is the first time. Did you block your mind?' Ewan ko ba kung binlock ko nga ba ang isip ko o hindi.

'Yes' yan nalang ang isinagot ko sakaniya

'Kaibigan mo kami amber.. ako you can tell me that. Ito qng unang beses na hindi ako nakakabasa ng iniisip ng tao kahit naka block pa ito' Tanong niya ulet

The Other WorldWhere stories live. Discover now