12th chapter

5 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras ba kami nakatulog lahat basta pag gising nalang namin ay nasa van na kami at umaga nadin. Naunang nagising syempre si Ryle.

"Nasaang lugar na tayo, Ryle?" tanong ko sa kaniya dahil siya lang naman talaga ang tanging gising at katabi ko pa hehe.

"Mortal world" gulat na gulat ko siyang nilingon. Seriously, as in??

"Hindi nga?"

"Tss, tatanong tanong 'di naman pala maniniwala bahala ka nga!" inirapan niya ako at sumandal na.

"AAAAAAHHHHHHHH!!!" di ko na napigilan at napasigaw na ako dahil sa tuwa.

"Whaaat the??"

"Hell!"

Napatakio agad ako ng bibig ko ng magising sila Sam at Zandre. Kunot noo silang tumingin sa akin.

"Hanggang dito ba naman, Amber gigisingin mo kami sa sigaw mo" sam said habang kinakamot ang ulo niya.

"Sorry, di ko naman kayo ginigising e napasigaw lang talaga hehe"

"Amber konti na lang e nandon na yun e sunigaw ka lang talaga ganda na ng panaginip ko e" pag rereklamo naman ni Zandre.

"Tumigil na nga kayo sa pag rereklamo niyo. Mas mabuti naring nagising kayo dahil malapit na tayo. Gisingin niyo narin yung tatlo" wala nang nagawa si Zandre dahil sa sinabi ni Ryle kaya napaisip ako bigla.

Taob talaga ang nga ito kapag si master na ang nagsalita ah

"I know what your thinking, Amber. I'm their leader so they should listen to me even you. Understood?" tinapunan ko lang siya ng tingin at tumango bago umirap.

Wala talagang privacy sa lalaking ito

Makalipas ang ilang oras nang byahe ay nakarating din kami sa bahay na aming tutuluyan.

"Wow yayamanin ang ganda naman ng tinutuluyan niyo dito sa mortal world" saad ko na namamangha

"Parang ngayon ka lang nakakita niyan Amber ah!" natatawang sabi ni Zandre

"Hindi naman, hindi ko lang akalain na ganito kalaki ang tinutuluyan niyo kapag nagpupubta kayo dito sa mortal world. I just assume na dahil anim lang naman kayo noon hindi masyadong malaking bahay" i explained

"Syempre espesyal nga kami diba hahaha!"

"Should i call it mansion?" natawa ako sa sarili kong sinabi. Halata namang mansion sya itinanong ko pa.

"Call what ever you want" napataas ang kilay ko kay Ryle nang sumabat siya sa usapan namin ni Zandre

"Tss, 'di naman siya yung kinakausap" umirap ako at nilibot ang aking mata sa kabuuan ng mansion na ito. Parang masyado pa akong pagod para ikutin ang bahay. Tinanong ko kila sam kung saan ang kwarto ko at ng naituro na nila sa akin ay agad akong nagtungo roon para makapagpahinga na.

--

Nagising ako ng alas kwatro na ng hapon. Nakabihis pang alis silang lahat samantalang ako walang ka alam alam kung may lakad ba.

"Saan kayo pupunta?" i asked

"Sa school ng apo ni Headmaster" Zandre said

"Magbihis kana paalis na tayo" sabi naman sa akin ni Sam.

"Okay" agad akong nagbihis at pagkatapos ay pumunta na sa loob ng van katabi ni Sam at Zandre so sa gitna nila akong dalawa.

"Ano ba ang pangalan nung apo ni headmaster?"

"Adriane"

"Adriane? Woah kapangalan niya yung bestfriend ko galing naman haha"

"Tss" napanguso nalang ako ng sumabat nanaman ang famous 'tss' ni Ryle kahit kailan talaga walang araw na hindi siya nakikisabat sa usapan namin.

Nang makarating kami sa school na sinasabi nila ay agad kaming bumaba sa may van. Laking gulat ko ng ang school na sinasabi nila ay ang school na pinapasukan ko bago pa kami umalis ni mama para lumipat ako ng school. Sobrang saya ang nararamdaman ko dahil sa wakas nabisita ko ulit itong school na ito. Pumasok na kami sa loob at may mga iilan na estudyanteng nasa labas.

"Teka diba sila Ryle iyon? Kyaaaah! Nandito ulit silaaa" sabi nung babae sa kasama niya

"Ay shocks oo nga yun yung crush ko beh oh!" sabi naman nung kausap nung babae kanina sabauy turo kay Zandre. Hindi pala namin kasama sila Sean,Zandria, at Liam. Kaming apat lang ang nandito.

"Teka hindi ba si Amber iyon? Bakit niya kasama sila Ryle?" napatakip nalang ako sa mukha ko. Sikat nga siguro itong tatlong ito dito sa school ko dati.

"Teka nga! Saang ba natin pupuntahan ang apo ni head master?" tanong ko sa kanilang tatlo

"Sa room niya" sabi ni Ryle na patuloy lang sa kaniyang paglalakad. Sumunod na lang ako sa kanila pero naguguluhan na talaga ako ng huminto kami sa tapat ng pamilyar na classroom. Ito yung classroom ko nung dito pa ako nag aaral at bakit kami nandito??

"What the hell?" yun na lang ang naibulong ko sa aking sarili.

"M-Mr. Sandoval goodmorning how may i help you po?" pamilyar na boses ang sumalubong sa amin sa loob ng classroom

"W-wait? Ms. Park is that you?" baling sa akin ng adviser ko nung dito pa ako nag aaral

"Uhm hehe hi Ms. Sabrina" sabi ko sabay kaway. Nagbulong bulungan naman ang mga dati kong kaklase, sanay naman na ko sa kanila kay wala na akong pake sa mga sinasabi nila. Sus sila pa mga inggitera kasi.

"Hinahanap po namin as usual si Adriane nasaan po ba siya?"

"Si Mr. Rushford po ay wala pa rito. Kakatunog palang ng bell at madalas po siyang late mga isang buwan na rin siyang ganon."

"Ganun po ba? Makakarating po ito kay Sir Rushford marami pong salamat"

"Sorry Ms. I'm late again" naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ng bestfriend ko. Unti unti ako lumingon sa direksyon niya at halata kong nagulat din siya ng makita niya ako.

"Amber?"

"Uyyyy! Adriaaaane!" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Waaaaah namiss ko yung boy bestfrieeend ko.

"Bestfriend i miss you!" bulong niya sa akin

"I miss you more yie!" bulong ko pabalik sa kaniya.

"Ehem" napabitaw ako ng pumeke ng ubo si Ryle. Lumabas siya kaya sumunod kaming apat sa kaniya.

"Ano na namang ginagawa nyong tatlo dito? Pinadala na naman ba kayo ni lolo?" natatawang tanong ni adriane sa kanilang tatlo

"Teka ikaw yung apo ni headmaster?"

"Huh?" nagtataka akong nilingon ni Adriane pero miski ako nagtataka din.

"Oo pinadala niya kami dito para kumbinsihin kang pumunta at doon na mag aral" sagot ni Sam sa kaniya.

"At bakit naman ako sasama sa inyo?" tanong ni Adriane

"Hay nako eto na naman tayo!" bulong ni Zandre pero narinig ko iyon dahil katabi ko siya..

"Sasama ka o hindi mo na makikita ulit ang bestfriend mo" sabi ni Ryle

"Huh?"

"Doo na nag aaral si Amber at isa na siya sa chosens kaya kasama namin siya dito. Ano sasama kana ba sa amin at mag aaral doon o hindi?"

The Other WorldWhere stories live. Discover now