5th chapter

22 3 4
                                    

Nang makarating kami sa main room ay wala pa masyadong eatudyante. Hindi pa din dumadating ang pagkain namin kaya kami ay nagkwentuhan muna.

"Akalain mo yun amber ang galing mong makipaglaban sayang hindi mo natalo si samantha" sabi ni sean na nakapangalumbaba sa harapan ko. Ngumiti lang ako sa kaniya

"Alam mo girl sobrang bilis mong kumilos paano iyon?" Tanong ni dria

"Hindi ko din alam eh" nagkibit balikat na lang ako at hinantay na lang ang pagkain at hindi na nagsalita. Panay ang daldalan nilang lima habang ako ay nananahimik lang. Sumulyap ako kay ryle na nakatingin din pala saakin pero mabilis ding umiwas ng tingin habang nakakunot ang noo at tila ba malalim ang iniisip niya.

Dumating ang pagkain namin at agad silang natahimik. Binilisan ko ang pagkain ko dahil gusto ko ng magpahinga

"Hindi ka naman siguro gutom na gutom girl no?" Nagangat ako ng tingin at nakita ang katapat kong si ryle na nakatingin din saakin pero agad ding nag iwas. Nabitawan ko ang kutsara at tinidor ko at tumingin kay dria

"A-ano ba dria shut your mouth"

"Baket?"

"A-ano una na kami ni sam sa d-dorm ah medyo masakit pa katawan ko eh hehe sorry ah"

Kinalabit ko ang kumakain pang si samantha pero hindi niya ko nililingon kaya binatukan ko na

"Ano ba 'yan ambs baket? Kumakain yung tao eh" angal niya at kinamot ang ulo

"Una na tayo sa dorm"

"Ha? Eh kumakain pa ko"

"Nakakalimutan mo atang ikaw may gawa ng sakit ng katawan ko" bulong ko sa kaniya at agad naman niyang binitawan ang hawak niya

"Ay oo oo tara una na nga tayo hehe guys una na kami ah hehehehe" tumayo na si sam at hinila ko naman siya.

"Susunod din pala pinatagal mo pa akong nakatayo doon letche ka talaga sammy!"

"Ay nako ambs"

"Ay nako sammy"

Nagderederetso ang lakad namin papunta sa dorm habang inaalalayan niya ako. Pagkadating naman namin ay agad akong pumasok sa kwarto para kumuha ng pangtulog, nagpalit ako ng mabilis sa cr at agad ding lumabas kung saan si sam ang bumungad saakin

"Woi! Sorry na talaga ulit ha? Libreng masahe gusto mo?" Natawa ako sa hulinh sinabi niya

"No thanks. Tsaka no need to say sorry bes, i'm the one who ask you to fight so..." Nagkibit balikat ako

"Omg sabi na eh maiintindihan mo i love you talaga ambs"

"I love you more bes, sige na mauuna na akong matulog sainyo ha?"

"Okay, sleepwell amber" tumango ako sa kaniya at pumasok sa kwarto. Pagkahiga ko ay agad din akong nakatulog.

--------------------------

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na hanging tumatama saakin. Dumilat ako at tumingin sa mga bintanang nakabukas. Sinulyapan ko yung tatlo at nahihimbing na sila sa pagtulog. Nakalimutan ata ni sam na isarado at ikandado ang mga bintana dahil dalawa lang naman kaming gumagawa noon at hindi maaasahan ang mga lalaki. Tiningnan ko ang cellphone ko at 11:58 palang ng gabi.

Tumayo ako at isinara ang mga bintana. Medyo kumakalam din ang tiyan ko kaya lumabas ako ng kwarto. Kumuha ako sa mini ref ng chocolate at mineral bottled water at dumeretso sa sofa para manood ng movie, buti na lang talaga may stock sila dito.. paano kaya 'yon? Bumibili sila sa labas ng academy tapos patago nilang dinadala dito?. Magical ang movie sa HBO kaya tuwang tuwa ako habang pinapanood ito.

The Other WorldWhere stories live. Discover now