Kumakain kami ngayong pito dito sa HQ dahil nga 'Birthday' ko ngayon. Spaghetti, pansit, dark forest chocolate cake, and juice, at may bibingka pa. Iyan lang ang mga nandito.
"Grabe ang sarap naman talaga nito" sabi ni zandre. Siya ang halos umubos ng handa ko.
"Sana araw araw may birthday sa ating pito eh ano?" Sabi naman ng kakambal niyang si zandria.
"Hoy kayong magkakambal hindi niyo naman pinapahalatang hindi kayo mahilig kumain ano?" Natawa kami sa sinabi ni sam dahil mas madaming nakain yung magkakambal kaysa sa amin.
"Kayo naman masyado niyong inaapi yung kambal" singit ni liam at kinindatan pa yung dalawa. Nananahimik nalang ako dito sa gilid at tinitingnan ang notif ko na sunod sunod ang paglabas dahil sa pagbati nila saakin. May ilang chat din doon at nakita ko ang chat ng bestfriend ko sa mortal world at sa dati kong school.
•Adriane Rushford
Active nowHey! Bessy i just wanted to greet you a happiest birthday.♥ I didn't see you here maybe lumipat na nga kayo ni tita pero 'wag mo akong kakalimutan besy ah if you need me just call, text or chat me don't worry kahit nasaan ka pupuntahan kita and remember that i always got your back. No more dramatic lines basta Happy birthday, your gwapong besy loves you. I love you and i miss you besy mwuah!
Na touch naman ako sa sinabi ni adriane. Huhu i miss my bestfriend, para kasi siyang si zandre parehas sila ng ugali.
Waaaaaaah!! You bastard guy! Huhu natouch ako sa message mo sa akin grabe. I miss you too besy. Sory kasi hindi kita nasabihan na lumipat na kami ni mama anyways thank you and your beautiful besy loves you too hihi.
Delivered✔Pagkatapos kong mag reply ay nag out na ako at tinignan na muli ang mga kaibigan ko ditong nagkakasiyahan na!
"Zan twerk ka na hahahaha" tawa ng tawa si sam dahil sa pagsasayaw ni zandre miski kaming lahat ay natatawa.
"Ang laswa parekoy!" Tumatawa kong sabi. Binato naman siya ni liam at sean ng karton dahil sa pag sasayaw niya. Pare-parehas kaming tumatawa hanggang sa tumigil na si zan sa pag sayaw.
"HAHAHAHA pre para kang bakla"
"Tado ang gwapo ko namang bakla"
"Grabe zan anong sayaw 'yon?"
"Wushu mangha ka na naman sa akin samantha lazaro" nakatanggap si zan ng batok mula kay sam.
"Gaga! Ang sabihin mo nalaswaan ako ew!" Sabi ni sam. Umupo nalang din si zan at natahimik kaming lahat. Nakatanaw lang kaming pito ngayon sa napaka gandang langit. Wala ka ding makikitang stars. Siguro uulan--
"Oh my gosh! Grabe naman 'yan umulan pa" sabay sabay kaming tumakbo pababa dahil sa palakas ng palakas ang ulan. Wala kasing bubong sa HQ namin kaya ayan medyo basa kami. Pagkababa namin ay nagpaalam na yung tatlo at agad naman kaming dumeretso sa loob ng dorm namin at natulog.
------------------------
*TOOOOOOOOOT*
Mabilis akong nagising ng tumunog na ang alarm. Nagkukusot ako ngayon ng mata habang nakaupo at nakasandal ang ulo sa head board ng kama ko
"TO ALL STUDENTS WE ANNOUNCE THAT THE CLASSES TODAY ARE SUSPENDEN BECAUSE OF NONSTOP RAIN THANK YOU. AGAIN TO ALL STUDENTS WE ANNOUNCE THAT THE CLASSES TODAY ARE SUSPENDED BECAUSE OF NONSTOP RAIN THANK YOU."
Naghihikab ako ng inannounce iyon. Maaga pa akong nagising wala naman palang pasok today. Lumabas ako ng kwarto ng naka jacket dahil sa sobrang lamig. Kumuha din ako ng payong dahil bibili ako sa canteen or dederetso na ako sa main room para kumain, uunahan ko na sila dahil gutom na gutom na ako at kumakalam na ng sobra ang t'yan ko.