Tatlong araw na simula ng tinanong ko si Ms. Layra tungkol sa pag aaral ko dito noon. Pinilit kong alalahanin pero hindi ko talaga matandaan. Sinubukan ko ding kausapin si mama pero hindi na siya sumsagot sa tawag ko kahapon pa.
"Ambs? Di mo ata ginagalaw pagkain mo?" Tumingin ako kay zandre na nakatingin din saakin. Nandito kami sa canteen at kumakain, kaming dalawa lang ulit ang magkasabay dahil kanina pa umalis si ryle sa room at si sam naman tinatapos yung pinagawa sa kaniya ni Mr. Roady.
"M-may iniisip lang ako zan" kumunot ang noo niya sa isinagot ko sakaniya.
"May iniisip ka nanaman? Simula nang bumalik ka nung lumabas ka sa room pagkatapos ng history class natin ay ganyan ka na. Pwede kang magkwento saakin, diba parekoy tayo i can keep your secrets" nagbaba ako ng tingin sa pagkain na hindi ko pwedeng sabihin sainyo kase minsan baka ayon pa ang ikapahamak niyo diba?"
"Alam mo amber kahit matagal na kitang kaibigan remember childhood friend ang misteryo mo parin para saakin." Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Syempre mysterious ako hahaha" natigilan siya at kumunot naman ang noo ko.
"Baket?"
"Tumawa ka ba talaga parekoy?" Miski ako natigilan dahil sa ngayon ko lang narealize
"Narinig mo naman diba?"
"Woooah tumawa ang bespren ko!!" Tumayo pa siya at nagtinginan naman ang mga tao sa kaniya. Mayamaya ay biglang may umakbay sa kaniya.
"Hoy may pa tayo tayo ka pa nakakahiya" sabay silang umupo ni sam at tinanggal naman ni zan ang kamay ni sam sakaniyang balikat.
"Oy amber libre mo ako"
"Ganon ako pa manlilibre"
"Sige na pagod ako eh tsaka na kita ililibre kapag tumawa ka na sa harap ko!"
"Nakakapagod pala yung pag aayos ng mga pangalan? Samantalang pwedeng gamitan iyon ng magic sam, eh?"
"Manahimik ka nga zandre!" Tumawa ako sa kanila. Binigyan ko si sam ng pambili ng pagkain niya at sumabay siya sa amin sa pagkain. Nang matapos naman ay nag gala gala kami sa campus.
Nagpunta kami sa building ng mga grade 11 and 12 at may mga estudyanteng naglalabasan dahil ngayon palang ata yung breaktime nila. Pero sa hindi inaasahan may nakita akong pamilyar na pamilyar saakin.
"Ate sharina?" Tanong ko sa sarili ko. Pero imposible dahil nasa ibang bansa si ate para doon mag aral. Nagsisinungaling ba saakin si mama?
Sinundan ko si ate sharina kung saan siya pupunta. Hindi ko alam yung lugar na pinuntahan niya dahil hindi ko pa iyon napupuntahan o nalibot. May ilog dito at punong malaki kung saan nakakaginhawa sa pakiramdam lalo na kung magpapahinga ka at ang utak mo kung baga peacefull. Wala masyadong tao ang pumupunta dito o dahil siya lang ang nakaka alam nito?
"Ate sharina" natigilan siya sa paglalakad at unti unting lumingon saakin. Tumaas ang isang kilay niya saakin.
"Sino ka at paano mo nalaman ang lugar na ito? Bakit mo ako kilala?" Natawa naman ako agad dahil sa sunod sunod naman niyang tanong.
"Ate easy. Okay, sinundan kita dito at ako si amber kapatid mo" nanigas siya sa kinakatayuan niya at unti unting nanlaki ang mga mata niyang nakatingin saakin.
"W-what? Amber mich?.. Ikaw ba talaga iyan?" Tanong niya saakin. Tumango naman ako para sa sgot sa tanong niya. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Ofcourse kahit hindi ko siya kasamang lumaki nakikita ko naman siya sa pictures at tumatawag naman siya kay mama.
"T-totoo nga ang sabi sabi nila na n-nakabalik ka na nga dito sa Underground Academy" yumakap siya saakin ng pagkahigpit higpit ganon din ako sakaniya.