Ilang araw na matapos sabihin ni headmaster na napalabas ko na ang una kong kapangyarihan. Tulala ako dito sa kwarto at naka upo sa study table ko. Tinaas ko ang isang daliri ko at gumawa medyo malaki na bilog na gawa sa tubig.
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na may nalabas na akong kapangyarihan at ang astig kasalungat nung isang kapangyarihan ni Ryle kaya ayun matapos nung training namin dalawang araw tulog dahil sa lakas ng pagkakatalsik sa pader. I mean syempre sobrang sakit non pero gising nanaman siya eh pwede na siyang patulugin ulit haha.
Ginalaw ko ang daliri ko kung saan ako gumawa ng maliit na water ball at tinutok para tamaan ang pinto pero tumama ito sa taong nagngangalan na.. Ryle
Patay!
Tumigil lang siya sa may pintuan at basa na ngayon ang suot suot niyang gray na t-shirt. Blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya again with his famous poker face. Napalunok ako dahil don. Unti unti kong itinaas ang kamay ko para mag peace sign hehe.
At tulad ng dati inirapan lang niya ako at lumabas ulit ng kwarto -___-. Kung tatanongin niyo kung bakit nandito lang kami sa dorm at walang magawa sa kadahilanang wala kaming pasok. Perstaym kong magsaya at the same time nabobored -______- hmm ano kaya gayahin ko si ryle na cold ang emote niya? tapos dagdagan ko na din yung pambabara ko sa kanila? O kaya yung pagiging brutal ng bunganga ko? Hmmm mukhang masaya iyon.
Humiga ulit ako sa kama ko at hindi namalayang nakatulog na pala ako. Nang magising naman ako ay wala yung tatlo sa kwarto kaya lumbas ako ng kwarto. Pero paglabas ko sa kwarto ay wala parin sila. Pumasok ulit ako sa kwarto para kuhain ang jacket ko. I'm wearing a black oversized t-shirt na may tatak na I A M S E X Y at short na katamtaman lang ang iksi tapos sinuot ko ang jacket ko.
Lumabas ako ng dorm para hanapin sila. Hinanap ko sila kung saan saan pero hindi ko sila nakita. Kaya napagdesisyonan ko na pumunta na lang sa kung saan ako lang ang makaka alam. Pinuntahan ko yung lugar kung saan ko sinundan ang ate ko at naupo doon.
"Nice same place" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko at nakita si ryle na nakatayo sa harap ko ngayon at prenteng nakapamulsa. Sumimangot ako sa kaniya tsaka siya inirapan.
"Nasaan sila sam at zan?" Tanong ko sa kaniya habang umuupo sa ilalim ng puno. Lumapit siya saakin at umupo din sa tabi ko kaya napalingon ako sa kaniya. Pero wrong move dahil MUNTIK KO NA SIYANG MAHALIKAN god! two inch na lang ang layo ng mga mukha namin especially yung labi namin. Natigilan kami pareho at bumaba naman ang tingin niya sa labi ko at hindi ko alam na nakatingin na din ako sa labi niya kaya nag iwas agad ako ng tingin.
>/////////<
"H-hindi ko alam kung nasaan sila" feeling ko uminit ang katawan ko at parang sobrang pula na ng mukha ko damn it!.
"A-ah" yun lang ang naisagot ko sa kaniya at umurong onti.
Tahimik kaming dalawa ngayon at walang nagsasalita. Nakatitig lang ako sa malinis na ilog ngayon, si Ryle naman ay suot suot ang earphone niya habang nakapikit at nakahilig ang ulo sa puno. Ngumuso ako at humilig din sa may puno. Kinuha ko yung isa sa earphone niya at sinuot sa isa kong tenga. Napadilat naman siya at nilingon ako pero wala pading lumalabas na salita sa bungamga niya ng pumikit ulit. Siya po talaga yung dakilang snobber at pipe saming magkakaibigan.
Nakanguso akong pinapakinggan ang pinapatugtog niya. Pero maya maya ay sinabayan niya ang tugtog at kumanta.
"I'll be your crying shoulder,
I'll be love suicude,
I'll be better when i'm older,
I'll be the greatest fan of your life."Tumigil siya sa pag sabay sa kanta na iyon at dumilat. Nagtama ang mga mata namin at tumitig siya saakin kaya napatitig narin ako sakaniya.
"Stop staring." Sabi niya saakin