17th chapter

13 1 0
                                    

Nagising ako na nasa opisina parin ni headmaster at iba na naman ang taong nagbabantay sa akin. This time si Ryle na. Hindi niya ata napansin na nagising na ako dahil nakatulala parin siya sa pintuan.

"Ryle" pagtawag ko ng pansin niya kaya agad naman niya akong nilingon..

"Gising na pala ang matigas ang ulo. Kamusta?" sarkastiko siyang ngumiti sa akin.

"Alam mo ikaw nagkaganto na nga ako may gana ka pang inisin ako" inirapan ko siya.

"Its part of my job, to annoy you! Its working right?" nginisihan niya ako.

Tinitigan ko siya. Ryle is one of a kind man hindi niya pinapakita na concern siya pero mararamdaman mo kahit na sa simpleng pang aasar niya. He's also a caring friend, he always take care of me pero may kasamang batok pareho sila ni Zandre kaya parehas ko din silang ginagantihan.. Im such a lucky girl to have them as my friends na always protecting and concern to us samin dalawa ni Sam.

"Oh bakit ka nakatitig, alam kong gwapo ako. Naiinlove kana?" tumawa ako sa huli niyang sinabi.

"Inaamin ko Ryle gwapo ka pero yung naiinlove na? In your dreams ayoko sa mga nangaasar palagi no" inirapan ko siya pero nginitian niya lang ako.

"May pinabibigay si headmaster kaya din ako andito" sabi niya at may dinukot sa bulsa niya.

"Ano yan?" tanong ko.

"I dont know basta sabi niya ipainom ko daw sayo kapag nagising ka at make sure to drink this all. Pero bago yon kumain ka muna" binigay niya sa akin ang isang bowl na may soup tapos tinignan ang katawan ko.

"H-hoy" sabi ko sabay takip sa katawan ko. Humalakhak siya dahil sa ginawa ko.

"What are you doing? Do you think pagnanasahan kita. You know Amber you're too skinny kaya dont worry hindi kita pagnanasahan. Kumain kana ang payat payat mo" napahiya man ay inabot ko parin sa kaniya ang pagkain at sinimulan ng kainin napagod ako buong araw kaya gutom na gutom din ako.

"Dahan dahan baka mabigla ka!" inis niyang sabi sa akin at nagulat at natigilan ako ng abutin niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at ilagay iyon sa likod ng tenga ako. Habang ginagawa niya iyon ay natulala ako sa kaniya. Nang tinignan niya ako ay nagiwas ka agad ako ng tingin at ibinaling ito sa aking pagkain.

"A-ahm nga pala nasaan sila Sam?" nagbukas ako ng topic.

"Kumakain din" simpleng sagot niya tapos kinuha ang mangkok na may lamang soup. Binigay niya sa akin ang basong may laman na tubig at agad ko nan iyong ininom.

********

Lumipas ang araw at balik normal na sa UNDERGROUND ACADEMY. Nasa loob kami ngayon nang classroom at kasalukuyang nag lelesson. Mamaya ay may training ulit ang mga chosens para mas maging handa pa kami kung sa kaling babalik ang mga hallows para manggulo muli. Naghigpit na rin ang sekuridad sa academy dahil sa nangyari.

"Ang boring" narinig ko ang pag buntong hininga ni Sam habang naka pangalumbaba siyang nakatingin sa harapan.

Seriously, walang pumapasok sa utak ko ngayon kung hindi ang mga nalaman ko mula sa mga magulang ko. Sobrang dami kong hindi matandaan nung bata pa ako, ang pag iwan kina Sam rito sa other world, ang kapangyarihan kong namana sa aking ina, ang mga kapatid kong nanatili rito, at ang mga hallows.

Nang natapos ang klase ay agad akong pumunta sa faculty nang aking kapatid na lalaki. Alam ko ring nagpupunta nang ganitong oras si Ate Shaira sa faculty ni kuya.

Kumatok muna ako bilang pagtanda nang respeto. Pinagbuksan ako ni ate Shaira na nagulat pa nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito, Amber?" shock filled in her face.

"Why so shock?, i knew everything now. Pwede na akong pumasok?" tumango siya at pinapasok narin ako. Pinaupo niya ako sa isang upuan, wala pa si kuya.

"Shaira, punthan mo si Amber at dalhan nang pagka-" nagulat si kuya nang makita niya akong nakaupo sa office niya nang pumasok siya.

"Kuya!" nakangiti kong sabi.

"Mabuti na ang lagay mo?" sinuri niya akong mabuti nang nilapitan niya ako.

"Maayos na, sina mama?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Nagpapahinga sila sa kwarto ko. Wala ka bang klase ngayon?" ate shaira asked me.

"Kakatapos lang, nandito ako dahil gusto ko kayong makasama saglit bago mag training" tumango silang dalawa.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating ang oras para sa training nang chosens. Pumunta ako doon nang mag isa.

As usual si Ryle ang kasama ko sa training. Hindi ko pa napapalabas ang ibang kapangyarihan na meron ako. Sabi ni Head Master ay huwag akong mag madali sa pagpapalabas nang kapangyarihan ko dahil tuwing lumalabas ang ito ay manganganib ang buhay ko.

"Sabay na tayo" tumango ako kay Ryle at sabay na kaming lumabas nang building.

Pagkalabas ay huminto siya dahil tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ito at agad kumunot ang noo bago tumingin sa akin.

"Uhm.. una kana may pupuntahan lang ako" tinignan ko siyang mabuti para basahin ang nasa isip niya ngunit gaya nang dati ay sarado ito at pinanatili lamang ang kunot nang noo niya.

"Ano, pogi ko? Sige na balik kana sa dorm" nakakunot noong tumango ako sa kaniya bago siya tumalikod at umalis nang patakbo.

Naglalakad ako pabalik sa dorm nang tulala, iniisip ko parin kung anong mensahe ba ang natanggap ni Ryle at bakit naman biglaan. Gabi na ngayon at puro puno ang dinadaanan ko. Hindi sa natatakot ako sa mga puno pero madilim na at aminado akong takot ako sa dilim.

*kshh*

Ramdam kong may sumusunod sa akin sa likod pero hindi ko ito pinansin, baka si Ryle lang iyon at ginugoodtime lang ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang sumusunod sa akin. Tumigil ako at lumingon sa likod.

"Ryle, ikaw ba yan? Huwag mo akong ginugood time diyan ah!" walang sumagot kaya humarap na ulit ako sa daan at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko parin na may nakasunod sa akin kaya huminto ako uli.

"Ryle hindi na ako natutuwa, lumabas ka na dyan" nainis ako nang wala paring lumalabas. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad at binilisan pa ito lalo.

Natatanaw ko na ang dorm namin kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko. Malapit na kong makarating nang may biglang magtakip sa akin nang bibig ko at isang pitik lang nang kamay niya ay nanghihina ako at unting unting nawawalan nang malay.

"I'm sorry, i have to do this" that was the last i heard amd everything went black.

---------------------------------

A/n: sobrang naging busy ako this past few months sa school, andaming role plays and essay writing because im a humss student. Marami ring akong nagawa ma shorts stories because of schools kaya hindi ko naiupdate agad ito.

I know this update is so lame and im sorry for that.

Hope you still continue to read this and some of my upcoming works.

Enjoy and thank you!! *wink

The Other WorldWhere stories live. Discover now