CHAPTER 22:

5.1K 166 9
                                    


22-

****

Nakauwi na ang dalaga na si Vanessa ngunit wala siyang nadatnan na tao sa mansion.


"Hala? San naman si kuya Cloud?"
Napailing ito ng maalala niya ang kaniyang mommy Veronica.

Wala siyang magawa sa loob ng mansion kundi nanood lamang ng palabas sa TV habang hinihintay ang ang kaniyang asawa.

'Kriiiing'kriiiing'

Napahawak siya sa kaniyang puso ng tumunog ang kaniyang cellphone sa kaniyang tabi.

'Hello mommy Amanda?'
'Hello baby. Pwede mo ba kaming samahan ng daddy mo dito? Please. Ilang araw na kasi tayong hindi mag kasama.'


Napaisip si Vanessa. Kung pupunta siya at doon matutulog sa kaniyang daddy Ezekiel ay tiyak magagalit iyon dahil hindi man lang ito nag paalam.

'Please baby.---anak. yong mommy mo parang baliw---heh!' napangiti si Vanessa. Bahala na nga!

'Sige po. Pero gabi na kasi mommy tapos walang tao sa mansion, sunduin niyo naman ako please.'
'Sure, let's go babe? Excited na akung makita ang anak mo.'

Nakatingin lang sa malayo si Vanessa habang nasa labas ito at hinihintay ang kaniyang mommy Amanda at daddy Ezekiel.

'Paano nalang kapag malaman ni Hyorin ang sakit ko? Nila mommy Amanda at daddy Ezekiel? Magagalit sila sa akin. P-pero ayaw ko. Gusto ko nang mamatay.'

Tumulo ang mga luha ni Vanessa, naalala na naman niya ang kaniyang ate Jewel. Naalala na naman niya kung paano tratuhin sila ng mommy nila na si Veronica noon. Kung paano ito nilibing na hindi man lang niya alam kung saang lugar!

*PEEPEEP*PEEEPEEEP*

"BABY VANESSA."
Pinunasan niya dali dali ang kaniyang luha at lumapit sa sasakyan.


***

"Na miss kita little Ezekiel." Sabi ni Amanda at kinurot ang ilong nito.
Ngumiti siya at tiningnan ang kaniyang mag amang nakangiti.

Sabay sabay silang pumasok sa mansion.

"Kumain kana baby?"-Amanda
"Ah oo mommy. Kasama ko si Dyle kanina, sa labas kasi kumain. Hehehe"
Bumilog ang labi ni Amanda.

"Really? Kapatid ng asawa mo? Hmmmm. Do you like him??" Na bigla si Vanessa sa tanong nito ngunit seryoso lamang si Amanda na nakatingin sa kaniya.

"Mom? d-diko a.alam"

"Wow. Pero btw, hindi naman masama kapag si Dyle ang maka tuluyan mo instead Cloud diba? Mag asawa kayo pero may girlfriend na siya. Bata kapa at gurang na siya, I don't like him baby" sabi nito at hinimas ang kaniyang buhok.

Nakahiga sila sa malambot na kama at pinagitnaan nila si Vanessa.

"N-nanligaw p.po si D-dyle" bumangon sa pagkakahiga si Amanda at ngumiti ito ng malaki kay Vanessa.

"OMG. BABE. NARINIG MO??? NANLIGAW SI DYLE SA KANIYA."

Napatakip sa tenga ang dalawa sa pag sigaw ni Amanda.

"Mommy naman eh!"

"Oo babe. NARINIG KO,"sarkastikong sambit ng kaniyang nobyo.

"Pero ikaw baby, bata kapa---Babe! Anong bata? Kasal na nga eh. Wag mong higpitan hayaan mo namang maging masaya ang anak mo."

"Pero may asawa siya---may asawa din si Cloud."

Tumahimik silang tatlo.

"Okay fine. Pero ayaw kung masaktan ang baby girl ko."

"Ayon naman pala eh, sagutin mo baby daliiiiiii" blangko ang mukha ng dalaga habang tinitingnan nito si Amanda.

"P-paano"

"Tawagan mo."

"Amanda." saway ni Ezekiel.

"Oh? babe ano ba. Kinilig lang ako."

Hindi nila namalayang sinagot na pala ni Dyle ang tawag. Naka loudspeaker pa ito.

"Hello? Sino to?"

"D-dyle"

"Oh? Princess. Napatawag ka..."

Napalunok si Vanessa.

"Sabihin mo oo" bulong ni Amanda.

"Oo"-Vanessa.

"Huh?"

Bumulong naman si Amanda 'sinasagot na kita.' napailing na lang si Ezekiel at hinaplos muli ang buhok ng kanyang anak.

"S-sinasagot n.na k-ki-kita"
Tumahimik ang linya, sunod sunod ang pag lunok ni Vanessa. Kinakabahan siya.

"D-dyle?"

"SH*T SINAGOT MUNA AKO? SURE KA? BWISIT NAKAKA BAKLA."
Nag pigil ng tawa ang mag syota habang si Vanessa ay hindi maka hinga sa hiya 'Tama ba itong ginagawa ko?'

------

She's  my 14 years old Wife (Season1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon