CHAPTER 46:

4.7K 124 1
                                    

46-

Vanessa Clarkson P.O.V

Tulala lamang ako na umuwi sa mansiyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sabihin kina tita na may sakit ako at kung bakit ako pupunta sa America dahil kailangan pa akong operahan.

Yong pag announced niya sa paaralan, ako daw ang kaniyang asawa! Gulat na gulat ako dahil halos lahat ay nandoon sa kaniyang harapan. Hindi ako makagalaw sa oras na yon. Bakit ba kasi ginagawa niya ang mga ito.

Napatingin ako sa mansiyon. Bukas pa ang mga ilaw.

Dahan dahan kong sinara ang gate at pumasok na, bakit hindi pa naka patay ang ilaw? Gising pa kaya si Cloud? Eh wala naman kaming yaya para sumalubong sa akin at bukas pa ang mga ilaw diba?

Ah. Baka nakalimutan lang ni kuya Cloud na patayi---

"Cloud buntis ako."

Huminto ang mundo ko.

Boses iyon ni mommy Veronica.

Nagtago ako sa likuran ng pintuan. Argh! Bakit dito ako nagtago?

"A-are you sure?" Hindi ko alam pero huminto ang mundo ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at pinapasan sa akin ang lupa at langit.

Buntis si mommy Veronica.
At ang ama nito ay ang asawa ko, hindi. Magiging ex ko pala.

"Yes. Magiging daddy kana."

Hindi ko na napigilan at umalis na, doon na lamang ako sa likuran dadaan.

BAKIT? BAKIT SI MOMMY VERONICA PA ANG NABUNTIS??

Pero ano ba ang karapatan ko? Girlfriend siya ni Cloud at mahal na mahal niya ito. Samantalang ako, asawa lang sa PAPEL at wala man lang itong pakialam sa akin.

Napadaan ako sa silid nito, sumilip ako dito at dahan dahang pumasok.

Kinuha ko yung envelope sa maliit na lamesa at bumungad sa akin ang...

Annulment paper.

Tumulo ang mga luha ko habang hawak hawak ko ito, nanginginig ang mga binti ko. Magiging malaya na ako kapag mapermahan ko na ito, magiging malaya na si Cloud kung pipermahan ko ito.

Ngumiti ako,

Tapos na.

Tapos na ang lahat dahil

Na permahan ko na.

Dali dali akong nagtungo sa aking silid at nag impake. Aalis na ako ngayon, ayaw ko ng manatili pa dito dahil alam ko na dito titira si mommy Veronica dahil buntis ito.

Wala na akong karapatan para manatili sa bahay na ito.

Aalis na ako,

****

Iyak ako ng iyak. Hindi ko parin makakalimutan ang mga salitang binitawan ni mommy Veronica, buntis siya.

Buntis ang aking ina, sa lalaking mahal ko.

Bakit hindi ko magawang magalit sa sarili kong ina? dahil ba nanatili pa rin siyang ina sa akin kahit na may kasalanan ito?
Pero galit ako sa ginawa niya kay ate Jewel! Napakawala niyang puso!

Naaalala ko na naman ang pagalis ko sa mansiyon.

Wala ng kahit anong bagay ang iniwan  ko doon. Kahit na sulat, dahil ayaw kong mag iwan ng sulat dahil alam kong hindi naman niya iyon babasahin! Hindi naman ako importante sa kaniya, alam ko yon.

"Baby?"

Sinalubong ako ni daddy Ezekiel ng yakap.

"So nagawa mo?" Ngiti nitong tingin sa akin. Tumango lang ako dito.

"Wag ka ng malungkot, baby makakalimutan mo din si Cloud, hindi kayo bagay! Matanda siya, bata ka. Ang layo ng agwat ninyong dalawa."

Tama naman si daddy. Palagi namang sumasagi sa isipan ko iyon.

"Makakalimutan ko kaya siya daddy?"

"Oo naman. At nandiyan naman si Dyle para mahalin ka at sana ganon ka din sa kaniya."

Tama siya, pag nagkataon si Dyle ang mamahalin ko at makakalimutan ko na ng tuluyan si Cloud. Sana nga, sana makalimutan ko na si Cloud sa puso at isipan ko.

"Pasok na tayo? Nandito ang mommy amanda mo, alam niya kasing pupunta ka dito kaya't naghanda siya para sayo."

Nakaakbay sa akin ang aking ama at sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang mansiyon.

She's  my 14 years old Wife (Season1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon