CHAPTER 39:

4.5K 130 0
                                    

39-

Maaga akong gumising kasi daw pupunta kami kay Mr. Castillo, sasamahan daw kasi ako ni Dyle ^____^ kaya pumayag na lang ako.

"Maaga pa." Yan ang bungad sa akin ni Cloud.

"May pupuntahan lang po ako."

Napatingin ako sa hawak nito.

"Papayagan kita pero permahan mo muna ito." Napakamot ako sa batok ko, ano na naman kaya 'to?

"Eh ano n--"

"Wag mo ng basahin basta permahan mo lang."
-____- so ganon bumabalik siya sa dati? Yong walang reaction man lang ang mukha? Tss

Pagkatapos kong permahan ito ay lumabas na ako. Alam ko kasing may sasabihin ito pero ayaw kong marinig ang mga ito -___-

Ngumiti ako ng matanaw ko na ang sasakyan ni Dyle.

"Hi" Bati nito sa akin at hanggang tenga ang ngiti nito.

"Hello, good morning"

Pumasok na ako sa loob para makaalis na.

***

"Kinakabahan ako."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ito sa akin.

"Wag kang kabahan mag papa check-up lang naman tayo"

Wala na akong magawa kundi bumaba ng sasakyan.

Nag lakad kami papasok ng hospital.

"Nandito ba si Mr. Castillo?"

Tumango ang nurse at ngumiti sa amin, naging kaibigan ko na ang mga nurse dito. Sa tagal ko ba naman na tumatambay dito?

"Hi Mr. Castillo" Napatingin ito sa pintuan kong saan kami.

"Vanessa? Bakit ngayon ka lang?At Dyle! Diba sabi ko everyday ay kailangan niyang pupunta dito?"

Napayuko ako.

Ako naman ang may kasalanan diba? Kasi ako naman talaga ang hindi gusto na pumunta dito eh.

"Sorry po doc pero wag mo namang pagalitan si Dyle, ako naman ang may ayaw eh. Ayaw ko lang talagang bumalik dito" pinisil ni Dyle ang kamay ko, magka hawak kasi kami ng kamay, at sanay na ako na kung saan kami pumunta kasi hahawakan niya naman talaga ito.

"Paano mo malalaman ang kalagayan mo kung hindi ka pumupunta dito."

Napayuko ako ulit.

Pagkatapos naming magtalo ni
Mr. Castillo about sa hindi ko pag punta dito umupo na kami at
chi-neck niya ang puso ko.

Isang oras kaming nakaupo dito sa opisina ni Mr. Castillo. Hindi ko alam kung ganun ba kahirap para tingnan kung may pinagbago ba yung puso ko.

"Vanessa" napatayo ako sa gulat. Sht. Bigla naman ba itong susulpot sa pintuan tapos naka white gown pa ito ng pang doctor?

"Maupo ka, hindi na ako magpaligoy ligoy pa. Ang puso mo ay unti-unti ng nanghihina, masydo ka atang stress."

Pinipigilan ko lamang na maiyak. Mamamatay na ba talaga ako?
Iiwan ko na silang lahat.

"Doc. May paraan naman diba?"

"Oo may paraan, ngunit hindi natin alam kung ang operation na gagawin ay magiging success."

"Paano"

Tiningnan ko si dyle. Talagang gusto niyang manatili at gagaling ako ano?

Sana nga Dyle ikaw na lang ang mahal ko.

"Transplant" nanlaki ang mata ko.

"Doc! Ayaw ko po! Ayaw na ayaw ko!"

She's  my 14 years old Wife (Season1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon