49-
Nagsimula ng mag impake ang dalaga kasama ang kaniyang ina na si Amanda, wala ang kaniyang amang si Ezekiel dahil may nilakad pa daw ito..sasama daw sila sa America.
"Baby bakit hindi nagpapakita si Dyle sayo?"
Napatingin si Vanessa sa kaniyang ina.
"Nagpaalam po siya sa akin, sabi niya po na sasamahan niya ang kaniyang daddy. Hindi ko naman po alam kong saan sila pumunta." Ngumiti lang si Amanda dito at nag patuloy lamang sa pag impake.
Bukas na ang kanilang flight patungo sa America, kailangan na daw kasi operahan ang dalaga sa magaling panahon, dahil daw ang puso nito ay pahina na ng pahina ang pagtibok nito.
Gustuhin man ni Vanessa na mamatay na lamang dahil alam niyang walang patutungohan ang kaniyang buhay ngunit naiisip niya ang kaniyang mga pamilya, ang kaibigan niyang mahal na mahal siya.
Pero iniisip niya parin kung paano ito nangako sa kaniyang kapatid na siya ay susunod dito. Gusto niyang tanungin si Veronica kung saan ito nilibing, kahit man lang ngayon lang ay madadalaw niya ito. Pero mag aaksaya na naman ba siya? Kung alam naman niya na wala pala itong mapapala sa kaniyang ina na si Veronica.. tinanggap na lamang niyang hindi na niya makikita pa ang libingan ng kaniyang kapatid na si Jewel.
***
Natapos na sila ni Amanda na mag impake ng mga damit. Handa na ang lahat at handa na ang ticket para bukas, at handa na siyang kalimutan ang lahat kung ano man ang kaniyang problema sa Pilipinas, alam niya na makakalimutan niya si Cloud.
Sana maging success ang operation niya! At sa ganon ay matulungan niya ang kaniyang dalawang pamilya."Baby pupunta lang ako sa mall ha? Bibili muna ako ng pagkain natin para bukas."
Tumango si Vanessa at bumalik ito sa paghiga, nilalaro niya ang kamay niya habang may iniisip ito.
'mag papaalam kaya ako kay kuya na pupunta ako sa America.'
'sasabihin ko kaya ang totoo'
Bigla niya lamang sinapak ang kaniyang mukha
'mali.' sabi na naman nito sa kaniyang sarili.
'ah basta! Hinding hindi ako mag papakita kay Cloud.'
Para siyang baliw na pagulong gulong sa malaking kama nito.
Tatayo,hihiga, pagulong gulong ang ginagawa nito mag hapon.
Sa kabilang banda naman
Biglang lumabas si Amanda sa sasakyan nito ng matanaw niya si Veronica na naglalakad papasok sa mall.
"Veronica!" Sigaw nito. Ngunit hindi siya nito narinig at patuloy lamang ito sa paglalakad.
"Veronica!!" Takbo at lakad ang ginagawa nito, biglang hinigit ni Amanda ang braso ni Veronica.
"Ano ba!" Nabigla ito sa paghila ni Amanda kaya napasigaw ito.
"Ikaw? Ano na naman ba ang kailangan mo?" Sabi nito, tinitigan ito ni Amanda ng masama. Hindi parin pala ito nagbabago.
"Wala akong kailangan sayo. May itatanong lang ako."
"Ano na naman ba! Wala akong alam diyan" lalakad na sana ito pero hinawakan na naman ni Amanda ang braso nito.
"Napaka bastos mo! Itatanong ko lang naman kung bakit ba ang landi mo."
Bigla siyang sinampal nito, napa nga-nga si Veronica sa ginawa nito at hinawakan ang mukha kung saan sinampal siya ni Amanda.
Nakuha ng ibang tao ang atensiyon ng dalawa, may huminto at may nag patuloy lang sa paglalakad.
"Paglalandi lamang ang inaatupag mo! Bakit hindi nalang ikaw ang namatay!" Uminit ang ulo ni Veronica isama mo pa ang mga taong nakapaligid sa kanilang dalawa.
"Ano ba ang pinagsasabi mo!" Sabi ni Veronica kay Amanda, biglang tumawa si Amanda ng malakas at pumalakpak pa ito.
"Maang maangan ha? Ito nalang. Saan mo ba inilibing ang kapatid ni Vanessa!" Sa tanong nito. Biglang napatigil si Veronica.
Naalala niya, saan nga ba niya ito inilibing?
'pakialam ko doon?' sabi nito sa utak niya.
"Ano?!" Dagdag ni Amanda.
"Ako lamang ang makakaalam doon!" Sigaw nito.
"Veronica. Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw na ayaw ni Vanessa sayo. Ugali mo ang ayaw niya sayo. Hindi ko alam kung saan mo ito nakuha. Saan nga ba? Baka ampon ka lang, ang alam ko kasi walang malandi sa pamilya niyo.
Hindi na ako magugulat pa, dadating at dadating din ang panahon at mismo anak mo na ang magsasabi sayong Isa kang malanding ina" ngumiti ito at umalis.Hindi makagalaw si Veronica,
Sa huling sinabi ni Amanda. Paano nga ba? Sigurado na masasaktan ito dahil anak niya na mismo ang mag sasabi nito.'Eh pakialam ko ba?'
Padabog na umalis si Veronica sa labas ng mall. Bwesit na bwesit ito sa mga taong hindi siya gusto.
BINABASA MO ANG
She's my 14 years old Wife (Season1) (Editing)
Romance"I can't love you." "You can Vanessa. Believe me, I know you love me Vanessa." Umiling iling ako, "I'm sorry but I'm telling you that I can't love you, Lahat ng ito ay kuntrata lamang." "Maturuan mo naman ang puso mo Baby eh, M-mamahalin m-mo rin...