42-
Vanessa Clarkson P.O.V
Lumipas ang oras at tulala lamang ako, ayaw na ayaw kong magpa transplant. Takot ako!
Nakita ko si hyorin na papasok kaya nilapitan ko ito, sobrang miss ko na kasi siya kasi ilang araw na siyang hindi nagpakita sa akin. Kaya gusto ko siyang makasama ngayon wala kasi ang guro namin ngayong araw.
"H-hyorin"
Para akong binagsakan na malamig na tubig.
Nilagpasan niya lang ako.
Hyorin....
Napapikit ako ng mariin at napaupo sa bench sa tabi ko.
"Vanessa?"
Napadilat ang mga mata ko.
"Red?" Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang ito nakita simula ng ikasal kami ni Cloud.
"Hey. Kamusta kana?" Tumabi ito sa tabi ko kaya umusog ako ng unti para maka-upo ito.
"Ito okay lang." Sambit ko.
Hindi ako tumingin sa kaniya, Nakatingin lang ako sa labas. Wala na palang estudyante sa labas.
"Hmmmm?" Napaiwas ako ng tingin ng pumunta ito sa harapan ko at tiningnan ako sa mata.
"Bakit iba na ang nakikita kong Vanessa?"
"Hala? Si Vanessa pa din naman ako ah" nawala na ito sa harapan ko at naramdaman ko nalang na umupo na naman ito sa tabi ko.
"Saan na yong Vanessa na makulit? Yong ngiting hindi mawawala? Saan na yon? At bakit yong mata mo puro sakit ang nakikita ko?"
At bakit kapa bumalik Red? Para tanungin lang yan? Walang hiya ito mag sisinungaling na naman ako nito!
"W-wala to. Family...problem"
Nanatili parin akong nakatingin sa kalangitan, gusto ko sanang mapag isa pero parang malabo, kasi pag gusto kong mapagisa susulpot ang mga taong nakapaligid sa akin.
"Sus. Wag ako" napailing na lang ako.
"Gala tayo?" Napatingin ako dito. Gala? Nakakapagod.
"Nakakapagod Red."
Napatingin na lang ako dito ng hindi ito magsalita ulit.
"Red.." seryoso itong nakatingin sa akin.
"See? Nagbago ka na." Sabi nito. Wala akong magawa kundi tumayo at hawakan ang kamay niya.
"Tara na. Gagala na tayo." Hinila ko ito patayo, pero hindi ito nag padala sa hila ko kaya binitawan ko ito.
"Bakit hindi kapa tumatayo? Sabi mo gagala tayo."
"Sabi ko nga." Tumayo ito at ginulo ang buhok ko -___-
Naglalakad lang kami, hindi ako nakatingin sa daan dahil nakayuko lang ako.
"Oppps" napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ko itong nakakunot noo.
"Bakit?" Ngumuso lang ito at parang may tinuturo.
"Hoooy okay ka lang?" Hindi parin ako tumitingin sa harapan at pinitik ko ang nguso nito.
"Ang cute cute mo"
"Heey, papatayin ako ng asawa mo." Kumunot ang noo ko.
"Anong asawa!" Ano ba ang pinag sasabi nito.
"Bakit wala ka bang asawa? " Sabi nito na nakangiti pa na may pang-aasar.
"Tumigil ka nga. Gagala tayo o tatanungin mo pa yang walang kwenta mong tanong." Nakaharap ako kay Red at sinasabi ko ang salitang yon.
"Anong walang kwenta? Wala bang kwenta ang tanong ko Vanessa ha?"
"Tumahimik ka nga. Inaasar mo lang ako! Wala akong asawa!"
"AHAHAHAHA Hi kuya Cloud"
Nanigas ako. Cloud?? Cloud???
Napatingin ako sa likuran ko.
"C-cloud" Bigla ko nalang na sambit ang pangalan nito, nauutal pa ako.
BWESIT!!!! Gusto kong patayin si Red! HUWAAAAAAH
"C-cloud" nasambit ko na naman ang pangalan niya.
"Babyeeee ingat ka Vanessa"
Lagot ka sa aking pulang itlog ka! Bukas ka lang at malalagot ka sa akin!
Bigla niya akong pinasok sa kotse niya -____- Ano ba kasing ginagawa niya dito? Eh joke lang naman---
eh ano naman kung sabihin ko na wala akong asawa? >___<
BINABASA MO ANG
She's my 14 years old Wife (Season1) (Editing)
Romance"I can't love you." "You can Vanessa. Believe me, I know you love me Vanessa." Umiling iling ako, "I'm sorry but I'm telling you that I can't love you, Lahat ng ito ay kuntrata lamang." "Maturuan mo naman ang puso mo Baby eh, M-mamahalin m-mo rin...