Chapter 10-Sino si Saint?

11.6K 338 13
                                    

Carlos

Tuwing mapupunta kami sa Italy, lagi kaming nagkikita ni Camilla. Napapabalita na girlfriend ko siya pero wala naman akong inaamin. She's not my girlfriend. Okay we've kissed... a lot... But that's it. Wala akong time para sa relasyon...

Mabait si Camilla. Isa siyang chef sa Italy at sobrang workaholic. Wala akong time, wala din siyang time... so wala kaming relasyon.

Kalaban namin ang Portugal ng sadyaing sipain ang tuhod ko. Namalipit ako sa sakit at nahinto pansamantala ang game. Dinala ako sa hospital at inoperahan ang tuhod ko. Balitang balita sa Europe ang nangyari sa akin. Hindi ako makalakad at kailangan kong magpahinga.

Inuwi ako sa Pilipinas ni mommy. Kailangan kong marehabilitate ang tuhod ko.Kung hindi, it will end my career.

"Ano nangyari?" Tanong ni Rome pagpasok nito sa kwarto ko. Kasunod niya si King.
"Tangina, salbahe ang kalaban namin. Gusto yata talaga akong lumpuhin." Sagot ko.
"Pre upo ka. Ang laki mo eh." Tinuro ko ang isang ottoman.
Napabuga ako ng hininga si King. Kabado ba ito?
"Pangalawa mo na yan." King commented.
"Natatakot nga ako baka hindi na ako makabalik." Ngayon ko lang inamin ang totoong nararamdaman ko.
"Balita sayo? Saang kweba ka nagtago, tagal mong hindi nagpapakita?" Pag-iibako sa usapan.
"Pre, CEO na yang kaharap mo." Pagmamalaki ni Rome.
"Gago." Sabat ni King.
"Minana na ang Security Agency nila. Sakit nga lang ng ulo niya si Jack. Matapang pa sa kanya eh." Biro ni Rome. Nagtawanan pa kami.
"Yung... Tina... Kayo pa ba?" Tanong ko.
Umiling si King. "Matagal na."
"Buti naman." I replied.

Nagkwentuhan pa kami ng mga nangyari sa loob ng dalawang taon. Ang mokong na siRome, updated sa mga chismis.

"Sino yung chicks na lagi mong kasama?" Tanong ni Rome.
"Sino doon?" Tanong ko sa kanya.
"Ano pangalan nun King?" Baling pa ni Rome kaya King.
"Camilla." Sagot ni King. Updated talaga.
Nakangising tumingin sa akin si Rome. "Kwento na..."
"Wala yun." Sagot ko.
"Sus... Ilang beses silang nagkita sa Italy?" Humarap na naman si Rome kay King.
"Lima." Sagot ni King. I'm shook... daming alam ng mga ito.
"Kita mo na. Hindi ka naman umuulit ng babae eh." Comment pa ni Rome.
"Tatlong beses lang nanglaro si Carlos sa Italy ngayong taon. Yung dalawang beses pinuntahan niya lang si Camilla." Pag-eelaborate ni King.
"Puta... dami nyong alam ah..." Natatawang sagot ko sa kanila.
"Si Zoey ang nagsabi sa amin." Rome commented.
Si Zoey?!...
"Paanong nalaman yun ni Zoey?" Calculated na tanong ko.
"Girls can talk." Rome shrugged his shoulder.
"And by that, it means alam ni Allison ang kalokohan mo." King pointed out.

Nawala ang ngiti ko.

"Walang kami ni Allison." Defensive na sagot ko.
"So okay lang sayong merong umaaligid sa kanya?" Nang-aasar na tanong ni Rome.
"Ano nga ang pangalan nung FRIEND ni Allie?" Tanong ni Rome kay King. Pinakadiin pa ni Rome ang salitang friend.
"Saint." Sagot ni King.
"De Puta...Sinong matinong tao ang magpapangalan ng Saint sa anak nila?" Ireacted and they saw it so now they are smiling like lunatics.
"Binalita lang namin sayo. Baka kasi sobrang tagal mo sa Spain, namiss mo ang chismis dito." Tumatawang sabi ni Rome. Alam na alam kung paano ako bwisitin.
"So okay lang sayong merong umaaligid kay Allison?" Tanong ulit ni King.

Nagtawanan ang dalawa ng hindi ako sumagot.

"Tara.. Lumalaki na ang butas ng ilong ni Carlos. Nice to see you man... Pagaling ka, malapit na ang kasal ko. Ayaw kong nakawheel chair ka sa picture." Tumatawang lumabas ang dalawang kumag.

Dali dali kong hinanap ang cellphone ko. Tinawagan ko agad si Khaleesi kahit alam kong madaling araw pa sa Spain.

"Carlos?" Antok na tanong ni Khal ng sagutin ang tawag ko.
"Sino si Saint ha? Sino yung kupal na yon?" Sigaw ko sa kabilang linya. Nadinig kong nagmura si Khal bago ako pinatayan ng telopono.

Putang-inang Rome 'to. Lakas mang-bwisit ng demonyo. Ngayon kailangan kong pakinggan ang tawa at pang-aasar nya bago ko malaman kung sino si Saint na yun. Pwede ko din tanungin si Gab at for sure malalaman ni Cailee... Letche...letche...
Wala akong matinong kaibigan.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon