Chapter 12- Keep it a secret

11.9K 362 6
                                    

Carlos

Mabagal ang paggaling ng tuhod ko according sa Physical Therapist na nirefer ni Cailee. Nakacast pa din ang tuhod ko at masakit pa din kapag nagagalaw.

We invited our friends sa bahay, nagulat pa ako ng kasama nilang dumating si Allison. It's hurt to look at her. Her hair is now long but she still look like yesterday. And it hurts to think about yesterday.

Simpleng ngiti lang ang binigay niya sa akin. Si Axel, ang pamangkin ko ang binigyan niya ng attention.

"Allie, ano nga ulit yung pangalan ng kaibigan mong tattoo artist?" hirit ni Rome. Naningkit ang mata ko dito pero ngumisi lang siya. Nagpipigil ng tawa si King. Nakatalikod sa amin si Allison.
"Saint." She replied.
"Magaling ba siya?" Tanong ni Rome.
"Oo naman. Sa kanya ako nagpatat..." Hindi itinuloy ni Allie ang sasabihin niya.
"Madaming nagpapatattoo sa kanya." Bawi ni Allie.
"Meron kang tattoo?" Tanong ni Zoey.
Hindi kumibo si Allie. Interesting...Kailan pa siya nahilig sa tattoo?

"Pwede mo ba siyang papuntahin dito?" Tanong ko kay Allie.
Napatingin pati ang kapatid ko sa akin.
"What? Magpapatattoo ako." Defensive na sagot ko.
I need to keep my enemies closer.
"Tatanong ko sa kanya kung available siya." Allie replied before she went back to Axel.

I saw Cailee smirk before she discuss something with Zoey.

Dumating si Khal at bitbit nito si Tiago. Sa sobrang daldal ni Tiago, sinabi nito na hinahanap ako ni Camilla. Although Spanish kami nag-uusap, pagkabanggit ng pangalan ni Camilla, natahimik ang lahat. Pati si Axel.

"She was asking you." Dagdag pa ni Tiago.
Kulang na lang lumuwa ang mata ko kakasenyas kay Tiago na tumahimik. I saw how Allie stiffen and I knew she knew about Camilla. Napailing na lang si Gab at Rome.

Gabi na at natutulog na si Tiago sa guest room. Kumatok si Cailee bago pumasok sa kwarto ko.
"May bisita ka." Nakangiting sabi nito.
"Huwag mong sabihing si Rome na naman?!"
Umiling si Cailee. "Si Allison." She winked at me and left my room.

Maya maya pa pumasok si mommy kasunod si Allison.

"Gising pa pala." Mom said to Allie. Mommy kissed my forehead and said her goodnight before she leave us.
Damn, she is really beautiful.

"Kamusta ang tuhod mo?" Tanong niya.
"Mabagal ang paggaling." I replied truthfully.

Saglit niyang kinuha ang cellphone at merong tinawagan.

"Beth, nakacast pa siya." She murmured.
"Okay sige." Binaba niya ang phone niya at umupo malapit sa tuhod ko.

"Will you allow me to help?" Tanong ni Allie sa akin. Nakatingin siya sa tuhod ko.
"Kamusta ka na Allison?"
"Okay naman." She replied.
"Nakakatulog ka ba ng maayos?"
Ngumiti siya pero hindi sumagot. Stubborn as a bull.

Maingat na hinawakan ni Allison ang nakacast kong tuhod. I saw her lips move but didn't hear anything she said. I started to feel the heat on my knee. Nawala ang init na yun ng alisin ni Allie ang kamay niya. Hinahabol niya ang paghinga.

"Babalik ako bukas." She murmured and stand up. Inabot nito ang isang maliit na bote namerong lamang oil.
"Para hindi ka mangati sa cast mo. Pakitanong mo na lang sa PT mo kung pwede mong gamitin yan. Camomile oil yan."

What happened to us? Ano na nga ba ang pinag-awayan namin?

Nakatingin si Allison sa gilid ng kama ko.
"Allison. May nakikita ka ba?"
Tumango si Allie. "Isang matandang lalaki. Kahawig mo siya." A small smile formed on her lips.
Si lolo?
"Ano pangalan nya?" Tanong ko.
"Juanito daw." Sagot ni Allison. Si lolo nga.
"Lolo ko yan." I said to her. Tumango siya.
"Meron daw siyang gustong sabihin sayo." Allie said then she giggled.
"Hindi ko lang maintindihan kasi Spanish."
Good I love that sound.
"Can you let me see him? Or talk to him?"
"Hindi ka takot?" Doon pa lang tumingin si Allison sa akin.
Umiling ako. Umupo ulit si Allie sa tabi ng tuhod ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko. Nakatingin ako sa magkahawak naming kamay. Naalala ko bigla ang gabi na magkasama kami.

Ngumiti si Allie at tinuro niya ang kabilang panig ng kama. Pagtingin ko nandoon nga si lolo.
Hindi ako nakapagsalita... Medyo nakanganga yata ako. Nagsalita si lolo sa Spanish.

"How are you?" Tanong nito.
Hindi pa din ako makapagsalita.
"Tinatanong ka yata." I heard Allie said.
I reply to Spanish. "I'm injured."
Surreal... I am talking to my lolo.
"I can see that. Bad landing huh?"
Tumango ako.
"Carlos, if this nina is special to you, stop playing games with other women."Pangaral ni lolo.
Napangiti ako. "You are such a naughty boy until now."
Natawa ako. "I miss you lolo."
"Oh I miss you too... Specially your grandma... But I am very patient man. I will wait for her. She can take her time." He winked at me.
"I'll be watching you. Behave Carlos." Nawala si lolo. Binitawan ni Allison ang kamay ko.

"Was... Was my lolo...really there?" Tinuro ko ang lugar na nakita ko si lolo.
Tumango si Allison.
"Surreal." I whispered.
Ngumiti na naman si Allie. "Keep it a secret. Babalik ako bukas."
Tumango ako kay Allison. Lumabas siya ng kwarto ng maalala ko si Saint... damn,hindi ko siya natanong kung sino si Saint.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon