Chapter 13- Guardia Civil

12.1K 373 34
                                    

Allison

Tinawagan ko si Saint para tanungin kung kalian siya available na makipagmeet kay Carlos. He sound amused.
"So, totoong tao pala si Carlos." Pang-aasar nito.
"Ano akala mo sa akin, baliw?"
"Minsan." He chuckled.
"Bigay mo na lang kaya ang number ko sa kanya para siya na ang tumawag sa akin. Para alam ko din schedule niya."
May point si Saint.
"Ayaw mo lang yatang ibigay para may dahilan kang kausapin siya." Tukso nito.
"Eh di ibibigay ko na. Hindi ko naisip na ibigay ang number mo." Defensive na sagot ko.
"Sus... Style mo Allie."
"Bye na..." Pinatayan ko ng phone si Saint.

Nahila ako ng mga girls para pumunta sa boutique ni Tita Kaye. Fitting daw ng mga dress namin for Zoey's wedding. Wala kaming nagawa kung hindi isukat ang dress dahil magtatampo si Tita Kaye kapag hindi ko ginawa.

"Allie, bagay sayo ang nakataas ang buhok." Comment ni Tita Kaye.
Umiling ako. Makikita nila ang tattoo ko. Muntik na nga ako nalingat kagabi.
"Tama... Itaas mo ang buhok mo." Comment ni Cailee.

"Umupo ka diyan." Pinaupo ako ni Tita Kaye sa isang upuan. Pagbalik niya may dala na siyang mga clip at suklay. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod at maghintay ng susunod na mga tanong.

Nang maitaas ni Tita Kaye ang lahat ng buhok ko...
"May tattoo ka pala." Napapikit ako sa comment niya.
Naglapitan ang mga kaibigan ko. Nakiusisa sa tattoo ko sa batok.

"In Japanese characters." Khal commented ng makita niya.
"Jack, ano ang ibig sabihin nito?" Tinuro ni Khal ang tattoo ko.
Namumula na ako hindi pa man nagsasalita si Jack.
"It means, Carlos." Jack said.
Naitakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko ng nagtilian silang lahat pati si Tita Kaye.

"Kaya pala hindi mo masabi kahapon ah." Nahawa na si Zoey kay Rome sa panunukso.
"Huwag nyong sabihin sa kanya." Pagmamakaawa ko.
"Wala...secret lang natin yun." Cailee promised.

"Bakit kinikilig ako?" Comment ni Tita Kaye.
"Baka dahil nakita nyo ako Tita." Sabat ni Rome. May dala itong bulaklak na mukhang naapakan.
"Para kanino yan?" Tanong nila kay Rome.
"Para po sa poon namin." Sagot nito.

Pinipigilan kong tumawa dahil ako lang naman ang nakakakita kung ano ang nangyayari.

Galit na galit si Teodora ng makita niya si Tiago.

"What's funny?" Tanong ni Carlos. Nasa bahay kami nila Rome at nakakatayo na si Carlos gamit ang saklay.
"Wala naman." I replied. Tumabi sa akin si Carlos.
Sa tuwing makakasama ko si Carlos, para akong narerecharge. Sa gabi, tuwing gagamutin ko ang tuhod niya, alam kong gusto niya akong pigilang umalis. Pero hinahayaan nya akong umalis.
"You are not a good liar. Tell me what you see." Bulong ni Carlos sa akin.
Napayuko ako para itago ang tawa ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Carlos, itinago ko iyon sa ilalim ng throw pillow at tinuro si Teodora na may hawak na baso at inihagis sa ulo ni Tiago.

Natawa kami ni Carlos. Napa-ouch naman si Tiago, hinawakan ang ulo na tinamaan ng baso. Napatingin sa amin ang mga kaibigan namin. Kami lang kasi ang tumatawa. Nabasag sa sahig ang baso.

"Did you just throw a glass on me?" Tanong niTiago kay Carlos.
"No...not me. We just saw the glass flying towards you." Sagot ni Carlos.
Nagkatinginan sila kung sino ang nambato ng baso.

Hindi nila nakikitang nakapamewang si Teodora. Nakasuot ito ng baro't saya.

"Guardia Civil." Sigaw ni Teodora. Naghahanap na naman ng madadampot.
"Sino yan?" Bulong ni Carlos sa akin. Nagpipigil siya ng tawa.
"Alaga ni Khaleesi. Siya ang may ari ng kwintas na suot ni Khal. Binabantayan siya nito. Kaya lang galing pa siya sa panahon ng kastila." I replied.
"Pigilan mo, baka maospital pa si Tiago."

"Teodora..." Bulong ko. Napatingin sa akin si Teodora.
"Hindi yan guardia civil." Umiling ako.
Nagtatakang lumapit sa akin si Teodora. Nakatingin siya kay Carlos.

"Hindi din ako guardia civil." Bulong ni Carlos.
"Nakikita nya ako?" Tanong ni Teodora sa akin. Tumango ako.
"Mukha kang heneral." Sabi ni Teodora bago ito nawala.

Dahil tapos na ang palabas, binitawan ko na ang kamay ni Carlos. But he caught my hand and held it tight. And now we are holding hands under the pillow while our friends is busy planning for tomorrow.

--------
A/N
wahhhhh kinikilig ako...
bakit ganun?!

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon