Chapter 30-Sundo

14K 402 46
                                    

Allison

I heard everything he said. I felt his every inch of pain. And I am craving to hear more of his love.
And his tears... I feel the damp on my shoulder.

And then there is a blinding light out of nowhere. The light that blinds the shadows of darkness that crushing on me. So bright that I need to close my eyes.

And when I open it, I am staring at the ceiling. One with cream paint. An arm is on my waist and I can hear Carlos weeping beside me.

"Carlos." I tried to form a word. My mouth is dry like a sandpaper.
"Allie?" His arm was gone so fast and I saw him sitting next to me. His eyes were wide and he is drying his tears on his cheeks.
"Allison?" He called my name like he was dreaming.
"Carlos, nauuhaw ako." I said.
"Wait lang sweetheart..." Nagmamadali siyang bumaba ng kama. Tumakbo papunta sa pintuan pero bumalik siya sa kama at hinalikan ako sa labi bago tumakbo ulit sa pintuan at sumigaw.
"Manang... pahingi pong tubig si Allison."

Nagmamadaling bumalik si Carlos sa kama at pinigilan akong tanggalin ang oxygen tube na nakakabit sa ilong ko.
"Sweetheart, huwag mo munang tanggalin. Hintayin mo si Cailee." Pinigilan ni Carlos ang mga kamay ko.

"Carlos, ano nangyari?" Parang naalimpungatan si Cailee na tumatakbo papasok sa kwarto. And when she sees me...
"Oh God, Allison." Umiiyak siyang lumapit at yumakap sa akin.

Carlos has fresh tears in his eyes, but he is kinda smiling now.

"Tubig..." I mouted to Carlos.
"Manang...tubig..." Sigaw na naman ni Carlos sa pintuan.

Isa-isang nagtatakbuhan papunta sa kwarto ko ang mga dapat na natutulog ng mga tao sa bahay.

"Allie..." Una si Beth... Tapos si Saint, si Gab tapos ang parents ni Carlos.
Halos maglupasay si Beth ng makitang nakadilat ako. Saint is covering his mouth to fight his tears.
Gab is now on his phone, probably calling our friends. Carlos mom went beside me and hugged me tight while Carlos stands beside his dad. They look so much a like.

Nanginginig ang kasambahay nila Carlos ng pumasok sa kwarto ko. Nakahinga siya ng maayos ng makita nya akong gising. Pati mga kasamabahay nag-alala sa akin.

Dahan-dahan inalis ni Cailee ang oxygen tube sa ilong ko. Dahan dahan niya din akong pinainom ng tubig.

"Allison." Hinihingal pa si Khaleesi ng makapasok sa kwarto ko. Mabuti at malaki ang kwarto dahil ang dami ng tao sa loob. Yumakap si Khaleesi sa akin at umiiyak.
"Isaksak mo sa daliri mo yang agimat mo. Istapler mo yan sa balat mo kung hindi ipapalunon ko yan sayo ng hindi mo na winawala." Umiiyak si Khal habang binbigay ang singsing na iniwan ko sa labas ng bahay nila Carlos.

Hindi ako makapagsalita. Ang daming umiiyak pero ang luha ni Carlso ang nagpabalik sa akin sa lupa. And now, he is looking at me and smiling that his family and our friends are surrounding me.

"Huwag mo na kaming tatakutin ng ganun. Hindi kita gustong maging multo na sumusunod sa amin." Hindi pa pala tapos sa pangaral si Khaleesi.

"Dahil takot si Rome sa multo?" I tried to make a joke that made them laugh while crying.
"Hindi lang ako ang tumakbo... Pati si Saint." Sagot ni Rome. Lumapit si Rome at hinalikan ako sa noo.
"Huwag kang magtatransform sa pagiging Casper. Itatakwil kita." Sabi nila bago bumalik sa tabi ni Zoey.

"Come on guys, let Allie sleep." Yaya ni Jack.
"Isang lingo na siyang tulog." Zoey commented.
"What? Isang lingo?" I asked back.
"Yup... Isang lingo ka ng hindi naliligo." Saint replied.
Pasimple kong inamoy ang buhok ko.

"Bukas naman... tulog na tayo. Tatanggalin ko pa ang catheter ni Allie." Cailee clap her hands.
"Yuck. Merong catheter." I replied. Natatawang nagpaalam ang mga kaibigan ko. Pati ang magulang ni Carlos nakangiting iniwan kami.

"Ikaw din Carlos. Lumabas ka." Pagtataboy ni Cailee.
Hindi tumitinag si Carlos sa kinakatayuan niya kaya tinulak ni Cailee palabas ang kapatid at nilock ang pintuan.
"Bilisan mo Cailee." Sigaw nito sa labas.

Nahihiya ako habang tinatanggal ang napaka uncomfortable na catheter.

"Thank you Cailee. For everything that you've done." Maiyak-iyak na pasasalamat ko.
"Well, sis... that's what family do." She wink at me. She throw the catheter at the trashcan at toilet and open the door and left me and Carlos alone.

"Hi." He said. Nakatayo siya sa paanan ng kama.
"Hi." I replied back.
"Is there anything that you need before you sleep?" Tanong nito.
"Gusto kong magtoothbrush." I said. Seryoso naman ang pagkakasabi ko pero sumilay ang pilyong ngiti nito.
"Well, sweetheart. You can always use my toothbrush." He replied.


Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon