Carlos
Saint is a man that Allie can rely on. That's why I have this kind of jealousy burning inside me.
"Melba, aalis muna kami ng Ate Allie mo." Nakatingin ako kay Allison. Daring her to contradict me.
"Ah...sige po." Naguguluhang sagot ni Melba.Kinuha ko ang kamay ni Allison at hinila ko siya palabas ng shop niya. Nagmamadaling sumunod si Melba sa amin at iniabot kay Allison ang bag niya na naiwan. Sinakay ko si Allie sa kotse at nagmaneho palabas ng Baguio.
"Ano ang problema mo?" Naasar na tanong ni Allison ng makalagpas na kami sa Baguio.
Hindi ako kumibo. Hindi na din ako kinausap pa ni Allison.I parked my car outside of her tiny house. Mabilis na bumaba ni Allie. Sumunod ako sa kanya bago pa ako mapagsaraduhan ng pintuan.
"That was rude."
Hindi ako kumibo.
"Ano ba ang problema mo?" Sigaw ni Allison.
"Nagseselos ako." I shouted back.
"You let Saint be near you and yet there is still a wall between us."
"I let you in, did I?" She shouted back.
"Completely Allison?"
Hindi siya kumibo."Ano mo ba si Saint?"
Tumingala si Allison para kalmahin ang sarili niya.
"Si Camilla, ano mo?"
"Walang kami ni Camilla." Sagot ko. "Ano mo si Saint?" Ulit ko.
"Kaibigan ko." She replied.
"Na hinahatiran ka ng kape?"
"Pinabili ko yung kape... ano ang masama kung magpabili ako ng kape kung pupunta din naman siya sa coffee shop?"
"Bibili tayo ng coffee machine mo ng hindi ka na nagpapahatid ng kape!" Am I unreasonable for acting this way? Pagdating kay Allison nawawala ang reasoning ko.
"Ano ba ang pinag-aawayin nating dalawa?" Sigaw ni Allie.
"Tigilan mo yang pagpapabili mo ng kape kay Saint, Allison." I warned her.
"Nagseselos ka dahil sa kape?" May gana pa siyang magtanong talaga.
"Nagseselos ako. Period." I replied.
Ang ibang babae, maglalambing kapag nagseselos ang boyfriend nila. Pero hindi si Allison. Binato niya ako ng throw pillow at nagdadabog na pumunta sa kusina."Saan ka pupunta?" Sigaw ko sa kanya.
"Magtitimpla ng lecheng kape dahil naiwan ko ang kape ko sa shop dahil may isang unggoy na nagseselos dahil sa kape." Sigaw nito sa akin.Hindi ako nagseselos dahil sa kape... Hindi niya talaga maintindihan!
Naupo ako sa sala at hinintay si Allison na ubusin ang kape niya na hindi man lang ako inalok kung gusto ko. Ang gulo talagang kausap ng mga babae.
"Tapos ka na sa kape? Pwede na tayong mag-usap ng maayos?" Tanong ko kay Allison.
Inirapan niya ako. Pumunta sa lababo at nilinis ang tasa na ginamit. Umupo siya sa tabi ko."Sorry." I told her and hugged her because I can't stay mad at her.
"Nagselos lang ako."
Wala pa rin siyang reaction... Bato ba si Allison?
"Hindi kita maintindihan." She said.
Hinarap ko siya sa akin.
"Alin ang hindi mo maintindihan?" Tanong ko.
"Bakit nagselos ka sa kape?"
"Hindi sa kape, Allie." I press my forehead into hers.
"Hindi ko lang alam kung ano ako sayo. And yet comfortable ka kay Saint."
"Kaibigan ko si Saint. Kasama ko siya dati sa SLU bilang student assistant." She replied.
"Babalik ako doon sa kung ano ba ako sayo..."
Hindi kumibo si Allie.
"Meron bang tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto mo ng label." Sagot nito. Napapikit ako. Sasakalin ko na talaga si Allison."Natatakot ako." Hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya.
"Natatakot ako sa kung anong kapalit ng mga ginawa kong pagtulong kay Zoey. Ayaw kitang madamay doon, Carlos."
"Alam mo naman siguro na matigas ang ulo ko. Hindi naman kita titigilan at makukuha ko din ang gusto ko." I replied and I earned a smile.
"Ano ba ang gusto mo talaga?" Tanong ni Allie.
"Gusto ko ng label. Kahit sabihin mong asawa mo ako, hindi ako magrereklamo. Ang gusto kong malaman if you are mine? I need that. Dahil lahat ng lalaking lalapit sayo pagseselosan ko kung hindi mo sasabihin na akin ka."
"Seloso ka pala?"
"Oo." I replied. I heard her giggled.
"May choices ba ako?" She playfully asked.
"It's a yes and hell yes lang ang pagpipilian mo."
Her shoulder shake from laughing.
"It's a yes then." She said. A slow smile creep into my face. And then I kiss her on her lips. Hard as I miss her lips.
"Akala ko hell yes ang isasagot mo." I commented when I ended the kiss.
"Baka lumaki na ang ulo mo kapag iyon ang sinabi ko." She replied. I gave her my naughty smile.
BINABASA MO ANG
Allison: Bewitching the Superstar (Completed)
RomanceFor Allison, her gift is a curse and she vow she will not let this curse to pass on her child... So she decided not to have a child. Her grandmother was killed and her mother died making her an orphan at the age of 16. Napunta si Allison sa Baguio...