Epilogue

15K 385 67
                                    

Allison

"Sweetheart, sure kang kailangan mo pang gawin 'to?" Tanong ni Carlos. Nasa labas kami ng isang restaurant na hindi ko mabigkas ang pangalan.
"Ano ang ikinatatakot mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Wala. Wala naman kasi kaming naging relationship. Saka wala nga nngyari sa amin." He looked frustrated.
"Ayun naman pala. Bakit parang takot na takot ka. Mag-uusap lang kami." I tapped his shoulder.
Pumasok ako sa restaurant at sumunod sa akin si Carlos.

"Balikan mo ako after 30 minutes." I told him. Napahinto siya sa paglalakad.
"What?"
"You heard me." I kissed his cheek. "Love you. 30 minutes, Carlos."
"Can't I just, stay?"
"No can do... Go na.." I replied.

Sinundan ko ng tingin si Carlos palabas ng restaurant. Nang masiguro kong hindi na babalik ang mokong, kinausap ko ang waiter.
"Can you please call your chef, Ms. Camilla Gonzales?" Nakangiting tanong ko sa waiter.
"And may I know your name please?" Nakasimangot na tanong nito.
"Allison."
Tiningnan ako ng waiter mula ulo hanggang paa bago ito sumunod.

Naupo ako sa isang table at hinintaysi Camilla. Isang magandang babae na naka chef uniform ang lumabas at hinanap ako ng paningin. When she saw me, ngumiti siya ng alanagn.

"Hi...Allison?"
"Yes... Camilla, is it?" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. And she accept it.
I saw her past... like a flash back... Napabitaw ng kamay si Camilla sa akin. At honestly, nabigla ako sa mga nakita ko.
"Sorry... napa... ummm... natulala ako for a while. Upo ka Allison. What do you want to eat?"
Umiling ako. "Babalik din si Carlos agad. Gusto lang kitang makausap."
I saw Camilla exhale deeply before she sit in front of me.

"Allison, hindi ko alam na kayo ni Carlos ng magpunta ako sa bahay nila." Simula ni Camilla.
I gave her my genuine smile. "Alam ko. Nabigla lang din ako sa nakita ko."
Umiling si Camilla. "He was never mine. Wala kaming formal na relationship. When we were together, parang ang layo niya sa akin. At alam kong merong siyang mahal na iba. Nararamdaman ko yun. Sorry kung meron man akong nagawang hindi maganda. Hindi ko intention na sirain kayo."
"Wala kang nasira sa amin. Gusto ko lang makausap ka. Just to set things right and maybe to reach out. We are good, Camilla. I have a feeling that we will see each other...a lot...in the future" I smiled.
Camilla smiled genuine to me for the first time. "Akala ko nandito ka para awayin ako."
Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi ah... Baka lumaki na ang ulo ni Carlos kapag pinag-awayan pa natin siya."
Camilla insisted to at least try their drinks. Bumalik si Carlos after 15 minutes kahit 30 minutes ang hiningi ko sa kanya. Naabutan nya kaming nagtatawanan ni Camilla.

"Hey... Are all good?" Nag-aalalang tanong nito.
"Sabi ko sayo 30 minutes, diba?"
Ngumiti lang si Carlos sa akin. "Alis na kami Camilla, nandito na ang sundo ko."
"Sige... Ingat kayo. And thank you Allison." Nakipagkamay ulit si Camilla sa akin. But this time I saw her future. And it made me excited.
"Bye Carlos." Kumaway pa si Camilla sa amin.

"Nakipagkita ka ba kay Camilla para makita ang future nya?" Tinaasan ako ng kilay ni Carlos.
"And her past... So I saw how you two kissed." I replied. Hindi naman talaga iyon ang nakita sa past ni Camilla.
"Ang salbahe mo." Ang sabi nito. Mukhang napikon.

Kung alam mo lang... I hide my laugh.

The End (for Carlos and Allie)
---------------
A/N

So mga beh...Kamusta naman ang book 4 natin...

I posted on my FB page ang cover ng next book.

So hanggang ngayon hindi ko pa alam ang gagawin ko kay Jack. Hahaha

Anyways... next is our Preview for Beth's story.

P.S
Huwag kayong masanay sa 5 chapter per UD ah...
Nasa mood lang ako gumawa at tamang tinatamad magtrabaho ng maayos sa office.

Enjoy mga beh.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon