Allison
I saw a glimpse of him... and now I can't sleep even more.
"Gwapo yung talisman mo." Dagdag pa ni lola.
"Alam ko." I murmured.
"Allie, kapag hindi mo nakatuluyan yang talisman mo, mangyayari sayo ang nangyari sa mama mo."
Umupo ako sa kama at tiningnan si lola.
"Sige, itulak mo pa palayo yung lalaking yun. Tingnan natin kung kailan ka susunod sa akin."
"It's better that way." I replied to her.
"Mag-english ka pa. Kung kaya lang kitang batukan, babatukan kita eh."
"Mas maganda ng ganun lola..." Sagot ko kay lola.
"Ano ang maganda doon kung mamatay ka? Siya lang ang pwedeng makapagpanatili sayong buhay. Kung hindi mo sana binuksan ang portal mo, eh di sana pwede kang mabuhay ng matandang dalaga."
"Lola, pinag-usapan na natin 'to."
"Ikaw lang ang nagsalita, hindi ka naman nakinig sa mga sinabi ko." Katwiran ni lola.
"Kakainin ka ng mga kaluluwa na hindi mo matutulungan. Hihilahin ka nila sa dilim hanggang sa hindi ka na makabalik sa katawan mo. Hanggang sa mamatay ang katawang lupa mo pero nakakulong ka sa kawalan. Gusto mo bang mangyari sa iyo yun? Buhay ka pero patay ang katawang lupa mo?" Sermon ni lola. Mahigit isang taon ko ng nadidinig sa kanya ang sermon na ito.Hinawakan ko ang locket ko. It gives me comfort.
"Hindi ka habang buhay na maililigtas ng buhok na ninakaw mo kay Carlos. Kapag nalingat ka at nawala sayo ang kwintas na iyan, hindi ko alam kung paano ka sasagipin."
Natahimik ko...
"Patay na ako pero parang mas lalong pumuputi ang buhok ko sayo." Naiiling pa na sabi ni lola.
This is the price that I need to pay for helping my friend.
"Merong balik ang lahat Allison. Hindi man ngayon, pero babalik sayo ang ginawa mong pakikialam sa balanse ng buhay. Kailangan mo ang talisman mo kung dadating ang araw na iyon. Hindi ka maiiligtas ni Beth. Tanging ang nobyo mo lang ang makakagawa nun."
"Hindi ko siya nobyo." I replied.
"Ah, kaya pala bumukaka ka sa kanya..." Sarcastic na sagot ni lola.
Namula ako sa sinabi niya. Nakalimutan kong nasa paligid nga lang pala si lola. Baka natatingin pa sa akin yun habang nagse-sex kami ni Carlos."Pag-isipan mo ng maayos yang sitwasyon mo. Kapag nag-asawa si Carlos, tuluyan ka ng mapapahamak." Yun ang huling babala ni lola sa araw na ito.
Paano ko ilalagay sa ganitong sitwasyon ang mga magiging anak ko kung sakali... This is the reason why I am fighting my feelings for Carlos. I don't want anybody to experience this madness.
Awang-awa ako sa sarili ko habang nagsusurf sa internet makita ko lang si Carlos kahit sa mga photos man lang. At sa tuwing makikita ko siyang may kasamang babae sa mga larawan niya, umiiyak ako. Tanginang buhay 'to. Bakit ba kasi hindi ako naging normal na tao...
Naduduwag akong magtanong kay Khaleesi kaya nagkakasya na lang ako sa kakatingin sa internet.
Gaya ngayon, merong bagong picture na nagkalat sa internet. Meron siyang kasamang magandang babae sa Italy. At nakita pa ang babae na nanonood na laban nila.
"God, I'm so pathetic." I told to myself.
Paiyak na ako pero pinigilan ko ng makita ko si Saint na papasok sa shop ko."Allison, makikitingin muna ang shop ko. Kapag merong pumunta pakisabi babalik ako ng after lunch." Deretsong bilin ni Saint. Katabi ko siya sa kabilang shop. Isa siyang tattoo artist. Ang dami niyang tattoo sa katawan. Siya ang gumawa ng tattoo ko. It's on my nape para walang nakakakita.
"Sure... babayaran mo na ako nyan as secretary." Matabang na sagot ko.
Tumawa si Saint. "Allie, saglit lang ako. Dalan na lang kita ng frappe."
I rolled my eyes. "Bilisan mo na. Choco caramel ang dalin mo sakin."
"Yes boss. Bye Allie, see you later."
Kasing bilis ng pagdating ni Saint ang pag-alis niya."Ate Allie, may gusto siguro sayo si Saint." Tukso ni Melba sa akin. Ang assistant ko dito sa shop.
"Tigilan mo ako Melba."
"Gwapo naman si Saint ah. Ang ganda pa ng katawan." Sabi nito. Mas bata sa akin si Melba. Hindi na ito nag-aral dahil sa kakulangan sa pera. Mapalad pa rin ako dahil nakapag-aral ako kahit papaano.
"Crush mo siya noh." Balik ko sa kanya.
"Ate, kaya nga ang daming babaeng nagpapatatto dahil sa kanya." Pagkukwento pa ni Melba.
"Nakita mo na bang nakahubad si Saint? Naku ate, ang daming pandesal sa katawan."
Natatawa ako habang nakatingin sa picture ni Carlos sa laptop.Hinayaan ko ng mangarap si Melba kay Saint. Magkaibigan kami ni Saint, schoolmate ko sya dati sa SLU bago siya naghinto. Kasama kong naging student-assistant sa library.
Halos hindi ko siya nakilala ng makita ko ulit sya. Tadtad ng tattoo ang braso nito. Pero nandoon pa rin ang kalokohang taglay kaya parang bumalik lang kami sa pagiging magkaibigan namin.
Si Melba lang ang nagbibigay ng malisya.
BINABASA MO ANG
Allison: Bewitching the Superstar (Completed)
RomansaFor Allison, her gift is a curse and she vow she will not let this curse to pass on her child... So she decided not to have a child. Her grandmother was killed and her mother died making her an orphan at the age of 16. Napunta si Allison sa Baguio...