Chapter 26- At the other Side

11.7K 303 10
                                    

Allison

At first it's a soft hum, hanggang sa naging bulong. Isa, dalawa hanggang sa sabay-sabay na sila. They are crowding me in this small space inside of Saint's car.

"Allie, okay ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Saint habang nagmamaneho.
Tumango ako. Patuloy lang sa pag-iyak.

Mga sigaw...mga sigaw na sabay-sabay kong nadidinig. Mga sigaw ng pagmamakaawa na tapusin na ang mga paghihirap nila. Mga iyak ng nawawalang mga kaluluwa. Mga pighati na hindi kayang burahin sa isipan ko.

Tulungan mokami...
Isang kamay ang pilit na humahawak sa akin mula sa kaliwa.

Tulungan mo ako.
Isang duguang kaluluwa ang pilit na humahabol sa mabilis na andar ng kotse.

Tulong...

Sabay-sabay silang humihingi ng tulong.

"Allison." Sigaw ni Saint sa tabi ko.

Ipinarada ni Saint sa isang malaking bahay ang kotse niya.

"Nasaan tayo?" Nanghihinang tanong ko.
"Nasabahay ng tatay ko. Dalin na kita ng ospital?"
Umiling ako. "Tawagan mo si Beth."

Kinakapos ako ng hininga. Ang daming kamay na pilit na umaabot sa akin. Mainit, malamig, duguang mga kamay. Para akong isang tinapay na nalaglag sa sahig at pinagkakaguluhan ng mga langgam.

"Beth... Si Allison..." Bungad ni Saint.
"Beth... Nandito na sila." Pilit kong pinatatag ang boses ko.
"Allison? Ano ang nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Beth.
"Mag-iingat ka Beth. Hindi ko kayang pigilan. Sabay-sabay sila." I said.
"Allieee..." Sigaw ni Beth sa kabilang line.
"Nasaan si Carlos? Saint, tawagan mo si Carlos... Allison..." Nagwawala si Beth sa kabilang linya.
"Mag-iingat ka..." Iyon ang huli kong nabitawang salita bago ako tangayin ang mga kaluluwang uhaw sa katahimikan.

Bigla parang merong salamin na nakapagitan sa akin at kay Saint. Hindi niya ako madinig... Nakikita ko siyang sumisigaw. Pero parang hindi ako gumagalaw.

Tumalikod ako sa dapat na mundo ko at hinarap ang kadiliman na hindi ko matanaw ang katapusan.

"Tulungan mo kami..." Iyon ang lagi nilang sinasambit...

Tumingin ako sa dapat na mundo ko. Pinaandar ni Saint ang kotse at mabilis na nagmaneho palayo sa bahay.

Hindi ko maintindihan kung ano ang mangyayari sa akin. Paano ako makakawala dito.
Pinagkakalampag ko ang pader na naghahati sa akin mula sa mundo ngunit hindi ito natinag.

"Tulungan mo kami..."
"Tulungan mo kami..."
"Tulungan mo kami..."
"Tulungan mo kami..."

Napaupo ako at tinakpan ng mga kamay ang tenga ko.

"Tama na... Hindi ko alam kung paano ko kayo tutulungan." Sigaw ko sa kanila.

Para silang mga anino sa dilim na naghihintay maubos ang liwanag sa akin bagoako tuluyang angkinin at maging isa sa kanila.

"Allison..." Naririnig ko si Saint na nagmamakaawa na gumising na ako.
"Tang-ina, Allison. Huwag ganito..." Nadidinig ko si Saint pero hindi ko siya kayang tingnan.
"Aaarrrgggggg...." Sigaw ni Saint.

"Tawagan mo si Carlos. Please Saint. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Tawagan mo si Carlos." Pagmamakaawa ni Beth.

Ano ang ginawa ko sa kanila?
Naiyak akong mag-isa habang umiiyak ng tulong ang mga anino sa harapan ko.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon