Allison
Nagising ako sa sermon ni lola... Umaga na naman. Nadidinig ko na si lola. Parang takuri sa ingay. I cover my face with my pillow. God, naamoy ko si Carlos sa unan ko. Ilang beses ko bang napanaginipan na katabi ko siya.
"Huwag kang magalaw, Allie. Merong nabubuhay sa umaga kapag naglilikot ka ng ganyan." Bulong ni Carlos sa akin. He is hugging me from behind.
"Allison... bumangon ka diyan. Sinasabi ko sayong bata ka... Bakit mo binuksan ang portal mo?" Pagbubunganga ni lola. Urgggg ang sakit sa tenga ni lola.
Lola? Sa isip-isp ko... Patay ka na bakit ang ingay mo pa din?
"Allliisssoooonnnn..." Sigaw ni lola.
Napabangon ako bigla. Nasa tapat ng kama si lola. Nakahalukipkip ito at galit na galit...
"Waaaahhhhhh...." Napasigaw ako ng makita ko si lola.
Napangon bigla si Carlos.
Katabi ko si Carlos?
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Carlos. He has stubble that my hand is itching to feel. His hair is in sexy mess. His eyes are sleepy but looking at me.
"This is my bed." He replied.
Nilibot ko ang paningin ko. Hindi ko nga kwarto ito.
Si lola naiinip na sa paanan ng kama.
"Ano ang nangyari sayo?"
"Nakatulog ako?" I asked him back.
Humiga si Carlos sa kama. He cover his eyes with his arm.
"Like a dead, Allison. It's good to see you sleep though."
Then everything came back to me. Zoey, Beth... what I did... At kung bakit nandito si lola na galit na galit.
"Banyo muna ako." I said to Carlos.
May nangyari ba sa amin kagabi? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala akong maramdamang kakaiba.
"Doon ang banyo." Tinuro ni Carlos ang isang pintuan. Nagtakip siya ng unan sa mukha.
Pagkasarado ko ng pintuan ng banyo, nakatayo na doon si lola.
"Ano ang sinabi ko sayo? Huwag mong bubuksan ang portal mo!" Simula ni lola.
"Hi lola."
"Huwag mo akong ma-hi-hi diyan." Sagot ni lola.
"Lola, lumabas ka muna naiihi ako."
Sumimangot si lola at nawala.
Dali-dali akong umihi at naghanap ng tooth brush. Walang extra tooth brush. Mahahalata ba ni Carlos kung gagamitin ko ang tooth brush niya? It's like kissing him already when I use his tooth brush...
"Well, this is as close as the kiss I can get." Bulong ko sa toothbrush.
Nilagyan ko ng tooth paste ang toothbrush ni Carlos and I use it. Walang hiya-hiya, Allison...
Pagkatapos kong magtoothbrush at maghilamos, dahan dahan akong lumabas ng banyo at lumabas ng kwarto. Nakahiga pa rin si Carlos sa kama.
"Bakit ka nandito? Di ba dapat nakatawid ka na sa kabilang buhay?" Bulong ko kay lola. She look like yesterday... pati ang damit na suot niya ay yung pinanlibing niya.
"Paano ako tatawid, eh alam kong may kalokohan kayong gagawin ni Beth. Di ba ang bilin ko huwag niyong gagamitin ang kakayahan ninyo? Mapapahamak kayong dalawa."
Napayuko ako.
"Napahamak ka na nga... Kita mo na...Ang tigas ng ulo mo."
"She's my friend, lola. Alam kong alam mo kung gaano sila kahalaga sa akin."
"Yung lalaking katabi mong natulog..." Simula ni lola.
"Walang nangyari sa amin." Mabilis na sagot ko.
"Alam ko. Pero paano kang nakatulog kagabi?"
"Pumikit ako?!" Hindi ako sigurado sa sagot ko.
"Meron bang natutulog ng dilat? Syempre pumikit ka, huwag kang pilosopo."
Pinigilan kong tumawa. "Hindi ko alam lola. Kaya niya akong pakalmahin. Kahapon, nung sabay-sabay akong kinakausap ng mga multo sa hospital, paano ko ba ipapaliwanag lola?"
Tinaasan ako ng kilay ni lola.
"Nung hinawakan niya ang kamay ko kahapon, parang merong pader na naghiwalay sa akin sa mga nakikita ko, sa mga nadidinig ko. Bigla silang... naset aside."
"Siya ang talisman mo."
"Ang alin?" Tanong ko.
"Basta...siya ang talisman mo. Ngayon kung ayaw mong mabaliw, kailangan mo siya."
"Aalis siya lola."
"Sino kausap mo?" Tanong ni Carlos.
Nagulat ako sa boses niya. Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto niya...nakaboxers... walang damit, nakasabit ang tuwalya sa balikat at...nagtotooth brush. Yung tooth brush...
Napalunok ako ng laway.
"Si...lo...la." Mabagal na sagot ko habang naglalakbay ang utak ko sa katawan niya.
Kung nawiwirduhan man si Carlos hindi niya pinahalata. Nagpatuloy lang siya sa pagtotooth brush niya.
I saw the naughty smile in his eyes. And I knew he knew that I used his toothbrush.
Damn him.
—————————
A/N
Surprise!!!!
kahit hindi nyo ako pinapansin at inaadd sa FB... nag-UD pa din ako...
BINABASA MO ANG
Allison: Bewitching the Superstar (Completed)
Storie d'amoreFor Allison, her gift is a curse and she vow she will not let this curse to pass on her child... So she decided not to have a child. Her grandmother was killed and her mother died making her an orphan at the age of 16. Napunta si Allison sa Baguio...
