Chapter 7- Dying inside

11.4K 307 3
                                    

Allison

"What was that?" tanong ni Khal habang nagmamaneho siya papunta sa condo ng kapatid niyang si Jon.
Umiling ako. Masama ang tingin ni Beth na nakaupo sa likuran ng kotse.

"Akala ko ba hindi mo nakikita ang future ni Carlos?" hindi makaintindi si Khal ng silent treatment.
"Hindi niya makita si Carlos?" Balik na tanong ni Beth kay Khal.
Tumango si Khaleesi.

Nakikita kong nagpipigil ng galit si Beth na nasa backseat.

"Isa kang duwag..." Beth started het litany.
"Tumigil ka..." Nagngingitngit na banta ko sa kanya.
"Tama si Carlos, duwag ka." Humalukipkip si Beth at tumingin sa bintana.
"You don't deserve him." Dagdag pa nito.

Yes I don't. Alam ko yun okay?! Pwedeng huwag mo ng ipamukha sa akin?!

Bumalik ako ng Baguio after maihatid si Beth sa Kalinga. Si Khal at King naman nagbiyahe sa kung saan-saan.

Umeepekto naman ang charm na ginawa ko sa buhok ni Carlos na nasa locket ko. Hindi nga lang kasing effective noong katabi ko siya. At least, hindi ako nagigising sa gabi na merong multo sa mukha ko. Nakikita ko sila, nakamasid sa akin. Ready na lumapit once na maialis ko ang kwintas sa akin. Kaya maingat na maingat ako sa kwintas.

Pag-uwi ko sa maliit kong bahay sa labas ng Baguio, doon pa lang ako nagsimulang umiyak. Nabalitaan kong umalis na si Carlos para hingi ng clearance to pay sa team doctor nila. Alam kong tama ang ginawa ko. Kailangan ko lang tanggapin na masakit lang talaga.

"Bakit ka umiiyak ngayon?" Bulyaw ni lola sa akin.
Hindi ako kumibo. Napatuoy lang ako sa pag-iyak. I will allow myself to cry this week, but after that, I will stand up and face the future...

"Katangahan mong bata ka... Mapapahamak ka sa ginagawa mo." Naiiling si lola habang nakapamewang sa gilid ng kama.

After a week, dumaan si Khal sa shop ko kasama si King.

"Allison, papatayin mo ang sarili mo sa kakapakinig kay Adele." Pinatay ni Khal ang player sa shop.
"Khal... yung payo ko." I said it again to her.
"Yes...yes, huwag pipirma kapag nakainom." Sagot nito.
"Sure kang okay ka lang? Pabalik na si Carlos baka gusto nyong mag-usap na dalawa."
"Wala kaming dapat pag-usapan." I replied.
"Minsan, unfair din na alam mo ang lahat sa akin pero halos wala akong alam tungkol sayo." Wala namang halong sumbat ang pagkakasabi ni Khal pero bakit naguilty ako?!
I tried to smile at her. "Lumakad na kayo, baka gabihin kayong dalawa."

I can see Khal's heartache after this trip.

Pag-alis ni Khal, saka naman nagwala si Aurora. Siya ang dating may-ari ng inuupahan kong shop. Dati itong bakery. Hindi niya maintindihan na namatay na siya. Akala niya bakery pa din ang shop ngayon.
Mainitin ang ulo ni Aurora, kaya siguro inatake ito sa puso at namatay sa bakery.

"Bakit ba ang daming pumapasok dito, hindi naman nagsisibili." Ang sabi ni Aurora.
"Hindi mo na bakery ito." I told her. Papatulan ko na talaga ang multo na ito. Ang dami ko ng nabasag na bote dahil sa pagdadabog niya.
"Anong hindi?!" Sigaw nito.
"Patay ka na." I told her. Hinawakan ko ang locket ko. Naging mannerism ko na iyo sa tuwing kumakausap ako ng multo.
Natigil si Aurora sa pagdampot ng bote na malamang ay balak niyang ibato na naman.
"Matagal ka ng patay, Aurora. Inatake ka sa puso dahil lagi kang galit. At ibaba mo yang bote na yan."
Binaba naman ni Aurora ang bote na may lamang lavender oil.
"Kailan pa ako namatay?" Luminga linga si Aurora sa paligid.
"Matagal na...Mga 1980s." I replied. Nagpatuloy ako sa ginagawa kong pagsasalin ng mga oil na kailangan kong idisplay.
"Alam ba ng...anak ko?" Tanong nito.
"Hindi ko alam. Hindi pa ako pinapanganak noon eh." Sagot ko sa kanya.
Nawala si Aurora sa paligid. Ngayon mag-isa na talaga ako. Kahit ang multo iniwan ako.

Hindi na ako nagtaka ng tawagan ako ni Khal at sabihin may dumating na marriagecertificate galing Batad sa kanya. At dinamayan ko din si Khal ng malaman kong nagfile siya ng annulment.

Iyak ng iyak si Khal. Alam ko namang mahal na mahal niya si King.

"Punta akong Spain, Allie."Khal told me once. Nasa farm niya ako. Namimili ngmga bulaklak na gagawin kong oil.
"Magtatagal ka ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi na bumalik ang sigla sa mga mata ni Khaleesi.
"Magmamasteral ako sa Spain." Sagot niya.
"Iiwan ko muna sayo ang farm ko. Tingnan-tingnan mo na lang please."
Hindi ako makasagot. Alam kong takot sa akin ang ibang trabahador niya.

"Ang gulo natin noh, ako naghahabol sa taong hindi ako mahal. Ikaw, sinasayang mo ang taong mahal ka." Khal said to me after a while.
"Hindi ko alam ang reason mo bakit pilit mong tinutulak palayo si Carlos. Mabait naman siya. Pilyo pero hindi naman masamang tao." Pagpapatuloy ni Khal.
"Hindi talaga kami pwede Khal."
"Hindi naman totoo ang binigay mong reason sa kanya. Hindi mo naman nakikitaang future mo or ang future niya eh."
Umiling ako.
"Whatever your reason is, sana worth it yun para sa pain na nararamdaman nyong dalawa." Khal told me.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon