Chapter 24- Talisman

12.4K 341 7
                                    

Carlos

Iba ang pakiramdam ng makita ko si lolo... Pero ng makita ko ang multo ng lola ni Allison, pati ako napasigaw. Galit na galit ang matanda.

Tumakbo palabas si Khal, Saint at Rome kaya naputol ang linya namin.

"May multo." Hawak-hawak ni Jack ang puso niya. Si Gab at King ay namumutla.
Tumabi si Beth kay Allison. Umupo siya sa binakante ni Saint.

Hinawakan ni Beth ang kamay ni Allie. Nilahad ni Allie ang kamay sa akin. Nag-iisip ako kung kukuhanin ko. In the end kinuha ko ang kamay niya. Nilahad ko ang kamay ko kay Jack. Hinawakan naman ni Gab ang kamay ni Beth. Hawak ni King ang kamay ni Jack. Isang linya ulit kami.

"Tapos na ba kayo sa kakatakbo?" Nakapamewang ang lola ni Allison sa harapan namin. Transparent siya kagaya ni lolo.
"Beth, ano ang binilin ko sayo?" Tanong nito.
Napangiwi si Beth sa tanong ng lola niya.
"Pag-uuntugin ko kayong magpinsan. Ang tigas ng ulo ninyo. Nandamay pa kayo ng ibang tao. Buti mabait ang mga kaibigan ninyo at nailigtas kayo."
Palakad-lakad ang lola nila. O naglalakad nga ba? Mukha naman siyang nakalutang.

"Totoo ba ito?" Tanong ni Gab.
Napatingin si lola kay Gab. Nanlilisik ang mga mata. Napasandal si Gab sa upuan.
"Lola, natatakot ang mga kaibigan ko sayo. Kumalma ka." Ang sabi ni Allie.
"Sino ba may sabing pati sila isama mo sa pag-uusap natin. Elizabeth, naku bata ka. Idudukdok kita kung nabubuhay lang ako."
"Sorry po, lola." Sagot ni Beth. "Gusto ko lang pong tumulong."
"Huwag na kayong babalik sa Kalinga. Mag-iingat nga kayong dalawa ni Allison. Buti nga at natauhan na sa katangahan yang si Allie."
Pinigilan ko ang kamay ni Allie ng balak nitong bintawan ang kamay ko.

"Carlos..." Tawag ng lola ni Allison sa akin.
"Po?"
"Ikaw ang talisman ni Allison." Sabi ni lola.
Napasinghap si Beth at natingin sa amin ni Allison. Walang kibo si Allie.
"Ano po ang ibig sabihin nun?" Tanong ko.
"You have the power to save her or let her die." Sagot ni Beth.
"Iligtas mo siya." Ang huling sinabi ng lola ni Allie bago siya nawala.

"Are you in danger?" Tanong ni Gab kay Allie.
"Allison?" Banggit ko ng pangalan niya.
Umiling si Allie.
"Hindi... Okay na siya. Narinig ko na boyfriend ka na niya. She will be fine." Si Beth ang sumagot sa akin.
"Ano ang talisman?" Tanong ni Jack.
"Paano ko ipapaliwanag?" Napakamot ng ulo si Beth.
"Sa pamilya namin, merong isang tao na magiging sentro ng buhay mo. Ang tawag namin doon, talisman." Allie answered.
"Mga babae lang ang nagkakaroon ng gift kagaya ng sa amin ni Allie, kagaya ng sa nanay namin at kay lola at sa mga nauna pa. Yung talisman ay yung taong makakapagpabalik ng spirit mo dito sa lupa. Incase na mapunta ka somewhere na hindi dito." Dagdag ni Beth.
"Lahat ng babae sa pamilya nyo merong talisman na tinatawag?" Tanong ni Jack.
Tumango si Beth. "Hindi lahat nakikilala nila ang talisman nila. Kapag nakilala mo ang talisman mo, at iba ang pinakasalan niya..." Hindi tinuloy ni Beth ang sasabihin. Nagkibit siya ng balikat.
"Maswerte ka kung mahal ka ng taong mahal mo. Kadalasan kasi, hindi eh. Doon kami napapahamak." She added.

"Paano nyo malalaman kung sino ang talisman nyo?" Tanong ni King.
"In my case, magagamot ko siya kahit anong sakit niya. Sa case ni Allison..."Beth answered.
"Hindi ko nakikita ang future ko kaya hindi ko din nakikita ang future niya."She replied.
"Hindi mo di ba nakikita ang future ni Carlos?" Jack pointed out.
Tumango si Allison.
"Bakit nagsinungaling ka sakin dati? Alam mo pa lang kailangan mo ako." Naitanong ko kay Allison. Hindi ko maitago na nasaktan ako ng kaunti sa ginawa niya.
"Carlos, ang importante alam mo na ngayon." Gab pointed out.

I exhale deeply. Hindi kumibo si Allison.

"Magpahinga na kayo ni Beth. Nasa kabilang bahay lang kami." I kiss Allie's forehead. Tumango si Allie.

Iniwan namin sila ni Beth at lumipat kami sa bahay ni Khal.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon