Allison
Pilit akong kinakalma ni Saint habang umiiyak ako. Hindi sumasagot si Beth sa tawag ko. Hindi ko siya tinawagan, si Carlos daw ang nagpapunta sa kanya.
Hapon na ng madinig ko ang tunog ng chopper. Lumabas ako ng bahay kasunod ko si Saint. Isang chopper ang palapag sa taniman ni Khal. Isa-isang bumaba ang mga kaibigan ko sa chopper. Kasunod nila si Beth at si Uncle.
"Nailigtas nila." Bulong ko kay Saint.
"Damn, boys and their toys." Saint commented. Nakasabit pa sa balikat ni Jack at Gab ang baril nila na parang bag pack lang ang dala. Huling bumaba si Carlos dahil siya ang piloto.
Tumatakbong lumapit si Beth sa akin at umiiyak.
"Thank you." Naluluhang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko. Nakaupo kami sa maliit kong sala.
Nasa kwarto ko si Beth at si Uncle. Gumagawa naman ng kape si Saint sa kusina.
"Wala yun Allie. Mabuti at tinawagan mo si Carlos. Hindi namin kaya ni King kung kami lang kanina." Sagot ni Khal.
"Kape muna kayo. Walang pagkain si Allie sa ref, okay lang ba ang pizza?" Nilapag ni Saint ang mga tasa ng kape sa maliit na mesa.
"Si Saint nga pala. Saint, mga kaibigan ko." Pagpapakilala ko.
"Ikaw pala si Saint. Rome, pre." Kinamayan ni Rome si Saint. "Magkano pagawa nung tattoo ni Carlos?"
"Depende sa laki eh." Nahihiyang sagot ni Saint.
"Uy Khaleesi, long time no see." Bati ni Saint kay Khal.
"Si King, boyfriend ko." Tinuro ni Khal si King kay Saint.
"Nagkatuluyan din pala kayo." Sagot ni Saint. Natatawang umiiling si Khal.
"Asawa nya pre. Nahihiya lang si Khal na aminin." Kinamayan ni King si Saint.
"What?!" Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ko pati si Carlos.
"Kailan pa?" Tanong ni Jack kay King.
"Ako si Jack, kakambal ni King... Eto naman si Gab, asawa ng kapatid ni Carlos." Kinamayan ni Gab si Saint. Nakunot ang noo ni Saint ng makita ang mata ni Gab.
"Pinoy by heart... Nagtatagalog yan." I commented.
"Kasal nga kayo?" Pagbabalik na tanong ni Carlos kay King.
"Hala...lagot..." Tukso kay Khal.
Hinayaan naming magpaliwanag si King at Khal habang pinagsasabihan ni Carlos at Jack ang dalawa. Natatawa pati si Saint sa mga kaibigan ko.
After dumating ang pizza na order ni Saint at makakain kami, bumalik sa usapan sa tattoo.
"Saint, magkano kapag buong likod ang pinatattoo?" Tanong ni King.
Pinakita ni King ang likod niya kay Saint. Kinuwento din namin ang nangyari sa kanya.
"Matagl-tagal yan pre. Hindi lang isang session." Sagot ni Saint.
"Okay lang. Gusto ko lang matakpan ang mga pilat. Para mas mukha na din akong astig kay Jack." Sagot ni King na ikinatawa namin.
"Saint, ikaw ang nagtattoo kay Allie, di ba?" Tanong ni Carlos.
Tumango naman si Saint.
"Ano ibig sabihin ng tattoo niya?"
Ngumisi si Saint sa akin.
"Hindi mo sinabi?" Tanong ni Saint sa akin. Umiling ako. Tinatago ni Khal at Jack ang mga ngiti nila.
"Ayaw sabihin." Carlos said.
"Baka pasuin din ng kape ang lalamunan ko. Hindi ko na lang sasabihin." Sagot ni Saint.
"Jack?" Tinawag ni Carlos si Jack pero umiling ito.
"Takte... Gab, ano ibig sabihin nito?" Hinagis ni Carlos ang cellphone niya kay Gab.
"Kinunan mo ng picture?" Naasar na tanong ko.
Ngumisi lang si Carlos. Tiningnan ni Gab ang picture. Ngumisi si Gab bago binalik kay Carlos ang cellphone.
"Pangalan mo." Sagot ni Gab.
Nagsisimula na naman akong mamula... Lalo na ng pinagloko ako ni Rome.
"Okay lang yan sweetheart. Alam ko naman patay na patay ka sakin." Dagdag pa ni Carlos.
"Sweetheart?" Hirit ni Rome... "Kayo na?"
"Kelan pa?" Tanong ni Khal.
Nakangisi lang si Carlos at hindi kami nagsasalita.
"Allie..." Lumabas si Beth sa kwarto. Natigil ang asaran namin. Nakatingin lahat kay Beth.
"Nandito si lola." Sabi ni Beth.
Nagkatinginan ang mga kaibigan ko.
"Di ba patay na lola nyo?" Tanong ni Saint. Tumango ako.
Nakita ko si lola na galit na galit sa pintuan.
"Hindi ko maintindihan ang sign language niya." Sabi ni Beth. Napangiwi ako sa mga mura na binibitawan ni lola.
"Allison, ipakausap mo ako kay Beth ngayon din."Sigaw ni lola.
Nagulat kami ng bumagsak ang walis na nakasabit sa may pintuan. Nagdadabog na si lola.
"Gusto kang makausap ni lola." Ang sabi ko kay Beth.
Walang kumikibo sa mga kaibigan ko. Pumuwesto sa likod ko si Beth at hinawakan ako. Hinawakan ni Carlos ang kamay ko. Hinawakan ko ang kamay ni Saint. Nakita ng mga kaibigan ko ang ginawa ko kaya hinawakan nila ang kamay ng katabi nila hanggang sa maging isang linya kami.
"Tumingin kayo sa pintuan." I told them. And they look up.
Nakita nilang nakatayo si lola at nakapamewang.
"Beth, anong kalokohan ang ginawa mo?" Sigaw ni lola.
Napasigaw ang mga kaibigan ko dahil nakita nila si lola. Tumakbo palabas ng bahay si Khal, Rome at Saint dahil sa takot. Hindi nila namalayan na dinaanan nila si lola on their way out.
Hindi ko alam kung tatawa ako dahil sa nangyari o matatakot dahil nagwawala si lola.
BINABASA MO ANG
Allison: Bewitching the Superstar (Completed)
RomanceFor Allison, her gift is a curse and she vow she will not let this curse to pass on her child... So she decided not to have a child. Her grandmother was killed and her mother died making her an orphan at the age of 16. Napunta si Allison sa Baguio...
