Chapter 4- Scared of Future

12.6K 384 6
                                    

Carlos

Nadidinig ko ang boses ni Allison sa labas. May kausap siya na tinatawag niyang lola. Bumangon ako sa kama at nagpunta sa banyo. Napansin ko ang tooth brush ko na basa.

Well...well...well... what do we have here?

Napangisi ako sa kalokohan ni Allison. Is she trying to seduce me? Hanggang saan ang kaya ni Madam sa pakikipaglaro?

Hinubad ko ang damit ko, iniwan ang boxers, kinuha ko ang towel at ang basing tooth brush. Damn... I like the idea that she's using my things...

"Sino kausap mo?" tanong ko kay Allison.

Nagulat siya sa boses ko. Tumingin siya sa akin and the looks that she gave me turns me on.

"Si...lo...la." Mabagal na sagot ni Allie.
I smirked at her when she saw that I am using my toothbrush. Nagtagal pa ako ng ilang segundo na nakatingin sa kanya habang nagto-toothbrush bago ako pumasok sa toilet at naligo... Kailangan kong maligo ng malamig na malamig na tubig.

Sapo-sapo ni Allison ang ulo niya ng maabutan ko siya sa sala pagkatapos kong maligo.

"Allie, ano problema?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya at sumandal.
"Kamusta si Zoey? Hindi ko macontact si Beth."
"Okay daw si Zoey sabi ni Rome kagabi. Kasama naman ni Khaleesi si Beth."

"Kausap mo nga ang lola mo kanina?" pag-iiba ko sa usapan.
Tumango si Allie. Actually hindi naman ako natatakot sa patay, sa multo o sa spirit. Hindi ako natatakot kay Allison, more on nag-aalala ako sa kanya.
"Akala ko matagal ng patay ang lola mo."
"Matagal na nga. Hindi pa siya tumatawid sa kabilang buhay." Sagot ni Allie.
And I believe in life, after life, limbo, hell and heaven. I once heard that Tita Lise died before... And now Zoey almost died... There are things that we can't understand, we just have to accept that they exist.
"She can help you?"
Umiling si Allie.
"Wala siyang sinabi? Baka meron kang kailangan na kryptonite or something to chase them away."

Umiling ulit si Allie.

Napasandal ako sa sofa.
"We can figure out something. Kumain ka na ba?"
Umiling si Allison.
"Bakit ayaw mong sumagot? Mabango naman hininga mo, nagtoothbrush ka naman."
I saw how Allie turns red... I chuckled.
"You can use whatever you want to use. I don't mind, really."
"Thanks." She replied.
"Alam mo bang parang nahalikan mo na din ako ng gamitin moa ng toothbrush ko?"
I can't resist making her blush... Allie cover her face with throw pillows and say something that I didn't understand.

"I know Allie, I'm adorable." Tumayo ako and went to the kitchen. Naiiling ako. Isang gabi na kasama siya at naiisip ko na agad ang future.

I'm screwed.

Iniwan ko si Allison sa condo para bumili ng makakain namin. Kapapaligo niya lang at suot suot niya ang damit ko dahil wala daw siyang dalang damit kahit isa.

"Sure kang ayaw mong sumama?" Tanong ko sa kanya.
"Look at me?"
I'm looking, alright. Suot mo ang t-shirt ko na hanggang kalahati ng tuhod mo. I know you wore my boxers too. "You look hot."
She rolled her eyes. "Wala akong bra na suot."
"I don't mind." I replied. And that info goes to my other brain and he process it mighty fine... Instant hard on.
"On the other hand, I don't like other man to look at you like you're a candy... So babalik ako agad sweetheart." I teased her.
"Bilisan mong bumalik." Sabi niya.

Nasa pintuan pa lang ako ng madinig ko ang iyak ni Allie. She's crying like she's in pain. Mabilis kong binuksan ang pintuan at nakita ko siya na halos nakadikit na ang tuhod niya sa noo. Nakatakip ang mga kamay sa tenga niya at nakapikit niya ng madiin.

"Allie." Niyugyog ko siya para marinig niya ako. Nabitawan ko ang mga plastic ng pagkain sa carpet.
Nanginginig si Allison habang umiiyak.
"Allison, nandito ako." Unti-unti kong iniangat ang mukha niya. Dahan-dahan siyang dumilat.

Bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit ng makita niya ako.

"Ano ang nagyari?"
Umiling si Allie, umihikbi. Kailan mo ba ako papapasukin Allie?
"Nandito sila?" Tanong ko ulit. Tumango si Allie.
Hinintay kong kumalma si Allison bago ko siya binuhat at inuupo sa sofa.

Pinulot ko ang mga plastic ng pagkain at nilapag ko sa center table.

"Kapag wala ako, doon sila nakakalapit sayo?" I tried to ask her.
Tumango si Allie.
"Bakit si lola mo nakalapit sayo kahit kasama mo ako kaninang umaga?"
"Gifted din si lola." She replied. Namamaga na ang mga mata ni Allison sa kakaiyak.
"You need me." I told her.
"I need to find a way to shut them down." She replied.
"Admit it you need me. It's not hard to admit it Allie. Don't fight it."
Napayuko si Allison. "I can't... be with you."
"Am I too ugly for you?"
She looked at me flatly. "Alam mong hindi ka pangit, kung naghahanap ka ng compliment."
"Then why you can't be with me?" Naasar na tanong ko.
"I am different... I am not normal. I can see things way too damn hard to explain."
"So hindi dahil sa zodiac sign kaya mo ako tinatanggihan!" Sarcastic na comment ko.
"That too." She stubbornly replied.
"You are just scared Allison. Too damn coward to give us a chance."

"I need to go." She whispered.
"And let those bastard ghost attacked you in the streets!?! Sa mental kapupulutin kapag pinilit mo yang gusto mo. Hindi lahat ng tao maniniwala sa nakikita mo."
Hindi kumibo si Allison.

———————
A/N
Can't help it...
ang pilyo kasi ni Carlos 😊😊😊
at and tigas ng ulo ni Allison... so there they go...

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon