Chapter 22- Saving witch 2.0

12.1K 316 9
                                    

Carlos

Nagring ang phone ko bandang alas sais ng umaga. Napabalikwas ako ng bangon ng makita ang pangalan ni Allison sa screen.

"Sweetheart?"
"Carlos..." One word and my blood runs cold. She's crying...
"Anong nangyari? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.
"Si Beth... Kailangan ng tulong ni Beth." She replied.
"Nasaan si Beth? Ano nangyari? Huminahon ka Allie." Nagmamadali akong nagpunta sa toilet. Nilagay ko sa loud speaker si Allison. Nagtoothbrush ako, naghilamos. Hindi na ako nakaligo kakamadali.
"I saw a vision. They will hurt her. Napagbintangan siyang mangkukulam. Susunugin nila ang bahay. Please save her. Nasa daan na sila King at Khaleesi. Pero baka harangin sila ng taong bayan."

Lumabas ako ng kwarto at tinawag ang driver namin. Nagkagulo ang mga kasambahay sa lakas ng pagkakasigaw ko.

"Tawagan mo si Saint para may kasama ka sa bahay mo. Dederetso ako sa Kalinga, susunduin ko si Beth. Ihahatid namin sa Baguio." Ang sabi ko sa kanya.
"Mag-iingat ka." Umiiyak sa bilin ni Allison.

Lumabas ng kwarto si Gab, Cailee, daddy at mommy. Nakatingin sila mula sa second floor.

"Ano nangyari?" Tanong ni Gab.
"Si Beth. Kailangan ialis sa Kalinga. She was accused of being a witch." I replied.
Nagmamadaling bumalik sa kwarto nila si Gab. "Hintayin mo ako." Sigaw nito.

Tumango si daddy sa akin. Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Tinawagan ko si Jack at Rome at inexplain ang nangyari. Magkikita kasi sa helipad sa loob ng 20 minutes.
Jon is not on himself kaya hindi ko na tinawagan.

Lumabas si Gab na naka camouflage at may dalang bag. Sumakay kami sa van at nagpahatid sa helipad.

"Alam mo ang situation doon?" Tanong ko kay Gab.
Tumango siya. "Hindi maganda. Isasama ko si Kiro." Tumango ako. Si Kiro ang anak-anakan nila Tita Abby. Isa din siyang Knight.
"Nasa daan na sila King, on the way papunta sa Kalinga. They are taking the roads." I told Gab.

I checked the chopper that was available habang hinihintay kong dumating ang ibang kasama namin. Pati si Jack at Kiro naka-camouflage at may dalang bag.

Sumakay ang mga kasama ko sa chopper at unti-unti na kaming lumipad. Ako ang piloto at parang mission ang gagawin namin dahil may kausap si Gab, Jack at Kiro na mga shadows.

"Whoaahhh... Kailangan ba talaga ng baril?" I heard Rome asked.
"Kailangan... Hindi biro ang nagbibintang kay Beth." Jack said.
"Tawagan nyo si Beth." I asked them.
Si Rome ang tumawag kay Beth. She assured her na papunta na kami. She sound scared. What the hell happened?

Kulang tatlong oras din ang biyahe namin papuntang Kalinga. Nagland kami sa school na malapit sa bahay nila Beth.

"Malapit na sila King. Pinapaderetso ko na sila sa bahay nila Beth." Gab said to me.
Naglakad kami papunta sa bahay nila Beth.

Madaming tao ang nakapalibot sa bahay nila. Sumisigaw ang mga ito. May hawak na mga sulo. Nakipag-gitgitan kami para lang makapasok sa bahay.

"Beth..." Katok ko sa narasadong pintuan nila.
"Beth, si Carlos 'to." Sigaw ko.

Pinalibutan ni Gab, Jack at Kiro ang bahay. They look like they are ready for anything.

"Beth, nandito na kami. Buksan mo ang pintuan." Sigaw ni Rome.
Inabutan ako ng bullet vest ni Gab. Ipasuot ko daw kay Beth at sa tatay niya.

Tumatawag si King sa akin.
"Nasa labas kami ng bahay. Madaming tao, hindi kami makapasok si Khal." Sabi niKing.
"Nandito kami. Stand by mo si Khal sa kotse. King, pwede bang bumalik ka sa chopper, paikutin mo na din." Natanaw ko ang kotse ni King sa labas.
"Roger." He replied.

Unti-unting bumukas ang pintuan. Sumilip ang tatay ni Beth. Lumakas naman ang sigawan ng mga taong bayan. Pumasok kami ni Rome sa bahay.

"Pinapunta po kami ni Allison." Rome said to Beth's father. Tumango ito at tinawag si Beth na nagtatago sa silong ng bahay nila.
Pinasuot ko ang vest na binigay sa akin ni Gab kay Beth at sa tatay niya.
"Si Beth na lang ang itakas ninyo." Umiiling na sagot ng tatay niya.
"Tay... sumama ka." Pagmamakaawa ni Beth.

"Carlos, bilisan ninyo." Sigaw ni Gab sa labas.

"Bilisan na po natin." Sabi ko sa mag-ama.
Inabot ni Rome ang mga gamit ni Beth.
Matigas ang ulo ng tatay ni Beth. Sadyang mataas ang pride. Hindi nito sinuot ang bullet proof vest na binigay namin.

Una akong lumabas ng bahay. Malakas ang sigawan ng mga tao. Binabato nila kami. Pinalibutan kami ni Jack, Gab at Kiro.

"Move." Sigaw ni Kiro sa mga tao. Kinasahan na nila ng baril ang mga ito para umalis sa daan namin.
"Khal, yung kotse." Utos ni Gab nasa cellphone.

Madami ang nambabato sa amin. Isang sulo ang inihagis sa bahay. Mabilis iyong nagliyab. Nagkagulo ang mga tao dahil sa mabilis kumalat ang apoy.

Hinagisan ng tear gas ni Jack ang mga tao para magsialis sila sa daan. Mabilis kaming tumakbo papunta sa kotse ni King at pinaharurot agad ni Khal ang sasakyan pagkapasok namin.

Nakahinga lang kami ng maayos ng nasa taas na kami papunta ng Baguio. Si Kiro na ang nag-uwi ng kotse ni King.

---------------
A/N
You've meet Kiro...
Pero matagal pa ang story niya.

Sa second batch pa. (naks merong second batch!)

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon