Chapter 11- Stalker

11.3K 318 8
                                    

Allison

"Oh God..." Naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig. I saw Carlos last game...and he got hurt... badly.

Khal, gising ka ba?
-Sent by Allie

Hindi nagreply si Khal. She video called me.

"Hello."
"Allie? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.
"Ano ang nangyari kay Carlos?"
"Bad landing. Inoperahan ang tuhod niya. Nasa hospital pa siya pero iuuwi sa Pilipinas ni Auntie Marie." Sagot ni Khal.
"Paano mo nalaman?" She asked.
"Internet." I replied.
"Do you want to talk to him?" Tanong ulit ni Khal.
Umiling ako. "I just want to know if he is okay."
"Allie, bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo?" Bumuntong hininga ni Khal.
"She has a girlfriend now..." I murmured.
"Hindi ka naman updated, ano?! Well, hindi ko kilala yung Camilla. I haven't met her." She shrugged.
"Huwag mo na lang sabihin na nakibalita ako. See you soon Khal."
"See you soon."

"Bakit ka umiiyak?" Napatingin ako sa pintuan. Nakatayo doon si Saint at may dalang kape.
Inabot nito ang kape sa akin.
"Wala. Namimiss ko lang si Khal." I replied.
Tiningnan ako ni Saint na para akong isang batang nahuling nagsisinungalin.
"Meron bang nakapagsabi sayo na hindi ka marunong magsinungaling?" Tanong nito.
"Madami na." Flat na sagot ko.
"Iniistalk mo na naman ang pinsan ni Khaleesi." He stated.
Hindi ko siya sinagot.
"Ano na naman ang nangyari bakit natulo ang uhog mo?"
"Naaksidente siya." I replied. Sa sobrang daldal ni Melba, nalaman tuloy ni Saint ang pagbabasa ko ng football news.
"Ahhh..." Tumango-tangong sagot nito. Humigop ng sarili nyang kape.
"Bakit nandito ka na naman sa shop ko?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"Mabango dito eh, amoy bulaklak. Amoy anti-septic ang shop ko." He replied.

Natahimik na naman kami ni Saint.

"Mahirap talagang magmahal ng mayaman." Saint said after a while.
"True to life story mo ba yan?" Biro ko.
"Yup..." Sagot nito.
"Ano pangalan niya?" I asked.
Matagal bago sumagot si Saint. "Cami."

Hindi ko expertise ang panggagamot, si Beth ang may talent nun. Pero kaya kong pag-aralan. Dahil sa nangyari noon na pagtakas ni Beth dahil sa pagliligtas namin kay Zoey, hindi na siya makakalabas ng Kalinga ng hindi kami tatagain ng tatay niya. So I need to do this to help Carlos.

"Beth."
"Allison, napatawag ka." Bulong nito.
"Bakit ka bumubulong?"
"Nandito si tatay. Papagalitan na naman ako kapag nalaman magkausap tayo." Sagot niya. Wanted din ako kay Uncle.
"Napatawag ka?" Tanong nito.
"Kailangan ko ng tulong mo."
"Hindi pwede. Alam mong hindi na ako makapunta kahit sa palengke ng ako lang." Sagot nito.
"Hindi... hindi iyon. Kailangan kong matutunang manggamot."
Hindi kumibo si Beth.
"Sino na naman ang ililigtas mo?"
"Si Carlos." I replied. Napasinghap si Beth.
"Ano ang nangyari?" Tanong niya. Kaya ikinuwento ko ang nangyari kay Carlos.
"Hindi madaling manggamot Allie. Pero kung doon ka lang magfofocus sa injury nya, kaya mong matutunan..." Sagot ni Beth. Tinuruan nya ako kung ano ang gagawin. Kung ano ang sasabihin... Anong langis ang ilalagay.
"Tawagan mo ako kapag nalilito ka." Bilin pa ni Beth bago niya patayin ang tawag ko.

After a week, tinawagan ako ni Zoey for my gown fitting. Kailangan ko na daw pumunta ng Country Club. Bago ako pumunta sa kanila, inayos ko muna ang mga paninda ko. Dinagdagan ko ang stocks namin. Si Melba na ang bahala sa shop. May tiwala naman ako sa kanya. Binilin ko na din kay Saint na tingnan-tingnan ang shop ko.

Kabado akong nagmaneho papuntang Tagaytay. Makikita ko na si Carlos at hindi ko alam ang gagawin ko.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon