"Everything starts with a connection. Connection which you can call, FRIENDSH*T." - Author
"Okay, class dismiss." Pagkasabi na pagkasabi nun ni Miss Dimabali ay mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng classroom ng may malawak na ngiti sa aking labi. Lunch break na at balak kong mangkota ng libreng pagkain. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko ng maramdaman ang gutom pero napahinto ako ng may humatak sa backpack ko. Agad akong napasimangot.
"Hindi ko alam kung gutom ka lang ba talaga kaya mo ako nakalimutan o gutom ka nga at the same time ay hindi makatiis na hindi makita si Sherson." napasinghap ako ng malakas niyang hinila ang backpack ko at naglakad papunta sa harapan ko. Tinaasan niya ako ng nagmamaldita niyang kilay dahilan na mas lalo akong napasimangot.
"Lumalawak na naman yung imagination mo, Eiko. Alam mo, gutom lang yan kaya tara sa canteen. Bili tayo ng pagkain." inakbayan ko siya at kinaladkad na lamang papuntang canteen. Pero mabilis siyang kumalas sa pagkakaakbay ko at muli akong sinamaan ng tingin kaya napakamot na lamang ako ng ulo ko.
"Shet, Mari. Tao ka pa ba?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Bakit? May nakita ka bang buntot sa pwet ko? Pakpak sa likod ko?" sarcastic kong tanong sa kanya. Napailing siya habang pinasadahan na naman ako ng tingin. Araw-araw naman niya itong ginagawa eh. Kesyo nakakaloka raw ang outfit ko at palala ng palala araw-araw. Eh kung tutuusin, pare pareho namang uniform ang suot namin.
"Aray! Kailangan talaga manabunot?" singhal ko sa kanya habang inaayos ang buhok kong sinabunutan niya. Ngumiwi siya sakin.
"Girl, wala ka man lang bang suklay?"
"Meron."
"Eh bakit di mo gamitin?! Jusku naman! Tingnan mo nga yung buhok mo! Nagmumukha ng pugad ng ibon sa sobrang messy! Nakakaloka ka! Kaya hindi ka magustuhan ni Sherson dahil sa napakaburara mo."
"Wala akong pake. Eh sa rito ako comfortable eh. Nakakahassle kung magsusuklay pa ako. Okay naman ang pagkaka-bun ko sa buhok ko diba?"
"Hindi rin." Kahit kailan talaga ay ang sarap tahiin ng bunganga ng babaeng ito. Parating honest eh. Tapos walang preno pa talaga.
"Atsaka, bakit ba pinipilit mong may pag-asang magustuhan ako ni Sherson? Ni ako hindi pumasok sa isip ko ang ideyang yan eh." nag-umpisa na akong maglakad.
"Ni minsan hindi talaga?"
"Hindi nga!"
"Eh bakit nakayuko ka habang nilalaro ang strap ng backpack mo? Guilty ka?" Napatigil naman ako sa paglalaro ng strap ng backpack ko.
"Sus! Indenial ang loka. Don't worry. Sekretong malupit natin to. Tikom ang bibig ko tungkol dito." kunwari ay zinipperan pa niya ang bibig niya at ngumisi sakin.
"Eiko."
"Hmm?"
"Pwedeng pasapak?" Seryoso kong sabi sa kanya. Napakurap naman siya ng ilang beses bago dineretso ang tingin sa daan.
"Ah! Sina Sherson oh! Sherson! Yuhan!" Mabilis namang nalipat ang atensyon ko sa pangalang sinigaw niya. Awtomatikong umangat ang dulo ng labi ko ng makita ang mukha niyang biglang bumusangot ng makita ako. Hindi ko napigilang mapatalon kasabay ng pagsigaw ng pangalan niya na may kasamang pagkaway.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be caught. To love and to be love back. And to go back from the start to experience it again and again. If you w...