"You can hide it with a smile but the pain will stay. Continue on tearing you apart." - Author
"Kanina ka pa tahimik simula ng bumalik ka galing ng banyo ah. May nangyari ba?" Tanong sakin ni Eiko habang naglalakad kami sa hallway kasabay ang iba pang mga estudyanteng nanuod din ng laro."Uy! May problema ka ba?" napabuntong hininga na lamang ako at itinuon ang tingin sa harapan.
"Wala." Walang gana kong sagot sa kanya. Pakiramdam ko ay may mabigat na pinapasan na mas lalong nagpapalugmok sakin. Na para bang naubos na ang lahat ng lakas ko at konting-konti na lang ay masusubsob na ako sa hallway na nilalakaran namin. Muli akong napabuntong hininga ng maramdaman ang unti-unti na namang pamimigat at paninikip ng dibdib ko.
"Ang hirap huminga."
"Bakit? Nasosocofucate ka ba?" napalingon ako sa kanya dahil sa tinanong niya at ngumiti na lamang.
"Sobra." Tumigil siya sa paglalakad at kunot-noo akong tinignan na para bang inoobserbahan ako.
"Dala mo ba yung gamot mo?" nag-aalalang tanong niya. Tinawanan ko lang siya at inakbayan.
"Ano ka ba, hindi ako kumain ng hipon kanina no." Sagot ko sa kanya at hinila siya.
"Pero sabi mo nahihirapan kang huminga?! Naku naman, Mari ha! Baka pumuslit ka ng hipon kanina at inaatake ka na naman ng allergy mo!" Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya bago umiling kanya.
"Promise! Hindi talaga hipon ang dahilan."
"Eh ano?" nagkibit balikat lang ako at ngumiti ng sobrang tamis sa at nauna ng maglakas sa kanya. Mabilis naman niya akong nahabol.
"If you're not feeling well, sabihin mo agad sakin ha. Baka bigla ka na lang himatayin jan."
"Nah. Trust me, that's not gonna happen." Sagot ko na lang sa kanya at akmang tatakbo ulit ng may biglang humarang sa harapan ko. Napakurap pa ako dahil sa gulat ng bigla itong ngumiti sakin habang tagaktak ang pawis na tumutulo sa katawan niya at hinihingal pa. Sigurado akong hindi dahil sa laro kanina kundi dahil sa tumakbo ito.
"I'm Luke." Muli akong napakurap at napatingin sa nakalahad niyang kamay sa harapan ko. Napaubo pa ako dahil sa biglang pagsiko sakin ni Eiko mula sa likod.
"A-ah.." palipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa kamay niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko. May sa iaangat ko ang kamay ko tapos muli ring ibababa yun. Tatanggapin ko ba o hindi? Nagulat ako at napaangat ng tingin sa lalaking nagpakilalang Luke sakin ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Mas lalong lumaki ang ngiti niya at naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa kamaya ko.
"Nice to finally meet you this close, Mari." nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsambit niya ng pangalan ko.
"Paanong..."
"Your ID." Kaagad na sagot niya kaya napayuko ako at napatingin sa ID ko.
Oo nga naman. Talagang malalaman niya ang pangalan ko kasi mababasa niya yun sa ID ko. Pero teka!
"Nice to finally meet me? This close?" naguguluhang tanong ko sa kanya pero muli lang siyang ngumiti sakin.
"Friend, yung kamay niyo. Nagglue na yata." Mahinang bulong sakin ni Eiko na may kasamang hagikhik pa at sundot sa bewang ko kaya napapiksi ako. Sasapakin ko sana ang mahadera kong kaibigan pero hindi ko makuha ang kamay ko kasi hinahawakan pa rin ito ni Luke. Sinubukan kong bitawan ang kamay niya pero hindi ito gumalaw. Nakatingin pa rin ito sakin hawak pa rin ang kamay ko. Na para bang wala itong balak na bitawan ako.
Sh*t! Mukhang tama nga si Eiko. Nagglue na yata ang kamay namin.
"Ahm.. Yung--- Ay! Kabute!" Nagulat ako ng may biglang humila ng backpack ko mula sa likuran. Muntik pa nga akong matumba dahil sa biglaang pagbitaw ni Luke sa kamay ko. Mabuti na lang at may nasandalan akong matigas na bagay. Ay mali. Hindi pala bagay, kundi tao. Sa amoy palang niya ay kilala ko na siya. Inangat ko ang ulo ko para makita siya. Pero mabilis niya akong pinigilan at tinukod ang kamay niya sa ulo ko kaya wala akong nagawa kundi ang mapayuko. Ang bigat naman kasi ng kamay niya!
"Oh! Hi, Sherson! Congratulations pala sa inyo! Naks! Ang galing niyo kanina ah! And take note! Nakatanggap ka pa ng reward!" bulalas niya Eiko dahilan na matigilan ako.
Bwiset! Reward ba tawag dun?! Eh dumikit na yun sa bibig ni Vernon eh!
"Susme! Kadiri kaya!" Hindi ko napigilang ibulalas kaya mas lalo niyang pinabigat ang kamay niya sa ulo ko dahilan na mas lalo akong mapayuko. Tangna! Ang sakit sa leeg! Malakas kong hinampas ang kamay niya dahilan na mabitawan niya ako. Sinamaan niya ako ng tingin bago humarap kay Luke.
"May kailangan ka ba, Loyzaga?" maangas niyang tanong kay Luke na sa ngayon ay seryoso ng nakatingin kay Sherson.Pagkatapos ay nilingon ako at agad na ngumiti sakin. Nanlaki ang mga mata ko.
Whoa! Anong trip ng isang to?!
"Aray!" bulalas ko ng bigla na lamang akong akbayan ni Sherson na may kasamang sakal sakin gamit ang braso niya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
Narinig kong napabuntong hininga si Luke kaya napalingon ako sa kanya. Pero ang bwiset na Sherson! Hinigpitan ang pagkakasakal sakin kaya napaubo ako ng wala sa oras. G*go talaga.
"I guess this a goodbye for now. See you when I see you, Mari." Sabi niya sakin.
"Huh? Ah!" Hindi ko na nakita pa ang pag-alis ni Luke sa harapan namin dahil sa pinayuko ako ni Sherson na may kasamang panggigigil kaya napasigaw ako. Ang magaling ko namang kaibigan ay hindi man lang nag-abalang tulungan ako. Imbes ay tawa lang siya ng tawa na para bang nanunuod ng live comedy show!
"Puteks ka, Sherson! Ano bang problema mo?! Aray!" Sigaw ko ng pitikin niya ang noo ko ng ubod na lakas. Mangiyak-iyak ko siyang sinamaan ng tingin. Masakit kaya!
"Sabi mo hindi mo kilala yung Loyzaga na yun! Bakit nahuli kitang kaholding hands yung talunan na yun?! Isusumbong talaga kita sa kuya mo. Tingnan natin kung hindi yun mabalian ng buto."
"Nakipagkilala lang naman yung tao eh." naiinis kong sagot sa kanya habang hinihimas ang nasaktan kong noo. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Sige, magpalusot ka pa."
"Paki mo ba?! Hindi naman kita boyfriend pero kung makapagreact ka, daig mo pa ang isang possessive ah!" Panandalian siyang natigilan at tinignan ako ng matagal. Maya-maya ay itinapon sakin ang varsity jacket niya dahilan na matabunan nito ang paningin ko.
"Wag kang mag-assume. Masasaktan ka lang."
Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan ngayon.
Tumahimik na lamang ako sa sinabi niya at hinayaan ang varsity jacket niya na tabunan ang mukha ko. Atleast maitatago nun ang reaksyon ko ngayon. Maitatago nun ang sakit sa mga mata ko at ilang butil na luhang kumawala sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be caught. To love and to be love back. And to go back from the start to experience it again and again. If you w...