"Smile on her lips but pain on her eyes." - Author
"Diba may laro sina Sherson ngayon?" napatigil ako sa pagsusulat at nilingon si Eiko na nasa tabi ko. Tumigil din siya sa pagsusulat at nilingon ako."Nuod tayo." halatang excited na sabi niya.? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kailan ba ako umabsent sa laro nila?" sarcastic kong sagot sa kanya. Natawa na lang siya at napailing bago muling nagsulat.
"Sabi ko nga." napailing lang din ako at ipinagpatuloy na rin ang pagsusulat. Pasimple kong sinulyapan ang relo ko at napangiti ng makitang 10 minutes na lang at dismissal na. Half day lang kasi ang klase namin ngayon dahil sa may laro ang basketball players laban sa kabilang school mamayang 1:00. Heroll University yata yung name? Hindi ko lang matandaan.
Nang matapos na ang klase namin ay mabilis kong inayos ang gamit ko at ipinasok yun sa loob ng bag ko.
"Lunch muna tayo?" napasimangot ako sa suhestyon ni Eiko.
"Samahan na lang kita. Busog pa kasi ako." Sabi ko sa kanya. Nakakain na kasi ako kaninang mga 11. Pasimple nga lang para hindi mahalata ng prof namin habang nagkaklase kami. Ginutom kasi ako ng bongga kaya wala akong choice kundi ang kumain ng patago.
"Ayusin mo kaya muna yang buhok mo?" Bigla niyang sabi kaya agad akong napahawak sa buhok kong nakabun. Ngumisi lang ako sa kanya ng maramdamang magulo ito kaya nakatanggap ako ng irap sa kanya.
"Tch. Oo na! Aayusin ko na. Cr lang ako." Paalam ko sa kanya at tumayo na. Habang naglalakad patungong cr ay hindi ko na napigilan pang alisin ang pantali ko dahil sa talagang sobrang gulo na ng buhok ko. Napangiti ako at hindi ko mapigilang paglaruan ang buhok kong naging kulot na.
I brush it using my fingers at mas lalo akong napangiti ng wala man lang sabit. Pero agad ko rin yung pinonytail ng makita ang ibang mga schoolmates kong naglabasan sa kani-kanilang mga classroom. Nakakahiya kasi. Baka mapagkamalan pa nila akong mambabarang dahil sa gulo ng buhok ko.
Mas binilisan ko na lang paglalakad papuntang cr at ng makarating na ako dun ay agad kong ni-lock yung pinto. Pero mukhang malas yata ako ngayong araw na 'to. Kasi habang sinusuklay ko yung buhok ko ay bigla na lamang lumabas sa isang cubicle si Lessy. Pareho kaming natigilan ng makita ang isa't isa sa repleksyon ng salamin.
"Well, well, well. Look who's here." pagpaparinig niya sakin pero hindi ko siya pinansin. Binilisan ko na lang angpagsusuklay ng buhok ko at ibinalik ang suklay ko sa bag. Tumaas kilay ko ng makitang inilabas niya ang lipstick niya at inapply yun sa nguso niya. Ngumiwi ako. Sobra kasing pula. Mas nagmumukha siyang pokpok kaysa sa isang college student. Napailing na lamang ako at nauna ng lumabas sa kanya. Mahirap na at baka masoffucate ako sa loob.
Hindi na ako nag-abala pang i-bun ang buhok ko at nakuntento na lang sa pagtirintas nito sa left side ng leeg ko. Dumiretso na ako ng gym dahil sa nagtext sakin si Eiko na nadun na raw siya. Pagpasok na pagpasok ko ay halos yumanig ang buong gym dahil sa sobrang lakas ng ingay ng mga estudyante. Nasa bandang kaliwa yung H.U. at nasa kanan naman ang mga schoolmates ko. Sa bandang gitna naman ay kaunti lang ang mga estudyanteng nandun at isa na dun si Eiko na kumaway sakin kaya mabilis ko siyang nakita. Akmang aakyat na ako ng bleachers ng may pumigil sakin. Nang lingunin ko ay mukha agad ni Yuhan ang sumalubong sakin.
"Bakit?"
"Tawag ka ni Sherson." Agad kong sinilip si Sherson at nakita kong magkasalubong na naman ang mga kilay nito habang nakatingin sa kabilang court kung nasaan nagse-stretching ang players ng H.U.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong ko kay Yuhan at sumunod na sa kanya pabalik sa mga kasamahan niya. Agad akong lumapit kay Sherson at kinalabit ito. Mabilis naman niya akong nilingon.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be caught. To love and to be love back. And to go back from the start to experience it again and again. If you w...