DREAM#7

426 100 14
                                    

"It doesn't mean that if you're SPECIAL, you are already IRREPLACEABLE." - Author


Alam niyo ba yung feeling na habang nanunuod ka ng larong basketball ay bumibilis din ang tibok ng puso mo? Hindi dahil nasestress ka na baka malamangan ng ibang team ang team na bet ba bet mo ah. Kundi dahil sa iisang taong sinusundan ng dalawa mong mga taksil na mga mata na kahit anong gawin mong pagtitig sa ibang players ay bumabalik pa rin sa KANIYA.

"Alonzo shoot and... No basket." Pagkasabi na pagkasabi ng announcer ay agad na nagtalunan ang mga players na nasa ilalim ng ding para makauna sa pagkuha ng bola. Todo hiyaw na agad ang mga tao ng...

"REBOOOOOOUUUND!!!!"

Mas lalong nagwala ang mga schoolmates ko ng biglang may sumalo ng bola. Napangiti na lamang ako. Lalo na nung binanggit ng announcer ang numero sa likod ng jersey niya.

"Rebound by number 7 and shoooot!" and again, naghiyawan na naman ang mga tao.

"Grabe! Ang bilis talaga ng reflexes ni Sherson. No wonder na mananalo na naman tayo this time." Tuwang-tuwang sabi sakin ni Eiko kaya napatango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Sana ganun din siya kabilis magpick up at makahalatang ginagago lang siya ng ibang tao at ginagamit."

"Ha? Ano yun?!" Tanong niya sakin pero nginitian ko lang siya at nagpaalam.

"CR muna ako!" Sabi ko sa kanya at tumayo na ng pigilan niya ako.

"Saan ka dadaan? Sa exit dito sa baba? Edi lulusot ka sa mismong labas ng building. Iikot ka pa?"

"Alangalan namang makipagsiksikan ako dun sa pinto ng gym diba. Ang dami ng tao sa bleachers. Hindi na ako makadaan pa ng maayos." Paliwanag ko sa kanya. Sumimangot na lamang siya.

"Bumalik ka kaagad ha!"

"Oo. Babalik agad ako!" Sagot ko sa kanya at nag-excuse sa ibang mga estudyanteng nadaanan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako ng gym at malanghap ang malamig na hangin mula sa labas ng gym.

Sa education building na lamang ako dumiretso dahil sa yun na lang building na malapit sa exit ng gym na dinaanan ko. Walang masyadong estudyante sa hallway pero may mangilan-ngilan na nasa loob ng kani-kanilang mga classroom. At halos lahat ay by partners. Puteks! Ginrab talaga ng mga love birds ang opportunity nilang magdate ngayong araw dahil sa lahat ng mga prof ay nasa gym. Naku naman.

Napailing na lamang ako at dumiretso na lamang ng banyo para umihi. Nang matapos na ay bumalik na rin agad ako sa gym. Malapit na ako sa exit ng gym ng may makita akong dalawang pamilyar na tao. Nagngitngit ang kalooban ko habang nakatingin sa dalawang hudas na naglalaplapan ngayon malapit sa exit door.

Ang kakapal talaga ng mga mukha. Sa dinami-rami ng lugar kung saan sila maglampungan ay malapit pa talaga sa exit door ng gym?!

Hindi ko mapigilang matawa ng puno ng sarkasmo ng tapusin nila ang nakakasukang eksena nila sa harapan ko ng isang french kiss at malanding tawa. Ang sarap talagang ingudngod ang pagmumukha ng babaeng to sa semento ng maging manipis naman kahit papaano.

Nang makita kong naunang pumasok si Lessy pabalik sa loob ng gym ay agad ko siyang sinundan pero mabilis akong napigilan ni Vernon at hinarangan ako ng may nakakairitang ngisi sa mga labi niya.

Marahas kong pinalis ang kamay niya sa braso ko at pinanliitan siya ng mga mata.

"Ang bababoy niyo! Dito pa talaga?!" Puno ng pandidiring sabi ko sa kanya. Mas lalo lamang lumaki ang ngisi niya at pinaglaruan ang namumula at namamaga niyang labi dahil sa halikang ginawa nila ni Lessy kanina.

"Why? You want to try?" nakakalokong tanong niya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Ang g*gong to! Asa naman siyang papatulan ko siya!

Bigla siyang pumitik sa ere na para bang may bigla siyang naalala habang nakatingin sakin.

"Oh! I remembered! Wala ka pa palang experience! Want me to teach you to be wild, little kitten?" umismid ako sabay tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"No, thank you! Tabi nga!" Malakas ko siyamg tinulak at pumasok na ng bigla na naman siyang nagsalita.

"What? Gusto mong ang Sherson na yun ang tumuro sayo?" sarcastic na tanong niya na ikinatigil ko. Mabilis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin pero tinawanan lang niya ako.

"Believe me, Mari. Mabobored ka lang sa lalaking yon." dugtong pa niya.

"And do you think hindi ako mabobored sayo?" gatong ko sa sinabi niya na ikinangisi niya. Ang sarap talagang punitin ng labi niyang yun.

"Definitely not, my little kitten." Sagot niya sakin. Natawa ako ng puno ng pagkasarkastiko at mataman siyang tinignan at napailing na lang.

"I doubt that, Vernon. Dahil pagmumukha mo palang, hindi na ako satisfied." Sabi ko sa kanya at tuluyan na siyang iniwanan.

Ha! Anong akala niya sakin? Cheap kagaya ng makating Lessy na yun?!

And speaking of malanding babaeng yun. Nasaan na kaya yun at nang masapak ko yung makasalanan niyang bunganga.

Nakipagsiksikan ako sa ibang mga estudyanteng nakatayo sa hagdan para makadaan at nagpalinga-linga para hanapin si Lessy. Kaya niyang magsinungaling sa harap ni Sherson pero hindi oobra sakin ang style niyang yun.

Humanda talaga siya sakin pag nakita ko siya. Kalalbuhin ko talaga siya ng bonggang-bongga! Yung feeling na mauubos ko lahat ng buhok niya!

Wala siyang karapatan na paglaruan si Sherson. Lalo na ang feelings nito sa kanya.

"LESSY!" Sigaw ko ng ubod na lakas ng makita siya. Nasa kabilang side ng gym siya kaya hindi ako makalapit sa kanya. Nakita kong napatingin siya sakin at ngumisi pa. Mas lalong nagngitngit ang kalooban ko. Ang kapal ng pagmumukha niya. Nagagawa pa talaga niyang ngumiti kahit na may kamalamalahan ng ginawa kani-kanina lang.

Biglang pumito ang referee. Tanda na tapos na ang laro. Nag-umpisa ng magkagulo ang mga estudyante. Yung iba ay tumayo na at lumabas ng gym. May iba namang nagpaiwan pa.

Ikinuyom ko ang kamao ko ng makitang bumaba ng bleachers si Lessy papunta kina Sherson na ngayon ay nagsasayahan kasama ang iba niyang mga teammates.

"Humanda ka sa'king malandi ka." nanggigigil na bulong ko at nag-umpisa ng magmartsa sa gitna ng court para mabilis akong makarating sa kinaroroonan nila.

Muling nagsalubong ang mga tingin naming dalawa pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Sherson bago muling bumalik sakin at kinagat ang ibabang labi niya.

Ptanginang babae. Ang kapal talaga ng mukha. May plano pa yatang lumapit kay Sherson. Mas binilisan ko pa ang paghakbang ko papalapit sa kinaroroonan nila. Hindi ako makakapayag na magawa niya ang binabalak niya. Pipigilan ko siya.

"SHE/SHERSON!" Halos sabay naming sigaw. Napamura ako ng makitang lumingon sa kanya si Sherson kaya wala na akong choice kundi ang tumakbo. Lalo na ng makitang lumapit ito sa kanya ng may ngiti sa labi niya.

Pero napatigil ako sa pagtakbo ng makita sa sumunod na nangyari. Halos tumigil ang lahat sakin at ang kaninang ingay ay bigla na lamang humupa ng makitang mabilis na hinila ni Lessy si Sherson at hinalikan sa labi.

Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko at biglang sumikip ang dibdib ko. Lalo na ng makita ang matamis na ngiti sa labi niya ng lumayo na si Lessy sa kanya.

Siguro para sa kanya ay isang napakagandang panaginip yun na nagkatotoo. Pero para sakin ay isa yung bangungot na paniguradong hihila sakin hanggang sa tuluyan na akong bumagsak at mawasak.

Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon