"The magic word is not "I promise" but "I'll fight for you."." - Author
"Are you ready?" nakangiting tanong sakin ni Eiko habang inaayos ang suot niyang life jacket. Tumango naman ako bilang sagot. Nandito kami ngayon sa dalampasigan habang hinihintay sina Sherson at Yuhan na ihanda ang jetski na sasakyan namin. It is my third day in the resort and Sherson suggested that we should have some fun. Total ay natapos ko na naman ang article na sinulat ko at napasa na kay Miss Alendro together with the pictures that I took. Kaya heto ako ngayon, nakasuot ng two piece kong hindi ko alam kung saan nanggaling. Basta pagbukas ko na lang ng bag ko ay nakita ko na ito. Mukhang naipuslit ito ni Charm noong nag-aayos ako ng mga gamit ko.
It was a simple mint colored two piece and I'm very thankful na hindi siya ganon kasexy tignan. Hindi kasi ako sanay na magbalandra ng balat ko kaya pinatungan ko ito ngayon ng medyo malaking puting T-shirt na umabot sa gitna ng hita ko at sumuot na rin ng short.
"Babe!" sabay kaming napalingon ni Eiko ng marinig ang matinis na boses ng isang babae. Hindi ko alam pero bigla na lamang nangati ang palad ko ng makita si Lessy na naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin ngayon. She's wearing a yellow two piece that is really too revealing. Kaagad akong ngumiwi. Para kasing isang baklas lang ng tube top niya ay makikitaan na siya.
"Damn! Hindi pa pala nakakaalis ang sea creature na 'to dito?" narinig kong bulong ni Eiko. Mahahalata ang disgusto sa boses nito lalo na ng makitang lumapit si Lessy kay Sherson at kaagad na yumapos sa likuran nito. Wala sa sariling naipatunog ko ang mga daliri ko. Hindi masyadong mainit ang panahon pero pakiramdam ko ay anytime soon ay sasabog na ako. Lalo na ng makita ang pagdiin nito ng boobs niya sa malapad na likuran ni Sherson bago ako tinapunan ng tingin at ngumisi sakin.
"Lessy? What are you doing here?" nagtatakang tanong sa kanya ni Sherson at nilingon siya nito. Ngumiti naman ng sobrang sagwa si Lessy at mas lalo pang ipiagdiinan ang ipinagamalaki niya kay Sherson.
Nanliit ang mga mata ko. Aba! Aba! naghahanap yata ng kaaway ang dugong na 'to? Akala naman niya ay magpapatalo ako.
"Take it off! Take it off!" napalingon ako kay Eiko dahil sa biglang isinigaw niya.
"Come on, Mari. We're going to have fun. This is a beach so you have to take your shirt off." sulsol pa niya kaya kaagad akong napatingin sa T-shirt na suot ko. Nagdadalawang-isip kung huhubarin ko ba yun. Pero sa huli ay napagdesisyunan kong hubarin na lang yun kasi mababasa din naman ako mamaya. Hinawakan ko ang laylayan ng suot ko at kaagad yung hinubad. Kaagad kong narinig ang nanunudyong tinig ni Eiko at akmang huhubarin na rin sana ang short na suot ko nang may biglang pumulupot na tela sa katawan ko.
Doon ko lang narealize na nasa harapan ko na si Sherson at siya ang nagpulupot ng malong sa katawan ko. Teka, saan nanggaling ang malong?
"Damn it, Mari! Why the hell did you take your clothes off?!" madalim ang mikhang tanong niya sakin at pilit na inaayos ang malong para matakpan ang katawan ko. Natigilan ako ng masalubong ko na naman ang mga mata niya. Wala sa sariling napalunok ako ng maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Our faces are few inches apart and I swear! Nakakapanghina ng tuhod ang kagwapuhang taglay niya. I can smell his minty breathe and its making the butterflies in my stomach gone wild even more. Bago pa ako mawala sa huwisyo ng tuluyan ay nagsalita na ako.
"P-pero mababasa din naman ako mamaya eh." okay, that was a very lame answer Mari.
"And so? You don't have to take your clothes off! Damn!" naiiritang saad niya kaya nakaramdam ako ng kaonting sakit. Ganun ba talaga kapangit ang katawan ko para hindi pwedeng ibalandra? Pero bakit yung iba, kahit nakikita ang mga bilbil nila okay lang. Proud na proud pa nga silang rumampa eh. Eh ako? Wala naman akong bilbil, medyo may shape din naman ang katawan ko sabi nina Charm at Jinny. Ang mga baby hills ko lang talaga ang problema kasi hindi sila gaanong kalakihan.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be caught. To love and to be love back. And to go back from the start to experience it again and again. If you w...