"Some memories can be forgotten. And some are just can't." - Author
"Picturan mo ko dali!" Utos ko sa kanya at mabilis na lumapit sa tabi ng mascot na si Jollibee. Todo ang ngiti ko at nagpose pa ako pero ang langya. Inirapan lang ako at saka tinalikuran. Napapadyak na lamang ako dahil sa inis."Pambihira! Napaka-kj talaga niya kahit kailan." naiinis na bulong ko. Tumakbo na lamang ako para sundan siya at sumabay sa lakad niya. Nilingon naman niya ako kaya sinimangutan ko siya. Nagtatampo pa rin ako sa kanya. Minsan lang naman ako magpapapicture sa kanya eh. Tapos ang tamad-tamad pa niya. Samantalang kanina pa akong nagsisilbing photographer niya roon kanina sa men's clothing. Bawat damit na itatry niya, irarampa niya sa harapan ko. Nakakaloka siya! Hindi ba niya alam kung gaano ka laking destruction yun sa sistema ko?!
Oo at hindi ko feel ang maglaway sa mga abs na kinaabaliwan ni Eiko at mas lalong wala iyong impact sakin. Pero bakit pag itong lalaki na ito ang nasa harapan ko, kahit naka three-fourth shirt na nga, kaya pa ring windangin ang sistema ko. Lalo na itong puso ko na hindi ko alam kung normal lang ba ang pagbilis ng tibok nito o magkakasakit na ako sa puso!
Feeling ko ay napuno na ang memory ng cellphone ko sa mga stolen photos niya eh. Naku naman, malala na to!? Malala na ako!
"Hindi na maganda to."
"Anong binubulong-bulong mo jan?" kunot noong tanong niya sakin kaya agad akong napabalik sa realidad. Aish. Maloloka na talaga ako dahil sa lalaking to.
"Wala." pagsusungit ko sa kanya.
"Wala pero bakit may narinig ako?" Tanong pa niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Narinig mo naman pala eh. Bakit mo pa tinatanong?" pagmamaldita ko sa kanya pero waley! Iniwas lang niya ang tingin niya sakin at hindi na ako pinansin. Napapadyak na lang ako sa inis at nanggigigil na inayos ang pagkakahawak sa mga paperbags na bitbit ko.
NapakaGENENTLEMAN niya talaga. Sobra! Gamit na nga niya ang binili namin, ako pa ang pinagdala ng lahat-lahat! Susme! Ano ba ang nagustuhan ko sa lalaking to?! Nabagok yata ang ulo ko eh.
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansing tumigil siya sa harap ng isang accessories store.
"May bibilhin ka ba rito?" Tanong ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at tinignan ng medyo matagal kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
"B-bakit?" Medyo naiilang kong tanong sa kanya. Napakurap ako ng bigla siyang ngumiti sakin at inakbayan ako. Hindi agad ako nakapagreact at tila namanhid ang buong katawan ko. Tila gumapang ang kuryente sa buong katawan ko at diretso sa puso ko. Lalo na nung hinila niya ako papalapit sa kanya. Bago pa man ako tuluyang mawala sa huwisyo ko at mabingi sa lakas ng tibok ng puso ko ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya para sana alisin ang pagkakaakbay niya sakin. Hindi kasi makakabuti sakin yung ganitong closeness na halos wala ng space samin.
"A-ano na namang kahayupan to?! B-bitaw nga!" Halos magkandautal kong suway sa kanya at pilit na inaalis ang braso niya sa balikat ko. Feeling ko sasabog na ang mukha ko sa tindi ng init na nararamdaman ko dahil sa katarantaduhang hokage move ng lalaking to! Pero tangna! Hinuli lang niya ng ganun kadali ang kamay ko at idinala yun bandang kanang leeg ko. Kaya ang ending ay halos nakayakap na siya sakin! Afkfickcfned******! Ang puso ko!
"Wag ka ng magtanong. Samahan mo na lang ako. Tara." Tuwang-tuwang sabi pa niya at sinabay ako sa paglakad niya papasok ng accessories store. Nang makarating kami sa harap ng saleslady ay dun lang niya ako pinakawalan. Mabilis naman akong lumayo sa kanya para kahit papaano ay kumalma naman ang nahihibang kong puso dahil sa katarantaduhang ginawa niya. Bwiset! Ayokong kiligin pero hindi ko mapigilan! Gago kasing Sherson eh!
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be caught. To love and to be love back. And to go back from the start to experience it again and again. If you w...