DREAM#17

402 49 0
                                    

"When you fall down, just stand up and don't just give up. In life, problems  may knock you down but there's nothing wrong in giving yourself an another shot. An another chance to start all over again." - Author

"Should I answer it, or not?"

"NO! definitely not!"

"YES! definitely yes!" sabay na sigaw sakin nina Jinny at Charm. Sabay silang napalingon sa isa't-isa at nagsukatan ng tingin.

"Charm!" may pagbabanta pang tawag niya sa pangalan ni Charm.

"What? There's nothing wrong with it. She'll just answer his call because of work, Jinny. Work!" sagot naman sa kanya ni Charm at umirap sa pa. Ako naman ay napahilamos na lang ng aking palad. Mas lalo akong nasestress sa dalawang to. Ako tong humihingi sa kanila ng tulong pero mukhang sila pa ang nangangailangan ng aawat sa kanila. Muling nagring ang cellphone ko at bumulaga sa screen nito ang unregistered number. Kahit hindi ko pa nasasagot ang tawag nito ay may pakiramdam na akong siya to. My instinct says so. In the end, I decided to get my phone and took a very deep breath first before answer the caller with my abnormal heartbeat and trembling hand.

"H-hello?" muntik pa ako mapaubo dahil sa sobrang dry ng lalamunan ko. I've been drinking a water for almost half an hour but still, my throat is dry. Mas lalo pa yatang lumala dahil sa tindi ng kaba ko na hindi ko maintindihan ko bakit ko nararamdaman.

[Hi.] I almost forgot to breathe when I heard his low and husky voice. Wala sa sariling napapikit ako at napalunok nang may biglang pumasok na iba't ibang senaryo sa isip ko. Everything is so fast that I can't cope up with it. Making me feel uncomfortable. Making my heart skip and my head ache. Then slowly, I saw someone. I can't see his face and only his smile. Slowly, his lips move as if he's saying something that I can't hear.

[Mari, are you still there?] mabilis akong napamulat nang muli kong marinig ang boses ni Sherson.

"A-a-ah, yes! Yes she--sir! Ahem!" nagkandautal-utal kong sagot sa kanya. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi dahil sa kapalpakang nagawa ko. Nang mapatingin ako kina Jinny at Charm ay pareho silang nakatingin sakin. Alanganin akong ngumiti sa kanilang dalawa. Para kasing mangangain ng tao si Jinny.

"I told you not to answer him!" she mouthed. Napasimangot naman ako.

[A-are you busy?"] tila may pag-alanganin nitong tanong sakin dahilan na mapakurap ako bago dahan-dahang umiling kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"H-hindi naman po sir.M-may kailan---"

"Anong hindi?! Baka nakakalimutan mo, friend. My fridge is empty and we don't have something to cook for our dinner." kumunot ang noo ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Charm. Maging si Jinny ay napakunot din ang noo at  napalingon sa kanya.

"So, problema ba namin yun?" sarkasitkong tanong nito sa kanya. Charm just smile while still looking at me.

"You promised, Mari. You will be the one who will cook our dinner. Syempre ikaw din dapat ang bumili ng mga ingredients." pareho kaming napanganga ni Jinny dahil sa biglaang ulat niya. 

"What the eff?! Seryoso ka?!" kaagad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa biglaang pagsigaw ko. Shet! Nakalimutan ko! Nasa kabilang linya parin pala si Sherson. Sheez!

"A-ahm, sir. Just a minute lang po muna. Ako na lang po ang tatawag sa inyo. Bye!" 

[What? Wai--] hindi ko na siya pinatapos pa at kaagad na pinatay ang tawag at tumayo saka hinarap si Charm. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Are you serious, Charm?" pagsisigurado ko sa sinabi niya. Mabilis naman siyang tumango sakin at kaagad na inilabas ang ATM niya. So, seryoso nga siya.

"Teka, sama ako!" biglang sabi ni Jinny na lalapit sakin nang bigla siyang hinila ni Charm.

Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon