DREAM#11

393 69 0
                                    

"Heartaches no more. Yet, destiny plays really unfair." - Author

"I know that style." Panandalian akong natigilan dahil sa sinabi ni Charm habang nakatuon ang mga mata sa buhok ko. Maya-maya ay unti-unti niyang tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad.

"Oh my God! Broken hearted ka na naman girl?!" bulalas niya na ikinaikot ng mga mata ko. Mabilis kong inabot ang tali ng buhok ko at hinila yun at hinayaang muling ilugay ang buhok ko.

"Wala kang pake." pagtataray ko sa kanya dahilan na matawa siya ng malakas.

"Omg! Anong wala akong pake? For your info, everything about you is may pake ako. What's the use of me, being your bbbbbbff for more than 10 years kung ipagsasawalang bahala na lang kita diba." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano na namang drama yan, Charm? Nakahithit ka na naman ba?" sarcastic kong tanong sa kanya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Akmang sasagot na siya nang bigla na lamang siyang tinulak paalis ng isa pang baliw sa harapan ng laptop niya.

"Mari, anyeong! Whoa! Ba't mo inalis ang pagkakatwintail ng hairlalu mo? Ang cute mo kaya tignan kapag ganun yung hairstyle mo." Mabilis na sabi niya na para bang hinahabol siya ng sampung aso.

"Geez, Jinny! Wala ka talagang manners. Kita mo namang nag-uusap pa kami diba?!" naiinis na bulyaw ni Charm kay Jinny na parang wala namang narinig dahil todo pa rin ang ngiti niya habang nakatingin sakin. Napailing na lamang ng makita ang pasimpleng pagtutulakan nila sa iisang silya.

Tss. Mga baliw talaga.

"Umuwi ka na kasi." Biglang sambit ni Charm na nagpatigil sakin. Nakatingin siya sakin ng seryoso ngayon na para bang tinitignan kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Being there doesn't help you at all. Nung una, pachill-chill lang tayo kasi nga wala ng problema. But then what? Your haven was once again became a mess. It's not a safe place anymore. Especially to your heart, Mari." I sighed.

"What do you want me to do then? Run away again? Charm, hindi ba pwedeng kahit ngayon lang, harapin ko na to? I'm tired of running away from my heartaches and pain. Just this once, can't I face it?" mahina kong tanong sa kanya. Pareho silang natigilang dalawa at napatingin sa isa't-isa. Na para bang nag-aalalangan pa silang suportahan ako sa desisyon ko. Napangiti na lamang ako.

"Don't worry, I'll be fine this time."

"That's the same words you said to us when Shannon break you apart." napalunok ako sa sinabi ni Jinny. She's always bubbly all the time but not this time. Mahahalata yun sa mga mata niya habang nakatingin sakin.

"This will be the last, Mari. Kapag nasaktan ka pa dito, kami na ang makikiusap sayong tama na." napahugot ako ng isang malalim na hininga bago tumango sa kanilang dalawa.

"Even without you two begging, I'll still do it."

Nagising ako dahil ingay ng tunog ng cellphone ko. Pikit-mata ko yung kinapa sa itaas ng mini-drawer na nasa tabi lang ng hinihigaan ko at pinilit na imulat ang mga mata ko. Parang biglang nawala ang antok ko ng makita ang pangalan na nasa screen ng cellphone. Mabilis akong napabangon at paulit-ulit na huminga ng malalim bago lumunok ng laway at sagutin yun.

"H-hello?" Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko at niyayakap ako ng kakaibang lamig ngayon dahil sa panginginig ng boses ko.

[Ate.]

Napaayos ako ng upo sa kama ng marinig ang boses ni Sean na sinundan ng sigaw ng isang pamilyar na boses na kilalang-kilala ko. Bigla akong kinabahan.

"Sean? Nasaan kayo ngayon? Si Sherson? Narininig ko ang boses niya. Ano bang nangyayari?!" Hindi mapakali kong tanong sa kanya. Lalo na ng muli ko na namang narinig ang boses ni Sherson.

Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon