DREAM#18

365 33 0
                                    

"It's difficult to pretend when you know the truth. And it's hard to smile and act as if you're not missing the old times when in fact, you badly want to turn back the time." - Author

Ako lang ba? Ako lang ba talaga ang nakakaramdam ng sobrang awkwardness sa pagitan naming dalawa ni Sherson o talagang ako lang yung nag-iisip na may something sa aming dalawa? Alam ko minsan may pagka-assumera ako pero nakakainis lang kasi parang wala lang sa kanya ang nangyari noong nakaraang gabi. He should feel awkward but he's acting the opposite. And when I say opposite, as in sobrang feeling fc na siya sakin na para bang sobrang tagal na naming magkakilala. Katulad ngayon.

"How come that you ended up as a writer?" tanong niya sakin pagkatapos ng interview portion ko sa Kenya. Ngayon naman ay ako ang hinahotseat niya. Lumunok muna ako ng laway ko at umayos na naman ng upo bago siya sinagot.

"B-because this is my dream?" gosh! I stuttered! Kaagad na kumunot ang noo niya at matagal akong tinignan dahilan na mapaiwas ako ng tingin. Nakakatense naman kasi ang mga titig niya. Nakakalunod and definitely dangerous. Lalo na sa puso kong tumatalon na naman sa tuwing nandyan siya.

"I thought your dream was to be my secretary." nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglang sinabi niya. Kaagad akong lumapit sa kanya at nangalumbaba sa mesa na nasa pagitan naming dalawa.

"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Imbes ay nginitian lang niya ako ng nakakalambot na naman niyang ngiti at ginulo ang buhok ko. Hindi ko maiwasang pamulahan. Heto na naman siya sa panggugulo ng sistema ko. Everytime he do that to me, I feel so happy for an unknown reason. Yung feeling na gustong-gusto ko yung ginagawa niya sakin. Hindi ko na maintindihan pa kung ano ang nangyayari sakin. It feels like someone is controlling my body every time that Sherson is around. Every time I saw him, I always feel the urge to call his name excitedly pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nga hindi ko naman siya ganun ka kilala. Minsan naman ay parang gusto ko siyang asarin o di kaya ay kulitin. Lalo na kung sobrang seryoso niya. Nababaliw na yata ako! 

"Sir..." 

"Its She for you, Mari." pagtatama niya sakin bago tumayo sa swivel chair niya at iniwan na naman akong nakatulala. Nang mahimasmasan na ako ay nilingon ko siya pero likod na lamang niya ang naabutan ko bago sumara ang pinto ng office niya. Napabuntong hininga na lamang ako at napakagat ng ibabang labi.

Isa pa ang pangalan na yun na gustong-gusto niyang itawag ko sa kanya. Every time na sasambitin ko yun, pakiramdam ko tinatawag ko ang taong mahal ko. And when I called him that, he always smile and when he smile, I'm afraid to admit that my heart is slowly melting when he do it while looking at  me. Ayokong umasa kasi ayokong masaktan. Natatakot ako lalo na't ngayon ko lang siya nakilala. I don't want to invest some feelings to someone kung alam kung wala din namang kasiguraduhang magiging masaya nga ako sa piling ng taong yun. Kaya habang maaga palang, gusto kong mawala na 'tong unti-unting umuusbong sa puso ko para sa kanya.

Muli na lamang akong napabuntong hininga at sumubsob sa lamesa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim para kahit papaano ay kumalma itong tibok ng puso ko.

I don't want to fall for him so please, calm down and relax. Don't beat so fast like that.

"Don't love him more." mahinang usal ko bago tuluyang makatulog. Nang magising ako ay nakahiga na ako sa isang hindi pamilyar na silid. Napakurap ako ng mapansin ang disenyo sa dingding na kulay itim at puti pagkatapos kulay asul na ang kisame. Hindi ko mapigilang mapangiti at mayakap ng husto ang malambot na bagay na yakap-yakap ko at mas lalo pa akong napangiti ng mapagtanto kung ano yun. 

Gosh! Its Stitch! 

Hindi ko napiligilang panggigilan yun at inamoy-amoy pa yun. Shet! Amoy Sherson! Kaya pala ang himbing ng tulog ko. Muli ko  na lamang ipinikit ang mga mata ko at tumagilid ng higa sa bandang kanan para muling matulog nang may maramdaman akong mainit na hangin na tumama sa mukha ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang natutulog na mukha ni Sherson. Our faces were too close! Too close that it's making my heart gone wild again. Ni hindi ko magawang kumurap habang nakatingin pa rin sa maamo niyang mukha. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko at napayakap ng mahigpit kay Stitch na nagsisilbi ngayong harang sa pagitan naming dalawa. 

Kahit natutulog, sobrang gwapo pa rin. Nakakainggit ang mukha niya. Ni wala man lang kahit isang pimple. Sobrang kinis. Tapos ang tangos pa ng ilong. Ang sarap inose-to-nose! And the lips. Hindi ko maiwasang mapalunok habang nakatingin pa rin sa mapupula niyang labi. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang gumalaw. Akala ko ay magigising siya pero hindi. Umusog lang naman siya sakin at hinila ako papalapit sa kanya. Mas lalong nagwala ang puso ko at nag-init ang pisngi ko. Oh my God! Hindi na to normal! Iba na to! Akmang lalayo ako sa kanya dahil sa naiipit na talaga si Stitch sa gitna naming dalawa nang magsalita siya.

"Mari..." natigilan ako at napatingin sa kanya. Nakapikit pa rin siya pero hindi ako sigurado kung tulog ba talaga siya o nagtutulog-tulugan lang. 

"I miss you." mahinang sambit niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Ako naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. I should push him nang sa ganun ay mahimasmasan siya pero hindi ko magawa. Tinatraydor na naman ako ng katawan ko pati ng puso at utak kong tila nagsusumigaw na namiss din ng mga ito ang lalaking yumayakap sakin ngayon. And with that, I just give in. I just let him hug me.

Oh God, I'm really hopeless. Bakit ba kasi ang dali kong mahulog? At bakit sa dinami-dami ng lalaking pwede kong magustuhan ay siya pa? Napahigpit na lamang ang yakap ko kay Stitch at sumiksik sa bisig niya at ipinikit na lamang ang aking mga mata. And I admit, I like it. I like how he is hugging me as if he don't want to let me go. 

"Even if its weird but I admit, I miss you too, Sherson." I just mumbled before doze off to sleep again.


Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon