"Nothing is permanent. Even the most important and treasured memories can be FORGOTTEN." - Author
••••••BEFORE THE ENCOUNTER••••••
_MARI PADERNAL_
Nagising ako dahil sa sunud-sunod na pagsusuka ng isang tao. Pikit-mata akong bumangon sa hinihigaan ko habang yakap-yakap pa rin ang hotdog pillow na regalo sakin ni Jinny noong nakalabas ako ng ospital.
One. Two. Thee. Four. Five. Six. I stop walking and slowly open my eyes. Kumurap pa ako ng ilang beses bago sumandal sa hamba ng pintuan ng banyo at tinignan ang dalawa kong kaibigan.
Charm keeps on vomiting while Jinny keeps on patting her back. I sighed. Hindi ko na rin mapigilang mapailing dahil pinanggagawa ng dalawa.
"I'll have my revenge. At sisiguruhin kong tatadtarin ko siya ng pinong-pino." Parang tangang usal ni Charm at muling nagsuka.
"So anong plano mo?" Tanong sa kanya ng konsintidor. Muli nitong inangat ang ulo bago sagutin ang tanong ni Jinny na humihingal pa.
"Magwawalwal ako." Bulong niya na umabot din naman sa pandinig ko.
"Nagwalwal ka na kagabi tapos uulit ka na naman?" Hindi ko mapigilang sabihin sa kanya. Sabay silang napalingon sakin. Charm pouted her lips while Jinny on the other hand smirk on me. Napabuntong hininga na lamang ako. Ang titigas talaga ng mga ulo.
Pumasok na ako ng banyo at naghilamos habang hawak pa rin ang hotdog pillow sa kanang kamay. Pagkatapos ay inabot ko ang bimpo na kasabit sa itaas ng salamin at pinahiran ang mukha ko bago sila muling harapin.
"Ba't di mo na lang pabayaan. Revenge doesn't change anything. It will only make everything worst." Paalala ko sa kanya.
"Yeah, yeah. I know that, Miss love expert. But hey! My revenge is as sweet as chocolate!" she answered me and giggle.
"Baka magkadiabetes naman siya bakla." Sabi naman sa kanya ni Jinny at tumawa na rin.
"You think so?"
"Ahuh!" napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napailing sa kanilang dalawa. May mga topak talaga.
"So, are you ready for your new job?" Biglang tanong sakin ni Charm habang kumakain kami ng agahan namin. We were at her condo. Dito kasi niya ako pinatuloy pagdating ko kahapon galing ng Narwaga. Nakakainis nga at umulan pa kahapon tapos nakamotor pa kami ni Francis. Si Jinny naman ay bigla na lang sumulpot kahit na wala namang appointment dito sa Sinagon. Trip lang daw niyang tumambay sa condo ni Charm kasi raw nandito ako at kompleto kaming tatlo.
Uminom muna ako ng gatas ko bago siya sagutin.
"Hmm. Well, not really." nag-aalangan kong sagot sa kanya. Actually, hindi ko naman dapat trabaho to eh. It was Francis'. He's working as one of the feature writer in SkyLife which is also my dream company. Gustong-gusto ko kasing maging isa rin sa mga writer ng kompanyang yun. Then one day, he contact me saying that I have a work. Nagulat ako nung una kasi ni hindi nga ako nakapasa ng resume ko, may work na agad ako diba. Pero sabi niya ay norecommend daw niya ako to do this job. Para rin daw matest ng manager niya ang ability ko.
"If this will be successful, I'll be able to work on my dream company, Charm." Nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ako makakapayag na masayang ang opportunity na to.
Nakitang umangat ang gilid ng labi dahil sa sinabi ko.
"Great! I'm sure you will. And I'm definitely sure that it'll be worth it." Masiglang sabi niya pagkatapos ay kinagat ang ibabang labi niya at tumingin sa labas ng bintana na para bang may iniisip na malalim.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be caught. To love and to be love back. And to go back from the start to experience it again and again. If you w...