DREAM#10

467 82 15
                                    

"Sometimes red strings of fate tangled, making the happy ending impossible to happen." - Author

"Anong sinusulat mo?" Mabilis kong itiniklop ang notebook ko ng maramdaman ang pasimpleng pagsilip dun ni Eiko. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay dahilan na sumimangot siya at nangalumbaba habang nakatingin sakin. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay tinignan lang niya ako ng mataman bago bumuntong hininga.

"Your acting is very effortless, friend. Sabihin mo sakin, paano mo nagagawa yan? Paturo naman." kunyari ay interesadong tanong niya sakin kaya napaiwas ako ng tingin at inayos na lamang ang gamit ko.

"It's been what? Two weeks?" Marahas akong napabuntong hininga sa pagpaparinig niya sakin.

"Eiko, stop." Pagpipigil ko sa kanya. Alam ko na kasi kung ano ang patutunguhan ng usapan naming to. Bagay na ayoko na sana pang intindihin pero mukhang wala siyang balak na tigilan ako.

"But it's frustrating, Mari! Simula nung nag-away kayo ni Sherson, hindi na tayo nagsasamang apat! And I don't even know why the hell did the two of you got into a fight!" naiinis na bulalas niya at tumayo na talaga. Nilapitan niya ako at paulit-ulit na niyugyog ang balikat ko.

"Friend naman! Magbati na kayo. Alam kong para kayong aso at pusa pero para rin kayong kambal." Mabilis na nagsalubong ang kilay ko at nilingon siya.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Eiko! Anong kambal ang pinagsasabi mo?!" inirapan naman niya ako.

"What I mean is, para kayong kambal. Mahirap paghiwalayin. Kapag nawawala ang isa, hindi naman mapapanatag ang isa." Paliwanag niya na ikinangiwi ko. Susme! Sa dinami-dami ng ikocompare, kambal pa talaga?! Napailing na lamang ako.

"Hoy! Nakikinig ka ba?!" untag niya sakin na may kasamang sapak sa balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Masakit ha!"

"Saan ka ba talaga mas nasasaktan? Sa sapak ko o sa mga sinabi ni Sherson sayo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Kailangan ba talaga ithrowback?!

Hindi na ako nag-abala pang sagutin siya at itinuon na lamang ang pansin ko sa pagsara ng bag ko. Wala sa sariling napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko kasi ay nahihirapan na naman akong huminga.

"That one was deep." gatong pa niya kaya wala na akong nagawa kundi muli siyang lingunin.

"Eiko, please. I'm begging you. Let me breathe." I almost beg.

"Then breathe. Pero pakiusap ko lang din sayo, Mari. Clear your name. With that, I'm sure makakahinga ka na ng maayos." Seryoso niyang sagot sakin. Napapikit na lamang ako ng mariin.

"And then what? Wala rin namang mangyayari eh. Alam mo yun, Eiko. Basta pagdating kay Lessy, Sherson's eyes and ears are close to see and hear the truth. Alam kong alam mo kung ilang beses ko ng sinubukan, pero ano? Wala rin namang nangyari diba." Nahihirapan kong sagot ko sa kanya at tumayo na at nagsimula ng maglakad nang magsalita ulit siya.

"So ano? Susuko ka na lang?" napangiti na lamang ako ng mapait bago siya lingunin.

"Matagal na akong sumuko, Eiko. Lalo na sa kanya." Mahina kong sagot sa kanya at lumabas na ng classroom habang mahigpit na hinahawakan ang strap ng backpack ko.

I've been hurting for a long time. Immune na ako dun. Pero bakit ngayon, parang hindi ko yata kaya? I feel like I'm almost at the peak of a hill. Isang maling galaw ko lang matutuluyan na ako. Ilang ulit kong sinabi sa sarili ko na makakaya ko ulit to, pero hindi lang pati puso ko ang napapagod. Kundi pati ang utak ko.

Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon