DREAM#3

479 117 13
                                    

"Someone's existence can sometimes make your day but sometimes ruin it BIG TIME!" - Author


"Pag tapos na ang klase mo, text mo ako nang masundo agad kita." napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi ni kuya Cebi pagkababa ko ng motor. Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya.

"Kuya, pang-ilang habilin niyo na yan?" sarcastic na sagot ko sa kanya. Biglang tumalas ang tingin niya sakin kaya agad akong napalunok.

"Gawin mo kung ayaw mong may mabalian ng buto." sumimangot ako.

"Rest assured, kuya. Dahil ni isa, walang lalaking magtatangkang jowain ako."

"Mabuti't nagkakaintindihan tayo. Hala, sige. Pumasok ka na at uuwi na ako." Utos niya sakin kaya mabilis akong tumalikod sa kanya at umismid. Hindi na ako nakapag-paalam pa dahil sa hindi uso sa aming dalawa yun. Ganyan kami kasweet ng kuya ko.

Dumiretso na ako papasok ng gate. Oo, as in diretso talaga. Walang lingon-lingon sa tabi-tabi. Walking straight ahead lang talaga sana ako kung walang sea creatures na rumampa sa harapan ko. Napatigil ako sa paglakad. Baka kasi malunod ako sa malatsunami walk nila eh. Mahirap na. Hindi ko pa naman kayang languyin ang kaartehang taglay ng mga ito sa katawan.

"Look who's here? Its the monkey girl!"

"Oh! You're right. Beia. And--hey! I'm still talking to you!" maarteng sigaw niya sakin ng nilampasan ko lang silang dalawa ng kaibigan niyang ipinaglihi yata sa foundation. Mas lalo tuloy kumapal ang pagmumukha niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pasimpleng nilingon ang dalawang dugong na bagong ahon sa dagat. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ng makitang pilit nila akong hinahabol.

"Hey! Stop! Wag mo kong talikuran!" impit na sigaw sakin ni Lessy.

"Oo nga!" Sabat naman ni Beia.

"Kinakausap pa kitang unggoy ka!"

"Oo nga!" Hindi ko alam kung suportive bestfriend lang itong si Beia o talagang yan talaga ang dialogue niya na plinano nilang dalawa para lang guluhin ang araw ko.

"Hey! Hindi ka ba talaga titigil?!"

"Oo nga!" napaikot ko na lamang ang mga mata ko dahil sa kakulitan ng dalawang maarteng sea creatures na trip na namang buntutan ako.

Bahala sila sa buhay nila. Hinding-hindi ko sila papansinin. Manigas sila jan! Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ng straight ahead with no head turning back on dugongs at my back ng biglang may humila ng buhok ko ng bonggang-bongga. Hindi ko inexpect yun kaya ang ending, naout of balance ako at napaupo sa semento.

"Aray!" shet! Nayanig yata ang buong katawan pati ang kaluluwa ko. Napakurap ako ng ilang segundo at parang lutang na tumayo habang hawak-hawak ang anit kong namamanhid pa at na 'AH' ng bongga with no sound ng sumakit ang balakang ko. Sinabayan pa ng nakakabasag ng eardrums na sigaw ni Lessy na sinundan din ng napaka-eksaheradang singhap ng best supportive bestfriend niyang si Beia.

"Oh my gosh bessy! Are you okay?!" nilingon ko ang dalawa at napakurap pa ng ilang beses ng makitang nakahiga na sa semento si Lessy at nag-iinarteng nasaktan ang kaliwang brasong nakasayad ngayon sa semento.

"How dare you?!" nanggagalaiting sigaw sakin ni Beia kaya na 'HUUUUH' na lang ako.

"Lessy!" Parang dun ko lang nagets kung anong kaek-ekan ang ginawa ng dalawang pabebe ng marinig ang pamilyar na boses ng isang tao. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

"She--" hindi ko na natapos pa ang pagtawag ng pangalan niya dahil sa isang bunggo sa balikat ko mula sa kanya ang bumungad sakin ng lumingon ako. Napaatras ako ng isang hakbang at napatulala.

Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon