Chapter 3

1.9K 518 200
                                    


Heather's Point of View

Nang lumabas ako ng classroom bigla akong napaupo sa sahig dahil nabangga ako ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanya at tinulungan niya akong tumayo.

"Sorry! Hindi ko sinasadya." Sabi niya sa akin.

"Good timing Jax. Meet my friend, Heather and Heather meet Jax." Maya-maya may isa pang lalaki na dumating at sigurado ako na ito si Nixon Arkinson na sinasabi sa akin ni Yana kanina pa.

"Bagong student? Nixon Arkinson." Sabi ko na nga ba at siya si Nixon.

"Nasaan na si Deo?" Tanong ni Yana sa kanila at nagusap-usap na kaming apat.

"Heather? I've never seen you here. Bago ka ba?" Tanong ni Jax sa akin. Nahihiya akong sumagot kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Nakita kita kanina sa first class ko which is Math kaso hindi kita nilapitan dahil hindi pa naman kita kilala. Nabangga mo pa nga si Alexine Mendez, hindi ba?" Tanong niya sa akin.

Tumatakbo na naman sa isip ko yung mga nangyari kanina. Ayaw ko ng isipin kaso pina-alala naman ni Jax.

"Oo, nabangga ko siya pero hindi ko naman sinasadya na banggain siya. Lalabas lang sana talaga ako kaso nagka-taon na pumasok siya kaya natapon sa damit niya yung iniinom niya tapos napaupo siya sa sahig. Sa totoo lang nahihiya na talaga akong magpa-kita sa kanya. Natatakot ako sa kanya." Kuwento ko kay Jax. Tumingin ako kay Jax at napansin ko na nag-iisip siya habang nakatingin sa taas kaya naman napatingin din ako sa taas.

"Anong mayroon sa taas?" Tanong ko kay Jax.

"Basta ang payo ko sayo huwag mo siyang guguluhin. Dito ka lang sa amin. Si Rissa nga pala nasaan?" Tanong niya sa akin.

"Kasama mo siya kanina tapos nawala na lang siya?" Tanong ulit ni Jax sa akin. Naalala ko yung papel na sinulatan ni Rissa.

"Bisexual ba talaga si Rissa?" Binigay ko kay Jax yung papel na sinulatan ni Rissa. Binuklat niya ito at natawa.

Ang ganda mo.
-Rissa

"Oo, isa lang meaning nito Heather." Natatawang sagot ni Jax sa akin habang pinagmamasdan ang papel.

"Ano?"

"Crush ka ni Rissa. Obvious ba? Pero syempre dahil makulit at masiyahin si Rissa may chance din na friendly thing lang itong ginawa niya sa'yo. Huwag mo masyadong isipin. May sayad lang talaga iyong si Rissa minsan." Binigay ulit ni Jax yung papel sa akin at itinago ko ito sa bag ko.

Maya-maya nakita namin si Rissa na naglalanad mag-isa. Mukhang galit siya sa amin at lalo na sa akin kasi sa akin talaga siya nakatingin. Nang nasa harapan ko na si Rissa napatingin ako sa kanya.

"Ang saya mo Heather kasama. Hindi mo man lang ako sinundo sa klase ko? Ganyan ba yung magka-kaibigan? Nang-iiwan?" Naiinis na sabi sa akin ni Rissa. Sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan yung ugali ni Rissa.

"Bakit ako na naman? Ako lagi puntirya mo." Sabi ko kay Rissa tapos biglang natawa siya sa akin.

"Niloloko lang naman kita. Hindi ka talaga mabiro kahit kailan." Sabi ni Rissa sa akin tapos ginulo niya yung buhok ko. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Galit tapos tatawa?

Baliw

"Starbucks tayo guys?" Tanong ni Rissa sa amin. Mayayaman itong mga kasama ko kaya lahat sila agree pero ako mukhang hindi ako makakasama.

"Hindi ako makakasama. Wala akong pera." Tumingin sila lahat sa akin.

"Bakit included kaba sa group?" Asar ni Rissa sa akin. Sensitive ang feelings ko kaya nainis ako.

Hindi na lang ako nagsalita. Naglakad na lang ako papaalis. Sabi ko sa inyo baliw na si Rissa. Nakakainis talaga siya.

"Heather! Biro lang naman eh!" Sigaw ni Rissa sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinuro siya.

"Rissa Winfield. Ang pangit mo! Wala kang kuwenta! Naiinis ako sayo!"

"Tama na Heather. Dito ka na lang sa akin usap tayo." Hinablot ako ni Yana mula kay Rissa at nakita namin si Deo.

"Bakit ka late?" Tanong ni Nixon kay Deo.

"Inutusan kasi ako ni Principal Torres kaya late ako. Heather nandito ka pala. Nameet mo na ang lahat?" Tumango ako at kinausap ako ni Yana.

"May nagsabi sa akin na nabangga mo si Alexine Mendez tapos pinaglinis ka niya nung natapon niyang inumin?" Ito na naman. Alexine Mendez na naman.

"Oo pero okay lang kasalanan ko naman talaga. Kinakatakutan siya ng lahat dito pero hindi ibig sabihin na siya na ang reyna ng school na ito." Sabi ko kay Yana.

"Kilala mo ba si Elavine Fantasia?"

"Hindi, sino ba siya?" Tanong ko kay Yana.

"Parehas silang famous dito ni Alexine pero mas mabait si Elavine kaysa kay Alexine." Sabi ni Yana tapos biglang nagsalita si Jax.

"Guys sama ba lahat sa Starbucks? Libre ko na si Heather." Sabi ni Jax. Napatingin ako kay Jax at bigla na lang na pinisil ni Yana yung pisngi ko.

"Aminin mo kinilig ka." Bulong ni Yana sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

Nakarating na kami sa Starbucks ng mabilis dahil malapit lang naman ang Starbucks mula sa school hanggang dito. Binuksan ni Jax yung pinto at nakahanap agad kami ng upuan. Good for six.

Umupo si Yana sa tabi ko habang ako nakatingin lang sa labas. Kanina habang naglalakad kami makulimlim lang tapos ngayon umuulan na.

Hindi ko makalimutan iyong nangyari kanina sa amin ni Alexine. Nabangga ko siya tapos ngayon kinakabahan na ako baka bukas kasi may gawin na siyang masama sa akin.

"Huwag ka mag-alala basta huwag mo na lang siya pansinin." Niyakap ako ni Yana.

May nakita akong magka-akbay na naman at talagang nainis ako. Bitter talaga ako sa mga taong masasaya. Napansin din ni Yana na nakatingin ako sa dalawang magkasama at natawa lang siya.

"Bitter?" Tanong ni Yana.

"Hindi naman sa bitter pero huwag naman sana dito sa labas. Masyado silang sweet." Sagot ko kay Yana.

"Natatakot talaga ako kay Alexine." Sabi ko kay Yana. Inayos niya yung buhok ko at ngumiti.

"Gusto mo ba talaga magkaroon ng tahimik na buhay?" Obvious ba?

"Oo naman." Sagot ko.

"Huwag ka mag-alala may makakatulong naman sa'yo at syempre tutulong rin kami. Huwag ka matakot. Sabi nga nila face your fears." Sabi ni Yana sa akin.

"Tomorrow after classes we will let Elavine Fantasia help you get rid of Alexine Mendez." Sabi sa akin ni Rissa.

Tama sila kailangan kong maging matapang. Hindi dapat duwagat kung ano man ang binabalak na gawin ni Alexine sa akin at ang mga kakampi niya kailangan kong gawin and nararapat na gawin.

I will never stop fighting until the fighting is done.

✨✨✨

Author: Ito na ang inaantay niyong update mula sa akin kaya naman tinupad ko na ang wish niyo na mag-update ako. Salamat mga hakdogs!

Also, who is the best guy for you?

Deo Brent Wang

Jax Foras

Nixon Arkinson

Comment!!! Now na!

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon