Chapter 24

859 429 44
                                    


Heather's Point of View

"So, siya yung may kagagawan?" Tanong ni Yana sa akin.

Nandito kaming magka-kaibigan nakatambay sa cafeteria habang pinag-uusapan namin ang sinabi sa akin ni Kylee at Nathalie.

Tumingin ako sa kinakain ni Yana na mango cake at natakam naman ako.

"Yana, patikim naman ako." Sabi ko kay Yana. Sobrang takam na takam na talaga ako sa kinakain niya.

Tumingin siya sa akin na para bang ayaw mamigay at nagsalita.

"Hindi ito masarap." Matipid niyang sinagot sa akin.

"Huh? Eh... 'yon nga yung gusto ko eh yung hindi masarap." Sabi ko sa kanya sabay tawa.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Wala naman siyang nagawa kaya binigyan na niya ako.

Maya-maya nagsalita si Elavine.

"Heather, kasalanan ko talaga ang lahat kung hindi lang ako gumawa ng rules para mapatumba si Alexine sana hindi ito mangyayari sa'yo." Sabi naman sa akin ni Elavine.

"Wala kayong kasalanan. Mamaya haharapin ko siya at dapat haharapin niya rin ako." Sabi ko sa kanila.

"Huh? Eh, wala ka ngang hinaharap eh. Maliit like flat..." Tumingin kaming lahat kay Rissa at habang siya naman ay nakatulala lang sa amin.

"Kababaeng tao mo Rissa... tsk tsk..." Napakamot na lang si Rissa sa ulo niya habang nakangiti.

"Ganda ka?" Tanong ko kay Rissa na para bang naiinis.

"Oo naman pero mas maganda ka." Sabay kindat niya sa akin.

"Okay, wala siyang piso ngayon. Manahimik ka na." Naiinis na sumbat ni Yana kay Rissa.

"Mamaya talaga hindi ko na papalagpasin ginawa sa akin ni Alexine. Sinira niya katauhan ko."

"Kahit galit naman ako sa kanya hindi ko siya siniraan kasi may awa ako sa kapwa ko pero siya? Wala, hindi na ako natutuwa sa kanya." Sabi ko sabay tayo nang mag-ring na ang bell.

"Kita-kita na lang tayo mamaya." Sabi ni Nixon sa amin.

Maya-maya habang naglalakad kaming lahat lumapit sa akin si Yana at ngumiti sa akin ng nakakatakot.

"Kenekeleg eke..." Bulong nito sa akin.

"Landi-landi mo..." Bulong ko naman sa kanya.

"Landi lang, ang dami naman ng landi-landi." Sabay tawa sa akin.

"Bye Heather the Bitter!" Sabi sa akin ni Deo.

Kumaway ako sa kanya at pumasok nasa loon ng classroom. Himala, hindi ko nakita yung tatlong bruha na 'yon.

Umupo ako mag-isa at maya-maya nilapitan ako ni Jax. Kinalabit niya ako at tumingin ako sa kanya deretso sa mga mata niya.

"Bakit?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

"Sorry..." Mahinang sagot ni Jax sa akin. Tumingin ako sa kanya at napabuntong-hininga siya.

"Alam ko nagtataka ka kung bakit ako nagso-sorry. May kasalanan kasi ako sa'yo. Masyadong mabigat." Sabi niya sa akin.

"Wala kang kasalanan Jax." Binuklat ko ang libro ko at kunwaring nagbabasa pero ang totoo ang dalawang tainga ko ay nakikinig lamang sa paligid.

"Madami akong kasalanan sa'yo Heather. Sorry kung hindi ko na kayo natututukan kasi masyado ng busy si Jaxie." Tumingin ako dito ng masama at inirapan siya.

"Jax naman eh..."

"Joke lang, okay lang 'yon basta huwag mo kami kakalimutan." Sabi ko kay Jax.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon