Chapter 18

885 447 84
                                    


Heather's Point of View

Mahirap pa lang nag-iisa ka lamang. Lahat ng kaibigan mo ay wala. May sarili silang mundo at ako naman dito ay nag-iisip kung papaano ko mapapapunta si Alexine sa kuwarto niya.

Maya-maya nagsimula na ang party at hinablot ako ni Elavine. Umupo ako sa tabi ni Elavine at Rissa at biglang may nagsalita.

"Good evening to all of you our guests. We are here to celebrate Alexine Mendez's 18th birthday. I hope that all of you will enjoy the party, thank you."

"Ang galing niya mag-English. Sa kabaliktaran..." Bulong sa akin ni Rissa.

"Napaka-judgmental mo naman." Sumbat ko sa kanya.

"Here comes our birthday girl, Alexine Mendez." Habang pababa ng hagdanan si Alexine hindi ko mapigilang mag-selos dahil sa mga tingin ni Jax sa kanya.

Napaka-swerte ni Alexine kung magiging sila sa future. Nakakainis na nakakainggit. Akala mo bagay sila, hindi naman. Ang manhid mo talaga sa akin Jax Foras.

Tumingin ako kay Jax at abot tainga ang ngiti niya ng tignan siya ni Alexine. Hindi ko mapigilan ang luha ko kaya tumulo na lamang itosa pisngi ko.

Maya-maya nakipag-sayaw na si Alexine sa mga lalaki. Halata naman sa mukha niya na masaya siyang sumasayaw. Lumapit ako kay Jax at tumingin sa kanya.

"Hindi ka ba makikipag-sayaw sa kanya?" Tanong ko kay Jax.

"Hindi, hanggang 18 lang na lalaki ang pwede makipag-sayaw sa kanya at hindi ako naisali pero babawi naman ako mamaya sa kanya, doon kami sasayaw sa kuwarto niya at doon ko din siya tatanungin kung gusto niya ako maging parte ng buhay niya." Sabi ni Jax sa akin.

Simple lamang ang paliwanag sa akin ni Jax pero hirap akong tanggapin ang katotohanan na ang matinonf Jax Foras ay magiging kabiyak ni Alexine Mendez na kahit kailan ay hindi naging mabait sa amin.

Wala naman akong magagawa kung hindi ang tulungan si Jax dahil iyon lang naman ang totoo niyang kaligayahan.

Pagkatapos makipag-sayaw ni Alexine agad akong nagtungo sa kanya para kausapin. Bago pa ako makarating sa kanya nakita na niya agad ako at nilapitan.

"Enjoying the party?" Tanong niya sa akin.

Kahit maganda siya ngayon hindi pa rin ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman sa sarili ko na mas maganda ako sa kanya at mas maganda ang ugali ko kaysa sa kanya.

"Yes, kamusta naman ang sayaw mo? Masaya ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Oo naman pero nasaan pala si Jax? Kanina ko pa siya hinahanap." Reklamo sa akin ni Alexine.

Tumingin ako sa paligid ko at hindi ko nakita ang anino ni Jax kaya naman tumingin ulit ako kay Alexine na hinahanap parin ang prince charming niya.

"Wala siya dito sa loob. Siguro nasa labas may kausap." Sagot ko kay Alexine.

Kinamot niya ang ulo niya na para bang naiinis at napansin ko na bago niya ako iwanan mag-isa, inirapan niya ako. Syempre nainis ako sa kanya pero kailangan ko pa rin maging mabait dahil kaibigan ko parin siya kahit papaano, plastik kong kaibigan...

Nakita ko si Rissa na kausap si Kylee at Nathalie habang kumakain sila at si Elavine at Yana naman ay may sariling mundo rin. Si Nixon at Deo ay lumabas at hindi ko na alam kung ano ang gagawin nila sa labas.

Patuloy akong naglakad mag-isa tapos biglang may humawak sa braso ko at napansin ko na si Fraye pala ito.

"Ate Heather, bakit nag-iisa ka?" Tanong sa akin ni Fraye.

"W-wala lang, gusto ko munang mapag-isa ngayon pero nakita mo ako bakit hindi tato mag-usap. Alam mo na, enjoy the party." Sabi ko at doon na kami nagsimulang mag-usap ni Fraye.

Halos isang oras kaming nag-usap ni Fraye at may biglang tumawag sa akin, Jax.

"Sorry for interrupting but I need Heather right now." Tumango si Fraye at hinawakan ako ni Jax sa kamay para ilayo ako sa mga madaming tao.

"Pupunta na ako sa taas, ayos na ang lahat. Buksan mo na ang ilaw malapit sa pintuan ng kuwarto ni Alexine kapag nakapasok na kayo para makita niya lahat ng ginawa ko para sa kanya." Tumango ako at umakyat na si Jax sa kuwarto ni Alexine.

Hinanap ko si Alexine at doon ko siya nakita na kausap ang isa sa mga kaibigan niya pero kailangan kong gawin ang gusto ni Jax kaya tinawag ko si Alexine.

"Alexine! Sumama ka sa akin, saglit lang ito." Sabi ko kay Alexine.

Sumama naman siya sa akin at habang umaakyat kami sa hagdanan hindi parin matanggal sa isipan ko na magiging sila na nga ngayon.

Nang makarating kami sa kuwarto ni Alexine agad kong binuksan ang pinto at pinapasok si Alexine, binuksan ko ang ilaw at nakita ni Alexine ang lahat ng mga ginawa ni Jax para sa kanya. Napangiti siya sa sobrang saya at nandoon si Jax sa terrace na nakatayo at inaantay si Alexine.

Nang nakita nila ang isa't-isa lumapit agad si Alexine kay Jax at niyakap siya ng mahigpit. Maya-maya dumami na ang taong nanood dahil nalaman ito ng iba at doon na nangyari ang ayaw kong mangyari.

"Alexine, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi kita nakilala. Sana maintindhan mo ang nararamdaman ko para sa'yo. Alexine, mahal na mahal kita at hindi kita kayang ipagpalit sa ibang babae. Ikaw lamang ang mamahalin ko hanggang sa huling paghinga ko." Sabi ni Jax at bigla itong lumuhod sa harapan ni Alexine.

"Will you be my girlfriend?" Tanong ni Jax at inilabas ang promise ring na kanyang binili para sa kanya at kay Alexine.

Napaluha si Alexine sa harapan ng lahat pero tumango ito ng mabilis at nagsalita na, ang sagot na inaantay ni Jax.

"Yes, I will be your girlfriend." Sabi ni Alexine at doon na hinalikan ni Jax si Alexine sa labi at naghiyawan ang lahat at pumalakpak pero ako tumulo ang luha ko at lumabas na ako ng bahay.

Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Masyado ng malalim ang sakit ng nadarama ko. Hindi ko na kakayanin ang mga ginagawa nila.

Napaupo na lang ako sa labas ng bahay ni Alexine at umiyak. Dito walang makakakita sa akin, dito walang titingin sa akin, at dito walang makikinig sa akin.

Nakita ako ng mga kaibigan ko at niyakap agad ako ni Elavine. Ang bobo ko, ang tanga ko.

"A-ang tanga-tanga ko, a-alam ko na nga na masasaktan l-lang ako sa huli pero tinutulungan ko parin siya." Sabi ko habang umiiyak.

"Bakit ba ang malas ko?!" Sigaw ko.

"Ang manhid sa akin ni Jax. Hindi man lang niya napansin na gusto ko siya." Sabi ko.

"Mali ang taong napuntahan niya. Ang manhid ni Jax!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Ang tanga-tanga ko, ang bobo ko! Wala akong pakinabang!" Sigaw ko ulit at pagkatapos kong umiyak wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik at nakatulala lamang ako sa hangin.

"Basta tandaan mo na nandito kami para sa'yo, mahal na mahal ka namin." Bulong sa akin ni Elavine.

Nakita ako ni Deo at Nixon na umiiyak kaya naman tinanong nila kung ano ang nangyari at nang matapos na itong kuwentuhin ni Yana at Rissa doon na nila ako naiintindihan kung bakit ako nasaktan at umiiyak.

"Nandito lang kami para sa'yo Heather." Sabi sa akin ni Deo at Nixon. Mabagal akong tumango sa kanila.

Being in love is very difficult so I give up. Simple as that, I give up.

✨✨✨

Author: Updated! Need feedback from readers about this chapter. Salamat!

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon