Chapter 26

853 416 40
                                    


Heather's Point of View

"Mr. Torres, pasensya na po kung naging pasaway po ang aking anak. Hindi naman po niya ipagtatanggol ang kanyang sarili kung wala naman pong masamang ginagawa sa kanya." Paliwanag ng aking Nanay.

Tumingin ako kay Alexine at nakuha pa niyang irapan ang Nanay ko. Bastos talaga. Walang manners.

"Mabait naman po si Heather Mrs. Marianno pero ang hindi naman po katanggap-tanggap ay makipag-away siya kay Miss Mendez." Tumingin ako kay Alexine. Kita ko sa kanyang labi ang ngiti na dapat ay hindi niya pa nagagawa ngayon.

"Mr. Torres hindi ko naman po siya sasaktan kung hindi niya rin po ako sasaktan at paparinggan ng masasakit na salita." Paliwanag ko.

"Alam ko Miss Marianno pero sana ini-report mo na lang dito sa Guidance Office para wala ng gulo." Sabi sa akin ni Mr. Torres.

Maya-maya tumayo si Alexine at tumingin sa akin, handang ipaglaban ang kasinungalingan niya.

"Mr. Torres, sorry for interrupting pero sana naman po hindi niyo po kampihan ang mga pinagsasabi ni Miss Marianno kasi lahat po ng sinasabi nila ay mali po." Naiinis na sabi ni Alexine sa akin.

"Miss Mendez, hindi ko ipaglalaban ang sarili ko kung mali naman ang ikakatwiran ko." Sabi ko kay Alexine sabay irap sa kanya.

"Mr. Torres, pasensya na po sa ginawa ng anak ko. Kung ano man po ang nangyari sa kanilang dalawa sana po mapatawad niyo po silang dalawa." Sabi ni Mama kay Mr. Torres.

"Mr. Torres, ako na po ang humihingi ng tawad sa ginawa ng anak ko. Pasensya na po." Sabi naman ng Nanay ni Alexine.

"Naiintindihan ko po kayo. Sana po hindi na po ito maulit para wala na pong gulong magaganap." Sabi ni Mr. Torres.

"Magbati na kayong dalawa patunay na wala ng away na magaganap muli." Tumingin ako kay Alexine at handa ng makilag-kamay sa kanya pero bago niya ako kamayan umirap ito sa akin.

Nagdampi ang aming mga kamay at pagkatapos noon ay muli niya akong inirapan. Wala na akong magagawa kung ganyan talaga ang ugali niya basta ako hindi ko na siya pinaplastik.

Pagkatapos naming mag-usap umuwi na si Mama at naiwan naman ako at ni Alexine dito sa school ngunit hindi niya ako pinansin, basta na lang siya umalis at iniwan ako.

Ito na, ito na ang araw na kinakatakutan ko. Ang mga dating kaibigan ko na lalapitan at yayakapin ako ng masaya ay wala na. Hindi na nila ako papansinin. Hindi na nila ako kikilalanin at ang pinakamasaklap... hindi na nila ako mamahalin tulad ng dati.

Pumunta ako sa library para manahimik muna ng sandali at lumayo sa masamang mundong hinaharap ko ngayon pero hindi ko inaasahan na ang dati kong kaibigan ay naririto rin pala.

Nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Ang dating best friend ko na masayang kasama. Yung minahal ako na para bang ate na niya ako ay wala na. Hindi man lang niya ako nginitian. Umalis na lang siya na para bang wala siyang nakita.

Napabuntong-hininga na lamang ako at maya-maya tumayo na ako mula sa aking upuan at nagsimula nang maglakad sa hallway papunta sa locker ko.

Nakita ko naman doon si Elavine at Rissa na nag-uusap ng masaya pero kung hindi naman nila ako papansinin wala na akong magagawa dahil iyon naman ang desisyon nila.

Hindi man lang nila ako tinignan kahit isang beses lang at ang mas masaklap ay nilayasan pa nila ako. Binuksan ko ang aking locker at kinuha ang libro na gagamitin ko para sa unang klase.

Kahit hindi pa man nagsisimula ang unang klase namin, umupo muna ako sa loob ng classroom para matahimik naman ang kaluluwa ko kahit papaano.

Maya-maya tumunog ang bell at doon na dumami ang mga estudyante dito sa loob. Madami man ang tao dito sa loob sa iisang tao lamang ako nakatuon at iyon ay si Rissa.

Nakita niya akong tumitingin sa kanya pero ngumisi lamang ito at inirapan ako. Kung gaano nila ako kamahal noon ganoon na nila ako kinaiinisan ngayon. Dahil lamang sa isang pagkakamali na nagawa ko nagawa na agad nilang magalit at magtampo sa akin.

Wala talagang permanente dito sa mundo kahit ang friendship hindi permanente. Susubukan ko sanang maging permanente ang pagka-kaibigan namin ngunit sa mga ipinapakita nila sa akin, nawawalan na ako ng gana na makipag-ayos sa kanila.

Ngayong araw na ito hindi ko nakita si Jax Foras at tsaka ko lang nalaman na hindi pala siya pumasok nung tinawag ang pangalan niya. Kahit nandito ang presensya ni Alexine talagang hindi kami nagtitinginan at nagpapansinan.

Damang-dama ko ang pagiging mapag-isa ko ngayong araw na ito pero pwede iyong maging buwan o taon.

Lumipas ang isang araw nang walang pansinan. Walang gulo, walang kasiyahan. Hindi ko ito matatawag na simpleng araw dahil ang simpleng araw ko ay hinding-hindi ko na mararanasan.

Masaklap ang kondisyon ko ngayon. Pati sa social medias nila in-unfollow ako at un-friend at ang mas masaklap tinanggal nila ako sa group chat namin. Talagang mawawalan ka na ng pag-asa na magbati kayo dahil sa mga pinaggagagawa nila sa akin.

Aaminin ko, hindi ko man maibabalik ang dati naming kasiyahan pero ayos lang naman sa akin basta ang gusto ko pansinin na nila ako pero wala na iyon.

Bago ako umuwi ng bahay tumambay muna ako sa library para gumawa ng aking mga takdang aralin. Maya-maya mayroong umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Fraye.

"Hello ate." Tahimik niyang bati sa akin.

"Fraye?" Tumango siya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ko malayan na tumutulo na pala ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Pinunasan naman niyo ito ng tissue at ngumiti sa akin ng abot tainga.

"Ate Heather huwag kana umiyak. Kung mayroon ka namang pinagdadaanan alam ko na malalagpasan mo iyon. Huwag kana umiyak basta nandito lang ako Ate Heather kung kailangan mo man ng makikinig sa'yo." Napangiti ako sa sinabi ni Fraye sa akin at niyakap ko na naman siya ng mahigpit.

Kinuwento ko ang lahat ng mga nangyari tungkol sa amin ng mga kaibigan ko at masaya naman ako na nakinig siya sa akin ng maigi.

"Hindi mo iyon kasalanan. Sadyang sensitive lang sila pero alam ko naman na magiging masaya ulit kayo at mabubuo kayong lahat kaya huwag ka na umiyak. Tiwala lang Ate Heather."

"Salamat sa'yo Fraye, hindi ako magiging matatag kung wala ka. Sige, magtitiwala ako Fraye. Naniniwala ako sa'yo kaya magtitiwala ako sa'yo." Sabi ko sa kanya.

Nagsabay kaming umuwi ni Fraye at bago ako makarating sa bahay nilibre niya muna ako ng ice cream dahil nakakatulog daw iyon pampawala ng stress at depression at masaya naman ako dahil totoo ang sinabi niya. Masaya rin ako dahil nakikinig siya sa akin kung may problema man ako.

1 universe, 9 planets, 204 countries, 809 islands, 7 seas, and I had the privelege of meeting you, my friend.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon