Chapter 17

888 444 17
                                    


Heather's Point of View

"Wala ba kayong naaalala ngayon?" Tanong ni Elavine sa amin.

"Hindi mo pa ito alam Heather kasi transferee ka lang naman this year." Sabi ni Elavine sa akin.

"Wala naman..." Sagot ni Yana pero tuloy parin sa siya sa pag-iisip.

"Wala akong alam ngayon." Sabi ni Rissa sabay kain sa kanyang chocolate.

"Guys! Birthday ni Alexine ngayon at invited ako." Mabilis na sabi sa amin ni Elavine.

"Seryoso? Hindi man lang ako invited!" Naiinis na sabi ni Yana kay Elavine.

Nilavas ni Elavime ang papel na may nakasulat doon ar binigay niya ito sa amin. Binasa ko ang nakasulat doon at binalik ito sa kanya.

"Basta nakita ko na lang ito sa labas ng bahay ko. Wala akong alam kung talaga bang invited ako dito o set-up lang." Sabi ni Elavine sa amin at itinago na niya ito sa bulsa niya.

"Baka naman tinangay lang ng hangin tapos napadpad sa doorway niyo?" Tanong ni Rissa.

"Maniwala tanga." Sabi sa amin ni Yana.

"Basta enjoy mo na lang yung party at sana walang masamang mangyari sa'yo doon." Tumayo na si Yana at hinablot ako.

"Aalis na kami ng best friend ko." Sabi ni Yana at sabay hila sa akin sa kamay.

"Hoy! Ingatan mo yung babe ko! Huwag mo siyang hawakan ng ganyan, nasasaktan babe ko!" Sigaw ni Rissa sa amin.

"Sabay na kami sa inyo!" Narinig kong sigaw ni Elavine sa amin. Lumingon ako sa likod at nakita na hinahabol kami ni Elavine at Rissa.

"Wait lang, sasabay daw sila." Sabi ko kay Yana pero hindi parin ito tumitigil sa paglalakad.

"Ano tayo mag-aadjust? Try nila mag-adjust kahit minsan lang." Sabi ni Yana sa akin.

Maya-maya naisipan ni Yana na tumigil at halata naman na pagod na si Rissa at Elavine sa paghabol sa amin.

"Salamat naman at naisipan mong tumigil. Kanina pa kami habol ng habol sa inyo." Sabi ni Elavine sa amin tapos maya-maya nakita ko si Deo at Nixon. Nakita nila kami at lumapit sila sa amin.

"Sino invited sa birthday ni Alexine?" Tanong ni Nixon sa amin.

"Ako." Sagot ni Elavine sa kanya.

"Hindi kayo invited? Sayang naman." Sabi ni Deo sa amin.

"Kaibigan mo si Alexine pero hindi ka naman invited sa party niya." Bulong sa akin ni Deo.

"Huwag ka na magsalita..." Naiinis na sagot ko kay Deo.

Maya-maya nakauwi na ako sa bahay at may nakita akong papel sa doorway namin. Pinulot ko ito at binasa ng maigi. Nagulat ako nang mabasa ko na invited ako sa 18th birthday ni Alexine.

Pumasok ako sa loob at niyakap agad si Mama ng mahigpit. Umakyat ako sa kuwarto ko wt sinarado agad ang pintuan. Tinawagan ko si Yana at sinagot naman niya agad ito.

"Yana, invited ako sa birthday ni Alexine!" Sabi ko sa kanya.

"Kanina kakauwi ko lang mag nakita agad akong papel sa doorway namin kaya binasa ko iyon at sabi doon na invited ako sa birthday ni Alexine. Ano na naman kaya pasabog na gagawin niya?" Sabi ni Yana sa akin.

"Basta mag-ready kana dahil mamayang gabi na iyon. See you there!" Agad na binaba ni Yana ang tawah namin at maya-maya si Rissa naman ang tumawag.

"Babe ko! Invited ako sa birthday ni Alexine! How about you?" Tanong ni Rissa.

"Invited ako, kanina ko lang nalaman naki-." Bago ko matapos ang sasabihin ko nagsalita na agad siya.

"Okay see you there!" Binaba niya ang tawag at napakamot ako sa ulo ko.

Tumayo ako mula sa aking higaan at tumingin sa salamin. Nandoon si Alexine at Jax pero kailangan maayos ang lahat. Dapat hindi mo ipapakita na talunan ka. Ngumiti ako sa sarili ko sa salamin.

I need to be ready

Tumingin ako sa closet ko kung may dress man akong pwedeng isuot at syempre madami. Kinuha ko ang dress na paborito ko. Syempre bago ko ito isuot naligo muna ako para fresh. Nag-suot ng make-up at isinuot ko na ang dress ko. Pinaayos ko kay Mama ang buhok ko, braided style at kinuha ko ang mga gamit na kailangan ko.

Lumabas ako ng bahay at nagulat na lang ng makita ko silang lahat na nag-aantay sa akin.

"Sakay na!" Sabi ni Elavine sa akin.

Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan at tumabi kay Yana. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ang ganda mo talaga." Sabi niya sa akin.

Sinara ko ang pintuan ng sasakyan at agad na kaming umalis. Nakatingin lang sa akin si Rissa at Yana na para bang kakainin nila ako.

"Ang ganda mo talaga, natural beauty man o make-up, ang ganda mo talaga." Sabi ni Yana sa aki ng mahina.

"Salamat, kayo rin."

Mabilis kaming nakarating sa bahay ni Alexine at halata naman na punong-puno na ito ng tao sa loob kaya naman agad na kaming bumaba at nakita ko si Jax doon na inaantay kami. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ang ganda mo Heather." Sabi niya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi ko kayang magsalita sa harapan niya pagkatapos ng sakit na naidulot niya sa akin.

"Kanina ko pa kayo inaantay. Ang bagal naman ng sasakyan niyo." Sabi ni Jax.

"Mas mabagal kapag naglakad kami." Sumbat ni Deo at lahat kami tumawa.

Pumasok kami sa loob ng bahay ni Alexine at hinila ako ni Jax palayo sa mga kaibigan namin.

"Okay kana?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at niyakap niya ako ng biglaan.

"Mabuti naman at okay kana. Tulungan mo naman ako ligawan si Alexine ngayon. Sa kuwarto niya may inihanda ako para sa kanya. Bago siya umakyat doon nandoon na ako nag-aantay sa kanya, gusto ko dalhin mo siya sa kuwarto niya at doon ko na siya tatanungin kung gusto ba niya ako maging boyfriend." Sabi ni Jax sa akin.

"Simula nung nawala ka ng Friday naglakas loob na akong ligawan siya araw-araw hanggang ngayon kaya please sana magtagumpay ako." Bulong niya sa akin.

"Kaya mo 'yan. Tiwala lang." Sabi ko kay Jax.

"Sige, salamat pala. Usap tayo mamaya." Sabi ni Jax sa akin at iniwan na niya ako mag-isa.

Masakit man sa loob ko, tutulong na lang ako para sa kanya. Kung iyon naman ang makapag-papasaya sa kanya kahit masakit sa puso at loob ko, gagawin ko na lang para makita ang pinaka-masaya niyang ngiti.

You don't know how much I hate seeing you with her, but if you truly love her then I will set you free.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon