Epilogue

1.1K 403 108
                                    


Heather's Point of View

Ito ang araw na hinihintay ng mga estudyante ang Prom Night. Syempre habang maaga pa agad na kaming nag-ayos ng mga mukha namin at nagbihis sa bahay ni Elavine dahil siya ang may pinaka-malaking bahay sa amin at syempre para hindi kami siksikan.

Naririto si Yana, Ako, Elavine, Nathalie, Rissa, Kylee at Alexine. Tulong-tulong kami para mabilis kaming matapos. Kakatapos lang ako ayusan ni Elavine at sumunod naman si Yana sa akin habang si Nathalie ay inaayusan ni Rissa at si Kylee ay inaayusan ni Alexine.

"Yana nasaan na yung red dress ko? Nandito lang iyon kanina sa higaan ni Elavine." Natataranta na ako sa paghahanap pero nakita ko naman na iyon at agad akong nagtungo sa bathroom ni Elavine.

Pagkatapos ko mag-bihis tumulong na ako sa kanila. Natapos nang ayusan ni Rissa si Nathalie kaya ako naman ang gagawa ng tungkulin ni Rissa.

"Umupo ka." Sabi ko at agad ko naman na siyang inayusan.

Medyo malikot si Rissa pero ayos lang naman kasi malapit na akong matapos sa kanya at sinunod ko naman na si Elavine na ayusan.

"Lalo kong sa'yo." Sabi ko kay Elavine at napatawa lang siya.

Pagkatapos mag-damit ni Kylee inayusan na niya si Alexine habang ako naman ay kay Elavine. Lumipas ang isang oras natapos ko nang ayusan si Elavine.

"Mas maganda pa ako dyan eh." Sabi ko sa kanya.

"Ay! Ang kapal, nahiya naman puwet ko sa'yo." Nagtawanan kami at tinuloy na ang aming mga gawain.

Nakakapagod rin pala ito pero lalo naman kaming gumanda kaya hindi sayang sng effort namin. Pinulot ko ang sapatos ko at isunuot na iyon at inaayos ng maigi ang buhok ko. Tumingin ako sa orasan, 6:20 pm na pala.

"Guys dalian niyo 6:20 na." Sabi ko sa kanila.

Bago kami umalis ng bahay ni Elavine sinigurado namin na maayos ang kanyang kuwarto para kapag uuwi na kami kukunin na lamang namin ang gamit namin. Nagtulong-tulong kaming mag-ayos ng bahay ni Elavine at agad naman kaming natapos. Tumingin ulit ako sa orasan, 6:40 pm. Bumaba na kaming lahat at lumabas ng bahay.

"Kasya tayo dito sa sasakyan ko. Pito tayong lahat." Sabi ni Elavine at pinapasok na niya kami sa loob ng kanyang sasakyan.

"Kuya sa school tayo." Sabi niya sa kanyang driver.

Habang nasa daanan kami hindi kami mapakali dahil ang iba kinakabahan ang iba naman excited na.

"Sino pala partner mo Heather?" Tanong sa akin ni Alexine. Napa-isip ako ng saglit at naalala ko na agad.

"Si Deo ang ka-partner ko. Alam ko naman na ang partner mo kaya hindi na ako magtatanong at sana i-enjoy niyo yung party." Sabi ko sa kanilang lahat.

Nakarating na kami agad sa school at isa-isa kaming bumaba mula sa sasakyan. Nakita ko na nandoon ni si Jax, Nixon at Deo na nag-aantay sa amin.Partner pala ni Yana si Nixon at partner naman ni Alexine si Jax. Napatingin ako sa kanila pero nginitian ko na lamang si Jax. Aaminin ko, nagseselos parin ako minsan pero wala naman akong magagawa kung hindi ang magparaya tsaka ayos lang naman sa akin na maging sila hanggang sa huli kasi bagay naman talaga sila para sa isa't-isa.

Nginitian din ako ni Jax at tumingin naman ako kay Deo. Kita ko sa mga mata ni Yana na sobrang saya niya. Partner na nga niya si Nixon bagay pa silang dalawa. Pumasok kaming lahat sa loob at halata naman na sobrang ingay dahil Prom Night ngayon.

"Good evening students of Fauxiton Academy. I'm glad to see that all of us are enjoying the party and remember this is just the beginning of the party so enjoy!" Sabi ni Principal Torres at bumaba na ng stage.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon