Chapter 19

890 440 24
                                    


Heather's Point of View

Sa nangyari kahapon hindi ko parin tanggap na sila na nga talaga. Hindi ko tanggap dahil mahal ko parin si Jax. Alam ko tanga ako pero hindi ko naman kasalanan na nahulog ako sa kanya. Kasalanan niya iyon, hindi naman pala marunong sumalo.

Mas mabuti na lang na huwag ko na pansinin ang mga nangyari kahapon at magbagong buhay na ako pero kahit makalimutan ko ang mga nangyari hindi na matatanggal ang sakit sa puso ko na sinugatan ni Jax.

Nang makarating ako sa campus hindi ko na pinansin ang mga estudyante na kumakaway sa akin at ngumingiti. Wala na akong pakialam kung pangit na ang ugali ko para sa kanila basta ako ganito na ako.

Nang makapasok ako sa loob nakita ko agad ang ibang mga estudyante na nagkakagulo kaya naman sumiksik na ako para malaman kung ano ang nangyayari at iyon naman pala si Jax at Alexine na magkasama at hawak kamay pa talaga. Inirapan ko lang sila ng hindi ako nahuhuli at lumayas na kaagad.

"Bitter na kung bitter basta ako single forever." Sabi ko sa sarili ko at bago ako umalis inirapan ko ulit sila at nabangga ako kay Deo.

Tinulungan niya akong tumayo at pagkatapos niya akong tulungan umalis na agad ako. Wala ako sa mood para magpasalamat ng marami sa kanya kaya sorry na lang sa kanya pero not sorry talaga.

Nakita ko sina Rissa, Elavine, at Yana kung nasaan malapit sa kanila ang locker ko at nang makita nila ako hindi ko sila pinansin kahit tinatawag nila ang pangalan ko.

"Heater!" Sigaw ni Yana.

Tumingin ako sa kanya at mukhang galit na galit na siya sa kakatawag sa akin pero walang sagot na nakukuha.

"Heather hindi Heater." Sabi ko sa kanya sabay irap at tingin ulit sa locker ko para ayusin ito.

"Bakit naman ang harsh mo ngayon?" Tanong sa akin ni Rissa.

Tinignan ko siya ng masama at bigla itong napatulala sa akin at sunod na napatulala sa akin si Yana at Elavine.

"Bakit?! May reklamo ka?!" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"W-wala... nagtatanong lang..." Kinakabahan na sagot sa akin ni Rissa.

"Huwag kana magtanong! Naiirita ako sa inyo, pwede ba layuan niyo muna ako gusto ko muna mapag-isa." Sigaw ko sa kanila. Nagulat lang sila sa akin.

Tapos biglang may nakita akong dumaan sa harapan ko na hawak kamay din. Nainis ako kaya naman sinita ko sila.

"Hoy! Ang lalandi niyo! Nasa school kayo, wala sa park! May nalalaman pa kayong hawakan ng kamay maghihiwalay din naman kayo. Kung ako sa inyo tigil-tigilan niyo na ang pagiging sweet sa isa't-isa kasi alam niyo... walang forever kaya tigilan niyo mga pinaggagagawa niyo!" Naiirita na sabi ko sa kanila.

"Bitter!" Sigaw sa akin nung babae.

"Wala ka ng pake! Ang pangit niyong dalawa!" Sigaw ko sa kanila.

Tumigin ulit ako sa kanilang tatlo at maya-maya kusa na silang umalis sa harapan ko. Alam ko ang sama ng ugali ko ngayon pero ang hindi nila alam masakit ang pinagdadaanan ko. Bitter ako dahil sa dalawang taong sinaktan ako ng sobra. Naging bitter ako dahil hindi man lang niya napansin na gusto ko siya at sa huli napunta siya sa taong mali. Hindi sila bagay pero kung iyon na talaga ang gusto nila wala na akong magagawa. Masama na ako kung masama wala namang may pake sa akin.

Maya-maya tumunong na ang bell at agad na akong pumasok sa room ko. Umupo agad amo sa upuan at nakita si Alexine na kumaway sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at halata naman na ngumisi siya sa akin.

Sa buong isang oras nakinig na lang ako para naman may matutunan ako kahit papaano at maya-maya pagkatapos ng klase namin kinausap ako ni Jax.

"Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin na maging kami ni Alexine." Pasalamat ni Jax sa akin habang nakangiti habang ako naman at hindi ngumiti sa kanya at tinignan lamang siya sa mukha.

"Wala ka ng dapat ipagpasalamat. Hindi mo na ako kailangan ngayon dahil nakuha mo na siya. Hindi mo man lang ako hinanap kahapon pagkatapos kitang tulungan. Bastos na kung bastos pero alam mo Jax... wala kang kuwentang kaibigan. Gwapo at matalino ka man, manhid ka naman para sa akin." Sabi ko sa kanya at sabay labas ng classroom at naiwan siya doon na nakatulala kasama si Alexine. Kahit hindi narinig ni Alexine ang usapan namin ni Jax alam kong malalaman din niya iyon.

Walang sikretong hindi nabubunyag...

Isang araw na walang kuwenta. Isang araw na walang kabuhay-buhay. Isang araw ang nasayang ko dahil lang sa kanilang dalawa. Kung hindi ko sana tinulungan si Jax siguro nililigawan parin niya si Alexine.

Hindi ko tinanggap ang pasalamat niya sa akin dahil hindi ko tanggap na naging sila. Hindi ko kinausap ang mga kaibigan ko ngayon at nanatili akong tahimik. Gusto ko man sabihin ang nararamdaman ko sa kanila pero hindi ko na kayang magsalita, nawalan na ako ng gana.

Kaya naisipan kong tawagan si Elavine. Hindi ko naman aakalain na sasagutin niya ito kaya naman agad ko siyang kinausap.

"Elavine, pasensya na sa ugali ko kanina. Wala lang talaga ako sa mood..." Sabi ko agad sa kanya.

"Ayos lang, naiintindihan naman namin kung bakit ka ganito." Sagot sa akin ni Elavine.

Maya-maya tumulo na naman ang luha ko at napaiyak habang kausap siya.

"Ang manhid kasi niya. Wala man lang siyang utang ng loob. Hindi niya pansin na gusto ko siya. Nakakasakit siya ng damdamin." Sabi ko kay Elavine.

"Huwag ka na papaapekto sa mga nangyari basra lagi mong tatandaan na nandito lang kami para sa'yo at madami pang iba dyan na mas okay pa sa kanya. Huwag mo sirain ang ganda mo sa isang lalaki na hindi ka naman kayang mahalin. Ang gawin mo na lang ay kumain at move on." Sabi sa akin ni Elavine.

"Salamat talaga Elavine."

"Walang anuman, Love you best friend." Sabi niya sa akin.

"Love you too, best friend, sige bye na." At doon ko na binaba ang tawag namin.

Tumingin ako sa salamin at ngumiti sa sarili kong mukha. Naaalala ko si Alexine at ang mga masasamang ginawa niya sa amin. Magaling si Alexine... sa kalokohan. Nakuha na niya ang gusto niya.

Well done, Alexine Mendez, but for me you're still not good enough.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon